Lesson plan hks 6 -kahalagahan ng edukasyon at kalusugan
1 of 2
More Related Content
Lesson plan hks 6 -kahalagahan ng edukasyon at kalusugan
1. Banghay Aralin sa HEKASi 6
Name: Jane S. Ologuin
School: Nazareth Elementary School
District: Sergio Osme単a II District
I. Layunin: Naiuugnay ang kahalagahan ng edukasyon at kalusugan ng
mamamayan sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.
II. Paksa: Pagpapabuti ng Uri ng Kalusugan
Sanggunian: Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa6, p.287
PELC V. B1.3, pahina 37
Kagamitan: mga larawan
pagpapahalaga: pagkamalusog
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral:
Ano ang mga paraang ginawa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng
edukasyon?.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Malusog ka ba? Pinagbubuti kaya ng pamahalaa ang ating kalusugan?
2. Paglalahad
Pagbasa sa Aralin
Pagpapalitan ng kuru-kuro
3. Pagtatalakayan
Ano ang kahalagahan ng kalusugan sa pagpapaunlad ng bansa?
Anu-ano ang ginagawa ng pamahalaanupang mapabuti ang uri ng
kalusugan ng mga mamamayan?
Paano ipinapatupad ng pamahalaa ang programa sa kalusugan?
Ano ang DOH? Ano ang bagong pamamalakad nito?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan para sa
pagpapabuti ng uri ng kalusugan?
2. Paglalapat
Para sa iyo, pinagbubuti ba ng pamahalaan ang uri ng kalusugan sa ating
bansa?
3. Pagpapahalaga
Ano ang maaaring mangyari sa ekonomiya ng bansa kapag hindi gumawa ng
paraan ang pamahalaan parta sa pagpapapbuti ng uri ng kalusugan?
Mahalaga ba ang pagiging malusog ng bawat mamamayan? Paano ito
nakatutulong sa pagkakaroon ng pag-unlad ng isang bansa?
IV. Pagtataya
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahalaa upang mapabuti ang uri
ng kalusugan sa ating bansa?
V. Takdang-Aralin
Magsaliksik kung paano ginawa ng pamahalaan para mapaunlad ang uri ng
agham at teknolohiya sa ating bansa.
2. Banghay Aralin sa HEKASi 5
Name: Jane S. Ologuin
School: Nazareth Elementary School
District: Sergio Osme単a II District
I. Layunin: Natutukoy ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng
pulitika.
Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga katangian ng isang
maunlad na bansa sa larangan ng pulitika.
II. Paksa: Ang mga palatandaan ng Kaunlaran
Pag-unlad na Pampulitika
Sanggunian: Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 5, p.54-56
Pilipinas Bansang Papaunlad 5, pp. 48-51
PELC V. B1.3, pahina 37
Kagamitan: mga larawan na may kaugnayan sa pamahalaan at mamamayan
pagpapahalaga: kahalagahan ng pamahalaan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral:
Anu-ano ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kultura?.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Nais ba ninyong malaman na ang isang bansa ay kinakailangang maging
maunlad sa larangan ng pulitika??
2. Paglalahad
Pangkatin ang mga bata.
Pagbasa sa aralin
Bawat pangkat magkaroon ng dramatisasyon ng mga pangyayaring
ngpapakita ng mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng pulitka sa
bansa.
3. Pagtatalakayan
Ano ang pamahalaan?
Ano ang sisteman ng pamahalaan sa pilipinas?
Mahalaga ba ang pamahalaan sa pag-unlad ng bansa? Bakit?
Kailan natin masasabi na maunlad ang bansa batay sa pamahalaan
nito?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Anu-ano ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng pulitika?
Ano ang mga halimbawa ng mga katangian ng isang bansa sa larangan ng
pulitika?
2. Paglalapat
Para sa iyo, totoo bang maunlad ang pulitika ng pilipinas? Bakit?
3. Pagpapahalaga
Mahalag ba sa atin ang pamahalaan, mga karapatan at mga kalayaan ng mga
mamamayang pilipino?
Ipaliwanag:
Maunlad ang bansang may sistemang pulitikal na ang pinanggagalingan ng sigla
at lakas ay ang tunay na demokrasya ng mga mamamayan?
Maunlad ba ang kalgayang pampulitika sa Pilipinas? Bakit?
IV. Pagtataya
Anu-ano ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng pulitika?
Anu-ano ang mga halimbawa ng mga katangian ng isang bansa sa larangan ng
pulitika?
V. Takdang-Aralin
Magsaliksik at mgsasagawa ng ulat sa klase sa pinakamaunlad na probinsiya sa
Pilipinas na maunlad sa larangan ng pulitka at sa kalusugan.