Sa aking nag-iisang pinakaminamahal,
Aking panalangin ay sanay’s iyong makamtan ang lahat ng ligaya, katiwasayan sa kalooban, pangangatawang walang karamdaman at dampi ng pagmamahal mula sa maykapal.
Mula sa pagbukas ng aking mga mata, kasabay ng pagsikat ng araw kaninang umaga, aninag ko ang iyong mukha na dala ay pag-asa at ligaya sa buong araw.
Hindi ko mawari ang tamis na nadarama sa bawat paghinga, hangin ay dala ang ala-ala ng tanang panahon na ikaw ay kasama. Dumadaloy sa aking hininga papunta sa aking isipan at para bagang nananalaytay sa aking mga ugat papunta sa aking puso at itoy tulungang tumibok upang mabuhay.
Tanto ko’y hindi maaaring magsimula ang a