Tahimik at seryoso, ngunit sensitibo at maalaga.
Ilan lamang iyan sa katangiang taglay ko. Gamit ang aking utak radikal, pakinggan niyo ang aking maikling pagpapakilala ng aking sarili at buhay.
Nasilayan ko ang unang liwanag ng mundo sa magusaling Lungsod ng Maynila sa isang malamig at mahanging umaga ng ika-dalawampu’t pito ng Agosto, taong isang libo siyamnaraan at siyannapu’t anim.
Panganay ako sa bunga ng pagmamalahan ng isang inhinyero at dating saleslady na aking mga magulang. Lumaki ako sa tahimik na syudad ng Caloocan.
Nakaranas ako ng kaunting karangyaan at mapalad na nakapagtapos ng elementarya sa isang pribadong paaralan. Ipinagpatuloy ko ang aking pagtuklas sa mundo pa