ako ang dibuhong nilikha ng paghagod ng pinsel
ang pinturang yumapos sa kwadra ng daigdig
ang linya ng arkitekto sa kanyang proyekto
ako ang pag-indayog ng mga nota sa katahimikan ng gabi
ang alingaw-ngaw na likha ng pagtipa't kalabit ng mga
kwerdas
ako ang sandalyas na nagmamartsa mula rotonda
hanggang mendiola
ang karatulang matyagang naghihintay sa pagsikat ng
mapulang silangan
ang sulo ng manggagawang umaakay sa liwanag ng
kalayaan
ako ang mapait na kape sa katanghalian ng araw
ang espresong pinatamis ng pag-ibig ng mahamog na
gabi
ako ang malumanay na binabaeng sumasamba't nagaalay
ng kamanyang sa sarili niyang dambana
ako