Filipino
http://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module
English
http://www.slideshare.net/marcomed/deped-grade-9-english-learners-material
Mathematics
http://www.slideshare.net/marcomed/grade-9-mathematics-learners-module
Science
http://www.slideshare.net/marcomed/deped-grade-9-learners-module-science
Araling Panlipunan
http://www.slideshare.net/jhingsworld/kasaysayan-ng-daigdig-ap-9-module-first-quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao
http://www.slideshare.net/marcomed/grade-9-edukasyon-sa-pagpapakatao-learners-module
1 of 2
Download to read offline
More Related Content
Mga kwento at Dula
1. Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran
I sinulat ni Gordon Fillman
I sinalin ni Pat V. Villafuerte
Ilang taon na ang lumipas, banal na araw noon sa Herusalem, nahirapan ako sa
pinakamagulo kong karanasan sa mga kasapi ng mga piling Israeli Ashkenazic (may karanasang
Europeo).
Naninirahan ako noon sa isang maganda, luma at mabuhay na lugar kasama ang mga
kapitbahay kong Kurdish, Persian, Iraqi, Amerikano at Ashkenazic Israeli Jews. I sang araw, isang kilala
sa akademya at ang mapayapang paggalaw ang tinigilan ng kaniyang sasakyan habang akoy
pauw i sa aking bahay mula sa kabayanan, at akoy kaniyang inalok ng sakay. Habang akoy
kaniyang ipinagmamaneho sa aming magandang lansangan, inilarawan ko ang kapalaran sa
pagkakaroon ng kapitbahay mula sa ibat ibang lugar. Ugh, bulalas niya nang kami ay dumating
sa mga Persians, Mga Persian: sila ang pinakamasama. Ang malamig kong pakli sa kaniya ay
Anong kaimpyernuhan ang pinagsasabi mo? Ay, naku, dugtong niya, Lahat ay nakakaalam na
sila ang pinakamasama.
Hindi pa ako nakikipagbalitaan sa mga kakilalang ito ilang taon na ang nakakalipas.
Inilarawan ko sa aking isipan kung gaano siya naguluhan sa kinalabasan ng botohan ng mga
I sraelitas. Ipinagtataka ko kung mayroon siyang palatandaan tungkol sa gawain na siya at ang
kanilang mga kasamang Ashkenoisie ay may bahagi sa pagbubunyag nito.
Matapos ang botohan, isang malaking bilang ng tagapanood na Af ro-Asian Jews ang
masiglang sumagot kay Netanyahu. Sobrang galit ang mga nakikinig sa kaniya kasama si Perez, na
si Netanyahu ay pamamahalaan sila, upang ang kanilang kawalang-galang ay mawala.
Ang hinanakit kay Perez ay nagmungkahi ng hinanakit sa klase sapagkat siya ay inaakalang
kumakatawan sa mga sekular, cosmopolitan, mapayapang mamamayan sa mundo na
nangangahulugan na magtatanggol ng proseso ng kapayapaan sa I srael.
Sa mga nangunang tagapag-isip ng mga Ionist ay hindi man lang umasa na ang mga
Europeong Hudyo ay magkukulang ng bilang laban sa mga Aprikano at Asyano, ni hindi sila
gumawa na tila pang-unawa, na sila ay magsimulang magkulang ng bilang laban sa mga Af ro-
Asians, na ang edukasyon, klase at paksa tungkol sa relihiyon ay maaaring mag-udyok ng relasyong
magkalaban na ang salitang maganda lamang sa pandinig at mga kamalian ay mabawasan.
Ang Ashkenazim ay kinakatawan ng mga nakapag-aral na I sraelitas. Mayroon akoy
nakatitiyak, walang sadyang patakaran ng pagtatanggal, ngunit tulad ng karamihang paaralan sa
I srael, ang edukasyon ay napangingibabawan ng mga matataas at panggitnang uri ng
Ashkenazim. May lalabas na paboritismo sa paghahanap ng mabuting paaralan at pagtatanggap
ng mga tao sa pamantasan at programang propesyonal. I toy hindi pagsasabi na ang tagumpay
ay hindi lubos na mahalaga sa pagpapasiyang ito, ngunit sinong maayos ng mga trabaho, pook,
paaralang institusyon ang nagbibigay ng pondo sa ibat ibang kahanga-hangang tagumpay? Higit
sa lahat ang mga Ashkenazim.
2. Ang Af ro-Asian ( a.k.a Sephardic, Oriental, Eastern, at Mizrachi ) Jews ay sa pinakabahagi,
kaakit-akit na bourgeoisie at manggagawa, uri ng tao na nagbibigay ng pangangailangan ng
kanilang grupo at nagsisilbi rin upang ang buhay ay maging komportable para sa mga nakatataas
at nasa gitnang klase ng mamamayan. Na may kaunti at mahalagang pagtutol, partikular na sa
pagtatayo ng mga industriya, Ashkenazic ang pinaka-bourgeoisie at ang tagapaglingkod. Tulad sa
lipunan, ang ikinagagalit ng mga tagapaglingkod tungo sa pinagsisilbihan ay pinapasakitan ang
mga nahuhuli at silay naw aw alan o nasisiraan ng loob. I toy tulad ng masasabing, kung akoy
komportable, bakit ang mga taong nagsisilbi sa akin ay hindi bagay hangaan at pasalamatan? Ang
pinaglilingkuran sa U.S. Jewish at walang ibang kilos.
Sa Israel, ang pinaglilingkuran ay mahilig ding maging mataas na konsumer. I toy
napapalagay na ang mataas na consumer ay gulat sapagkat silay kadalasang nasasakop at
maaaring kahit galitin, ng mga katamtaman at mababang konsumer. Bilang pagbaling ng mga
I sraelitas sa mga estilo ng U.S. at ang sukatan ng paggawa (ang orihinal na bilihan sa Israel, naitayo
ilan taon pa lang ang nakakalipas, tila dumanas ng cell division countless time, bagay na tunay na
tumatakip sa kaayusan ng I srael), ang matataas na konsumer ay ipinagmamalaki ang kanilang
kayamanan sa mga katamtaman at mababang antas ng uri ng sistema na ang agwat ng
mayaman sa mahirap ay mabilis na gumagawa sa U.S.
Ang mga pinaglilingkuran ay mahilig ding maging sekular at magpasakit sa harap ng mga
relihiyosong mga tagasubaybay. Kahit na karamihan sa mga Af ro-Asian Jews ay hindi gaanong
relihiyoso, ang inuuna nilang kultura ay hindi sila binibigyang konsepto, gawing mag-isa ang
pagsasanay ng serkularismo. Ang Hudismo ay hindi relihiyon sa kanila, ni ngayon, bagkus, itoy
bahagi ng kanilang buong buhay.
Noong si Paula Ben-Gurion, asawa ng Unang Kataas-taasang Ministro ng Israel silang kapwa
mabagsik na sekular ay tinanong kung ano ang pakiramdam ng bumili ng kosher meat, itoy hindi
nakagugulo sa kaniya. Simple niyang gawin sa sandaling umuwi siya. Sa magandang sagot, ngunit
nakagugulo sa mga Jews mula Aprika at Asya na iniisip lamang ito bilang kalapastanganan.
Alinsunod sa pagsusuot ng yarmulke sa Wailing Wall, si Netanyahu tulad ni Begin, bago siya nagawa
niyang magdala ng pagkakaisa kasama ng mga may pagkerelihiyosong mga tagapaglingkod.
Posibleng ang malaking pakinabang ng mga botanteng Jews ay nakapagbigay kay
Netanyuha (55% ng botanteng Israeli Jews-ed.) ay hindi malaking pagtanggi sa proseso ng
kapayapaan o pababain ito. Sa halip ang may kalakihang seksyon ng populasyon ng mga Israeli
Jewish ay pinapantayan ang mga tumatangkilik sa kanila, ini-isteryotayp sila at umaasa sa kanila
upang matanggap ang kanilang gagampanan bilang tagapaglingkod sa mga may tanging
karapatan.
Ang galit sa uri ay madalas na nagpapagalaw sa politika sa mga bansang class ridden. Ang
pagsubok sa mga tao na naghahangad na makita ang kalayaan at ang tunay na demokrasya sa
I srael, sa U.S., Russia at saan man ay ang kung paano dalhin ang mapayapang mga uri para
intindihin ang mga galit sa kanila at ang kanilang aktibong bahagi sa paninindigan nito. At saka,
ang pinakamalaking pagsubok sa lahat, ay kung kondesasyon, at dominasyon sa sosyal na
pagbubuo mula ng pangalan at interes ng bawat isa. Inaasam ko ang mga araw ng mga guro /
aktibista ay magsasabing. Mataas at katamtamang uri ng tao, maipagmataas at mapag-uri, iyan
ang pinakamasama.