Hindi para sa tamad ang pagsulat. Sige, siguro mukhang pang tamad ito kasi depende kung kailan tamaan ng inspirasyon ang manunulat. Pero kung ito ang kabuhayan mo, hindi ka pwedeng tamarin. Dahil sa bawat minutong lumilipas na wala kang masulat - ikaw ang lugi =P Isipin mo, pwedeng may boss ka nga. Pwedeng may editor ka nga. Pero ang ginagawa mong pagsulat - hindi mo pwedeng i-delegate sa iba. Ito ang laman ng iyong isip, ang paglabas ng iyong sarili sa pamamagitan ng salita. Kahit na sabihin mong isa lang itong press release o kung ano pa man - isipin mo: sa iyo pa rin galing yung pamamaraan ng pag-ayos ng mga salita para maintindihan ng babasa yung gusto mong sabihin.Tama din si Bob Ong. S