2. Sa di kalayuang bayan
naninirahan ang Datu na si
Makan. Isa syang malupit na
Datu. Palagi niyang pinaparusahan
ang sinumang magkakasala at
lalabag sa batas niya.
3. Kasama niyang naninirahan ang
kanyang anak na si Maria. Maganda ito
at mabait di tulad ng kanyang ama.
Bilang maharlika palagi lamang ito sa
kanilang balay. Ngunit isang araw
tumakas siya at nagputna sa
kakahuyan. Doo niya nakilala ang isang
binatang si Makisig.
4. Nahulog sila sa isat isa kayat
palagian ng tumatakas si Maria.
Napansin ito ng Datu at minanmanan
ang anak. Nalaman niya na itoy may
katagpo sa kakahuyan kayat madali
niyang pinahuli ang dalawa sa kanyang
mga kawal.
6. Isang araw, may naligaw na
matandang babae sa kanyang
tahanan. Humihingi ito ng tubig
dahil siya ay nauuhaw na. Ngubnit
dahil sa nakatakda ng bitayin si
Makisig ng araw na iyon,
nagmamadali ang Datu at hindi
pinansin ang matanda.
8. Ha, yan ang nababagay sa
matandang hukluban ng kagaya
mo. Sabi ng Datu sabay alis.
9. Naiwan ang matanda na nakasubsob sa
sahig. Bumangon ito at muling sinundan
ang Datu. Naabutan niya ito na nakaupo
sa isang tanghalan. Nagmasid ang
matanda at nakita ang isang binata na
nakaluhod at may palakol malapit sa ulo
nito. Nakita rin niya ang isang dalaga na
umiiyak at nagpupumiglas sa mga
nakahawak sa kanya.
10. Ang lakas ng loob mo na mahalin
ang aking anak. Hindi ka nababagay
sa kanya, hampas lupa. Nararapat
lamang na parusahan ka ng
kamatayan.
11. Dahil sa galit ng matanda, nagpunta
siya sa tabi ni Makisig at gamit ang
kanyang kamay, itinulak niya ang
dalawang kawal na katabi nito.
Tinanggal rin niya ang palakol na
nakahanda.
12. Ikaw na naman matandang uhaw?
Sino ka para gawin yan sa akin?
Wala kang karapatan! sabi ng Datu
Makan habang bumababa sa
kinauupuan nito.
13. Walang sinuman ang maaaring
lumabag sa batas ko kaya ikaw
muli sanang pagbubuhatan ng kamay
ang matanda ngunit napigilan ito ng
matanda.
14. Sino ako? Ako lang naman ang diwata sa
kakahuyan at anak ko ang binatang nais
mong patayin. Tama na ang isang lapat ng
iyong maruming palad sa aking pisngi.
Hindi ko na hahayaan na saktan mo ang
kahit sino pa sa bayan na ito. tugon ng
matanda.
15. Habang hawak niya ang
kamay ng Datu ay nagpalit
ito ng anyo bilang diwata.
16. Ikaw Datu Makan ay masyadong
mapagmataas at malupit. Walang
hiya na taglay sa katawan. Kayat
isinusumpa kita sa abot ng aking
kapangyarihan , ikaw aty titiklop rin
sa mga nasasakupan mo. Sabi ng
matanda.
17. Sa pagbigkas noon ng diwata, isang
liwanag ang lumabas at noong itoy
nawala, isang maliit na halaman ang
nasa gitna ng tanghalan. Lumapit si
Maria upang hawakan ito ngunit ang
mga dahon nito at tumiklop.
18. Iyon ang nagging bunga ng
sumpa ng diwata. Halaman na sa
tuwing mahahawakan ay
tumitiklop ang mga dahon nito.
Kinalaunan ay tinawag itong
MAKAHIYA.