Pangako
Ikaw lang ang iibigin ko
Ikaw lang ang mamahalin ko
Ikaw lang wala ng iba...
Pangako
Magiging tapat ako sa 'yo
Hindi ako magbabago
Hindi ako titingin sa iba
Hindi ako magpapadala sa tukso...
Pangako
Hindi kita papalitan
Hindi kita sasaktan
At lalong hindi kita iiwan...
Ngunit
Hahayaan kita
Hindi kita pipigilan...
Tatanggapin ko ang lahat
Huwag mo lang akong iiwan...