2. Ang Tula
Pagsasama ng mga piling
salita na may tugma,
sukat, talinghaga, at
kaisipan
Nadaramang
mga kaisipan
Nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip, at tumutuloy sa damdamin
7. 1. Tugma
Pagkakatulad o pagkakahawig ng
mga tunog sa huling pantig ng
bawat taludtod ng tula.
Halimbawa:
Sa loob at labas ng bayan kong sawi
Kaliliuhay siyang nangyayaring hari,
Kagalingat bait ay nalulugami
Naamis sa hukay ng dusat pighati
8. Tugmaang Patinig
pagtutugma ng tunog na kung saan ang
salita ay nagtatapos sa patinig
Tugmaang Katinig pagtutugma ng tunog na kung saan ang
salita ay nagtatapos sa katinig
Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s
Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r, y
9. 2. Sukat
Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang
mga tradisyonal na anyo ng tula ay may
sukat na 12, 14, 16. Kung lalabindalawahin
ang sukat, ang sesura o hati ay nasa
ikaanim na pantig.
Halimbawa:
Ang lahat ng ito / maawaing langit,
Iyong tinutunghay /, anot natitiis?
Wala ka ng buong / katwiran at bait,
Pinapayagan pang/ ilubog ng lupit.
10. 3. Paksa/Kaisipan
Mga nabubuong kaalaman o
kaisipan, mensahe, pananaw,
saloobin na nais iparating
Halimbawa:
Ang Guryon ni Ildefonso Santos
Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon, ito ay maaaring bumagsak
tulad ng tao na nagpapakataas at di inaalagaan ang matagal na
pinapangarap ay tiyak na babagsak.
11. 4. Talinghaga
Nagpapagalaw ng guniguni ng
mga mambabasa, likas na
taglay ng tula, pagpili ng salita
at tayutay na nagbibigay ng
kariktan sa tula
16. Ang tula ay isang awit
Nag-aangkin ng melodiya o tono,
nararamdaman sa indayog o ritmo
17. Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas at Pagbuo ng Tula
1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at
paksa ng tula.
2. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay.
Nakatutulong ito upang maging mabisa at kaakit-akit ang
tula.
3. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay nagiging mabisa at
kapupukaw ng interes ng mambabasa.
4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa
pagbuo ng tunog o pag-uulit ng mga inisyal na tunog-katinig
o tunog-patinig.
19. 1. Tradisyonal
Ito ay sumususnod sa lumang pamamaraan ng pagsulat.
Nagtataglay ito ng apat na sangkap - sukat, tugma,
talinghaga, at kaisipan.
Halimbawa:
Sa langit na iyon, agham ang may haka,
Walang katapusan, diyay naglipana.
Ang napakaraming bituit bantala.
O! Saan hahantong ang ganiyang hiwaga?
-Ang Diyos at ang Agham ni Conrado C. Fajardo
20. Haiku
Tanaga
Diona
Soneto
4 na taludtod
Sukat: 7 pantig bawat taludtod
3 taludtod
Sukat: 5-7-5
3 taludtod
Sukat: 7 pantig bawat taludtod
May tugma
14 na taludtod
May striktong tugmaang sinusunod:
abba abba cde cde
21. 2. Malayang Taludturan
Mga tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay
naman ng talinghaga at kaisipan.
Halimbawa:
Sa bawat araw na nagdaraan
May mithiin tayong gagampanan.
Marangal na hangarin
Taos sa damdamin
Tumulong sa kapwa, ating adhikain.
-Kapit-Kamay ni Fernando Nocum
22. Enjambment
Pagpapatuloy ng ideya mula sa isang taludtod tungo sa
kasunod na taludtod.
Hindi pagtigil sa dulo ng taludtod bagkus pagpapatuloy
sa susunod at titigil lamang kung may tuldok o kuwit
Halimbawa:
April is the cruellest month, breeding
Lilacs out of the dead land, mixing
Memory and desire, stirring
Dull roots with spring rain.
Winter kept us warm, covering
Earth in forgetful snow, feeding
A little life with dried tubers.
-The Waste Land ni T.S. Elliot
25. 1. Tulang Liriko
Ang paksa ay ukol sa ibat-ibang damdamin.
Dalit Parangal sa Maykapal
Soneto Aral sa buhay
Elehiya Parangal sa alaala ng namatay
Oda Parangal o papuri sa isang dakilang
gawain
Awit Pagpapahayag ng damdamin,
kaugalian, karanasan,
pananampalataya, at iba pa
26. 2 Tulang Pasalaysay
Nagsasaad ito ng mahahalagang pangyayari na may
tauhan, tagpuan, at banghay.
Epiko Inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan na hindi kapani-paniwala
sapagkat may halong kababalaghan
Awit at
Korido
Nagsasalaysay ng kagitingan at pagkamaginoo,
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
Ang awit ay may sukat na 12 pantig sa isang
taludtod. Ang korido ay may 8 pantig sa bawat
taludtod.
27. 3. Tulang Patnigan
May layuning mangatwiran, manghikayat, at magbigay-
linaw tungkol sa isang paksa.
Balagtasan Tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula
bilang pangangatwiran sa isang paksang
pinagtatalunan
Karagatan Paligsahan sa pagtula na mula sa alamat
ng singsing ng isang dalaga na nahulog
sa dagat
Duplo Paligsahan ng mga bilyakot bilyaka sa
pagbigkas at pangangatwiran na madalas
ginaganap kung lamay
28. 4 Tulang Pantanghalan
Patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng
ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng
mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad
ng nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
31. Alak
Ni Lilia F. Antonio
PINA
sim
sim
mo ako,
aking
mahal,
ng matamis na alak
nalanghap ko ang
nakalalango nitong samyo
(waring ikaw sa kaloob-looban ko)
sa pagdaiti ng labi sa gilid ng kopita
(nadama ko ang alab ng iyong pagtatangi)
habang nilalaru-laro ng aking dila
ang dumadaloy na likido
(nagsasanib ang ating puso at isip)
sa pagkatitig sa iyong mga mata
nadama ko ang langit.
32. Tulang Diyamante
Kaibigan
Ni Neriza C. Pesigan
Kaibigan
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot man o ligaya
Wala kang kapara
Nag-iisa
Malayang pagkakaayos ng mga taludtod na nasa anyo ng
ibat-ibang hugis, tulad ng diyamante, na nakadaragdag
linaw at kahulugan sa paksa.
33. Tulang Paralel
Rosas
Ni Nikki Lalaine M. Avila
Magandang bulaklak Ibat ibang kulay
May pula at dilaw Kay inam pagmasdan
Mayroon pang puti Busilak na tunay
Sagisag ng kalinisan Kakaibang katangian
Isang uri ng tula na basahin man ng pahalang o pababa
ay makabubuo ng mensahe
34. Haibun
Binubuo ng prosa at tula na pangkaraniwang
kinakikitaan ng mga elementong nakaaaliw at seryoso.
Karaniwang nagtatapos sa haiku o tanaga.
35. Mga Batayan
Ang Tula. (2016). In Malikhaing Pagsulat (pp. 28-47). SIBS Publishing House,
Inc.
Cabrera, M. (2010, June). Retrieved from Filipino Tula: http://Filipino-
tula.blogspot.com/2010/06/mga-uri-ng-tula.html
Go, K. (2011, August). Retrieved from 際際滷shar.net:
/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182
息 Andrea Tiangco, 2018