際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
NASA BIBLIA BA ANG ARAL NA ANG DIYOS AY
MAY TATLONG PERSONA?
Ang doktrina o aral tungkol sa
TRINIDAD ay isang malaganap na
paniniwala ng maraming
nagpapakilalang mga Cristiano sa
kasalukuyan. Ang paniniwalang ito,
ay kanilang ipinapalagay na
mababasa sa Biblia o nakabatay sa
Biblia, itinuturo ng aral na ito na ang
Diyos ay binubuo ng TATLONG
PERSONA: Diyos Ama, Diyos
Anak, at Diyos Espiritu Santo,
bagamat itinuturing nila na ang
bawat persona ay isang Diyos, ang
mga naniniwala sa Trinidad ay
nagtuturo at nagsasabi na iisa
lamang ang Diyos at hindi tatlo.
Kung ating sasangguniin ang Biblia,
ang Panginoong Diyos ba, o ang kaniyang anak na si Jesu Cristo, o
maging ang mga Apostol, ay nagturo na mayroon pang ibang Diyos
maliban sa AMA? Ano ba ang pagpapakilala ng Diyos sa kaniyang
sarili na siya namang itinuro ni Cristo at ng kaniyang mga alagad? Sabi
ng Biblia:
Isaias 45:21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo,
magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito
mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon
nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa
akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa
akin.
Ang Diyos mismo ang nagsabi na siya lamang ang nagiisang Diyos, at
itoy kaniyang binigyan ng diin sa pagsasabing walang Dios liban sa
kaniya at wala siyang nakikilalang iba:
Isaias 44:8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man:
hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo
ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang
malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.
Ang nagiisang tunay na Diyos ay walang nakikilalang ibang Diyos
maliban sa kaniyang sarili, iyan ang maliwanag na katotohanang
pahayag ng ating Panginoong Diyos mismo. Maging ang kaniyang
mga sinaunanag lingkod gaya halimbawa ni Haring David ay may
pahayag ng ganito:
2 Samuel 7:22 Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios:
sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo,
ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.
Mapapansin na noong mga unang panahon ang mga lingkod ng Diyos
ay hindi kailanman siya ipinakilala bilang isang Diyos na may tatlong
persona, kundi ipinakilala nila na ang Diyos ay iisa lamang at wala
siyang katulad o kagaya. Dagdag pa ni Haring David:
Awit 86:10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng
kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios.
Maliwanag kung gayon na IISA LAMANG ANG TUNAY NA DIYOS.
Kung ang tao ay kumilala pa sa ibang Diyos maliban sa iisang tunay
na Diyos na ipinakikilala ng Biblia,samakatuwid ayhindi sila nakaabot
sa tunay na pagkakilala sa tunay na Diyos na itinuro ng mga banal na
kasulatan.
ANG AMA LAMANG ANG NAG-IISANG
TUNAY NA DIYOS
Sino ang nagiisang tunay na Diyos na ipinakilala ni Cristo? Ating
tunghayan at basahin ang patotoo ng Tagapagligtas:
Juan 17:1,3 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa
pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama,
dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang
ikaw ay luwalhatiin ng AnakAt ito ang buhay na walang
hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at
siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
Ipinakilala ni Cristo na ang Ama sa langit ang nagiisang tunay na
Diyos. Sa kabilang dako, ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang
sinugo o sugo ng Diyos at hindi bilang kapantay o isa sa mga persona
ng Diyos at isa pang Diyos gaya ng paniniwala ng iba. Si Jesus ay
sugo ng Diyos, at gayon natin siya dapat kilalanin:
Juan 17:21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama,
sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang
sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
Sa pagsasabi ni Cristo na ang Ama ang nagiisang tunay na Diyos,
maliwanag kung gayon na hindi si Cristo ang Diyos.
Maging ang mga apostol ay kumikilala sa iisang Diyos lam ang, ang
AMA, at hindi kailanman binanggitsa alinmang kasulatang isinulat ng
mga apostol na ang Diyos ay may tatlong persona:
1 Corinto 8:5 Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na
mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may
maraming mga dios at maraming mga panginoon;
1 Corinto 8:6 Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang,
ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa
kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa
pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa
pamamagitan niya.
Ang Diyos,si Cristo,at ang mga apostol kailanman ayhindi nagturo na
ang Diyos ay higitsa isa.Ang nagiisang Diyos na tunay na ipinangaral
ni Cristo at ng mga alagad niya ay ang AMA lamang. Hindi binanggit
na siyas binubuo ng tatlong persona.Hindi sinabi na ang Anak, at ang
Espiritu Santo ay Diyos din. Subalit hindi nakapagtataka na may mga
tao na magturo na mayroon pang ibang Diyos maliban sa AMA. May
sinasasabi ang Biblia na ganito sa kasunod na talata:
1 Corinto 8:7 Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang
kaalamang iyan
Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na may mga tao na hindi
nakaabotsa pagkaalam ng katotohanan tungkol sa nagiisa at tunay na
Diyos  ang tunay na kaalamang ito ay wala sa lahat ng mga tao, sa
madaling salita,hindi lahatng tao ay nakakaalam ng katotohanang ito.
Bilang katibayan, ating nasasaksihan na maymga relihiyon ngayon na
nagtuturo ng doktrina o aral tungkol sa Diyos na kumokontra o
lumalabag sa itinuturo ng Biblia.
ANG TUNAY NA DIYOS AY HINDI NAMAMATAY O
NAGBABAGO
Ano ang paniniwala ng mga Katoliko at mga Protestante tungkol sa
Diyos? Sa isang aklat na may pamagat na The Faith of Our Fathers,
isinulat ng isang Cardinal ng Iglesia Katolika, ganito ang ating
mababasa:
Sa isang Diyos na ito ay may tatlong magkakaibang Persona 
ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, na perpektong
magkakapantay sa isat-isa.
Ang mga Katoliko at mga Protestante ay kapuwa naniniwala na
mayroong isang Diyos na may tatlong magkakaibang persona. Para
sa kanila, ang Diyos ay binubuo ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Ano ba ang nangyari sa Diyos batay sa paninwalang Katoliko? Sa
isang aklat na may pamagat na The Story of the Church, ganito
naman ang sabi:
Ang Diyos ay naging tao upang iligtas ang sanglibutan at upang
maibalik ang sangkatauhan sa lahat ng mga biyayang kanilang
sinayang dahil sa kasalanang original. Ang Diyos-na-Tao ay nagtayo
ng isang Iglesia kung saan siya ay mananatili sa daigidig hanggang sa
wakas ng sanglibutan upang magturo sa mga tao ng katotohanan at
upang silay mapaging banal.
Sinasangayunan ba ng Diyos ang aral na siya ay naging tao o sa
ibang salita nagkatawang tao? Ipinahayag ng Diyos ang ganito:
Oseas 11:9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit,
hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y
Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon
na may galit.
Samakatuwid ang aral na ang Diyos ay naging tao o nagkatawang tao
ay labag o kakontra ng itinuro ng Diyos sa Biblia.
Kung ating tatanggapin na katotohanan na ang Diyos ay naging tao at
itoy si Cristo, lilitaw kung gayon na dahil sa si Cristo ay namatay, ay
may Diyos na namamatay. Ang tunay bang Diyos ay maaaring
makaranas ng kamatayan?
1 Timoteo 1:17 Ngayon sa Haring walang hanggan, walang
kamatayan,di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at
kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
Ayon sa Biblia, ang tunay na Diyos ay walang kamatayan.
Samantalang si Cristo ay namatay sa krus. Kaya maliwanag na hindi
maaaring maging Diyos si Cristo dahil ang tunay na Diyos ay hindi
maaaring makaranas kailanman man ng kamatayan, dahil hindi siya
namamatay.
Ano pang aral ang malalabag ng paniniwalang ang Diyos ay
nagkatawang tao o naging tao? Sabi ng Diyos ay ganito:
Malakias 3:6 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago,
kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi
nangauubos.
Maliwanag nating nakikita ngayon na ang paniniwalang ang Diyos ay
nagkatawang-tao o naging tao, ay labag sa mga katotohanang
itinuturo ng Diyos sa Biblia. Sapagkat kailanman ang Diyos ay hindi
nababago,hindi siya magbabagong anyo o kalikasan mula sa pagiging
Diyos ay magbabago siya upang maging tao Siyay mananatiling
Diyos magpakailanman.
Bakit natin natitiyak na ang doktrina o aral tungkol sa pagkakatawang-
tao ng Diyos ay isang napakalaking kamalian? Basahin pa natin ito:
Santiago 1:17 Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal
na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama
ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng
pagiiba.
Dahil sa ang tunay na Diyos ay mananatiling Diyos
magpakailankailanmanHindi siya nagkatawang tao dahil sa wala
siyang pagbabago ni magkakaroon man siya ng kahit anino man ng
pagiiba. Hindi mangyayari kailanman na ang Diyos ay maging tao,
hindi totoo ang paniniwalang ito.
ANG ARAL NA GINAWA LAMANG NG TAO
Ang termino o salitang Trinidad ay inimbento lamang at hindi
mababasa kailanman sa Biblia. Si Augustus Hopkins Strong isang
awtoridad Katoliko ang nagpapatunay:
Ang terminong Trinidad ay hindi matatagpuan sa kasulatan
(Biblia), ang pagkakaimbento ng termino ay ipinapalagay na
gawa ni Tertulliano.
Ang aral tungkol sa Trinidad ay isang katuruan na gawa lamang tao at
itoy tahasang inamin ng isang Awtoridad Katoliko. Kailanman ay hindi
makikita o mababasa sa Biblia ang terminong ito. Ang mismong
prinsipyo ng aral na ito ay tahasang kumokontra o lumalabag sa aral
ng Diyos,ni Cristo,at ng mga apostol. Ayon sa Biblia hindi tayo dapat
magsalig ng paniniwala sa mga kautusan o aral na inimbento o kinatha
lamang ng mga tao na di sang-ayon sa mga katotohanan ng Diyos na
mababasa sa Biblia:
Tito 1:14 Na huwag mangakinig
sa mga katha ng mga Judio, at sa
mga utos ng mga tao na
nangagsisisinsay sa katotohanan.
Hindi lamang ang terminong
Trinidad ang wala sa Biblia,
patutunayan sa atin iyan ng isang
Catholic Bible Scholar:
Bagamat ang eksaktong mga
termino, kung saan pormal na
ipinaliwanag sa atin ng Iglesia
[Katolika] ang dogma tungkol sa
Banal na Trinidadang mga ito ay
wala sa Biblia,atmaaari, kung gayon, na itoy tawagin na hindi maka-
kasulatan
Ang mga tagapagtaguyod ng paniniwalang ito mismo ang umaamin at
nagpapatunayna ang dogma [o nilikhang aral ng Iglesia Katolika] na
ang Diyos ay may tatlong persona ay wala sa Biblia o hindi maka-
kasulatan.
Kailan lamang ba pinasimulang ituro ang tungkol sa aral na ito?
Ito ay isang simpleng katotohanan at hindi maitatangging
katotohanang pangkasaysayan na ilan sa mga pangunahing doktrina
na ngayon ay maituturing na mahalaga sa pananampalatayang
Cristiano  gaya ng doktrina tungkol sa Trinidad at ang doktrina sa
kalagayan ni Cristo  ay hindi umiral bilang isang ganap at
mayroon nang maliwanag at katanggap-tanggap na anyo para sa
lahat hanggang sa ika-apat at ika-limang siglo. Kung ang mga ito
man ay mahalaga ngayon  gaya ng pinatutunayan ng mga Kredong
ortodoksiya at mga kumpisal- ay marahil sapagkat ang mga ito ay
totoo. Kung ang mga ito ay totoo, samakatuwid ito ay isang
namamalaging katotohanan; at hindi naging totoo lamang noong
ika-apat at ika-limang siglo. Ngunit kung ang mga ito ay kapuwa
totoo at mahalaga, Bakit ang Iglesia [Katolika] noon ay gumugol
ng napakaraming siglo para mabuo ang mga ito?
Maliwanag na inaamin ng mga manunulat ng kasaysayan na ang aral
na ito ay nabuo lamang noong ika-apat at ika-limang siglo, kaya
malinaw na malinaw ang dahilan kung bakit hindi ito mababasa
kailanman sa Biblia.Dahil matagal nang tapos ang Biblia noong Unang
Siglo pa lamang, matagal nang patay ang mga Apostol, at matagal
nang nasa langit ang Panginoong Jesus. Kaya walang kinalaman
kailanman si Cristo,ang mga Apostol, at ang Biblia sa pagkakaroon ng
aral tungkol sa Diyos na mayroong tatlong persona.
ANG PANINIWALA NA MAGHAHATID SA ATIN
SA BUHAY NA WALANG HANGGAN
Napakalaking kasawian ang naghihintay sa kanila na tumanggap at
patuloy na naniniwala sa mga doktrina o aral na gawa lamang ng tao
at hindi nakabatay o mababasa sa Bibia.Basahin natin ang babala ng
kasulatan:
Galacia 5:19-21 At hayag ang mga gawa ng laman, sa
makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kahalayan,
Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga
pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga
pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang
pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga
kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito
ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking
pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng
gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng
Dios.
Kasama sa hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang mga taong
nahirati sa mali o hidwang pananampalataya, mga aral at
paniniwalang hindi nakabatay sa mga katotohanang nakasulat sa
Biblia, kundi inimbento lamang ng mga tao  gaya ng Trinidad. Ang
ganitong paniniwala ay ikapapahamak.
Aling paniniwala naman ang dapattaglayin ng tao upang magtamo ng
buhay na walang hanggan? Ating balikan ang pahayag ni Cristo:
Juan 17:1-3 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa
pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama,
dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang
ikaw ay luwalhatiin ng Anak: Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang
kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na
walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. At ito ang
buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios
na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si
Jesucristo.
Ang paniniwalang ang AMA lamang ang nagiisa at tunay na Diyos ang
dapat taglayin ng tao upang siyay magtamo ng buhay na walang
hanggan, sabi nga ni Cristo ITO ANG BUHAY NA WALANG
HANGGAN na ito ay ang pagkakilala sa AMA bilang IISANG DIYOS
NA TUNAY

More Related Content

Tatlong persona

  • 1. NASA BIBLIA BA ANG ARAL NA ANG DIYOS AY MAY TATLONG PERSONA? Ang doktrina o aral tungkol sa TRINIDAD ay isang malaganap na paniniwala ng maraming nagpapakilalang mga Cristiano sa kasalukuyan. Ang paniniwalang ito, ay kanilang ipinapalagay na mababasa sa Biblia o nakabatay sa Biblia, itinuturo ng aral na ito na ang Diyos ay binubuo ng TATLONG PERSONA: Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo, bagamat itinuturing nila na ang bawat persona ay isang Diyos, ang mga naniniwala sa Trinidad ay nagtuturo at nagsasabi na iisa lamang ang Diyos at hindi tatlo. Kung ating sasangguniin ang Biblia, ang Panginoong Diyos ba, o ang kaniyang anak na si Jesu Cristo, o maging ang mga Apostol, ay nagturo na mayroon pang ibang Diyos maliban sa AMA? Ano ba ang pagpapakilala ng Diyos sa kaniyang sarili na siya namang itinuro ni Cristo at ng kaniyang mga alagad? Sabi ng Biblia: Isaias 45:21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin. Ang Diyos mismo ang nagsabi na siya lamang ang nagiisang Diyos, at itoy kaniyang binigyan ng diin sa pagsasabing walang Dios liban sa kaniya at wala siyang nakikilalang iba: Isaias 44:8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba. Ang nagiisang tunay na Diyos ay walang nakikilalang ibang Diyos maliban sa kaniyang sarili, iyan ang maliwanag na katotohanang pahayag ng ating Panginoong Diyos mismo. Maging ang kaniyang mga sinaunanag lingkod gaya halimbawa ni Haring David ay may pahayag ng ganito: 2 Samuel 7:22 Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig. Mapapansin na noong mga unang panahon ang mga lingkod ng Diyos ay hindi kailanman siya ipinakilala bilang isang Diyos na may tatlong persona, kundi ipinakilala nila na ang Diyos ay iisa lamang at wala siyang katulad o kagaya. Dagdag pa ni Haring David: Awit 86:10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios. Maliwanag kung gayon na IISA LAMANG ANG TUNAY NA DIYOS. Kung ang tao ay kumilala pa sa ibang Diyos maliban sa iisang tunay na Diyos na ipinakikilala ng Biblia,samakatuwid ayhindi sila nakaabot sa tunay na pagkakilala sa tunay na Diyos na itinuro ng mga banal na kasulatan. ANG AMA LAMANG ANG NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS Sino ang nagiisang tunay na Diyos na ipinakilala ni Cristo? Ating tunghayan at basahin ang patotoo ng Tagapagligtas: Juan 17:1,3 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng AnakAt ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. Ipinakilala ni Cristo na ang Ama sa langit ang nagiisang tunay na Diyos. Sa kabilang dako, ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang sinugo o sugo ng Diyos at hindi bilang kapantay o isa sa mga persona ng Diyos at isa pang Diyos gaya ng paniniwala ng iba. Si Jesus ay sugo ng Diyos, at gayon natin siya dapat kilalanin: Juan 17:21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo. Sa pagsasabi ni Cristo na ang Ama ang nagiisang tunay na Diyos, maliwanag kung gayon na hindi si Cristo ang Diyos. Maging ang mga apostol ay kumikilala sa iisang Diyos lam ang, ang AMA, at hindi kailanman binanggitsa alinmang kasulatang isinulat ng mga apostol na ang Diyos ay may tatlong persona: 1 Corinto 8:5 Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; 1 Corinto 8:6 Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. Ang Diyos,si Cristo,at ang mga apostol kailanman ayhindi nagturo na ang Diyos ay higitsa isa.Ang nagiisang Diyos na tunay na ipinangaral ni Cristo at ng mga alagad niya ay ang AMA lamang. Hindi binanggit na siyas binubuo ng tatlong persona.Hindi sinabi na ang Anak, at ang Espiritu Santo ay Diyos din. Subalit hindi nakapagtataka na may mga tao na magturo na mayroon pang ibang Diyos maliban sa AMA. May sinasasabi ang Biblia na ganito sa kasunod na talata: 1 Corinto 8:7 Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na may mga tao na hindi nakaabotsa pagkaalam ng katotohanan tungkol sa nagiisa at tunay na Diyos ang tunay na kaalamang ito ay wala sa lahat ng mga tao, sa madaling salita,hindi lahatng tao ay nakakaalam ng katotohanang ito. Bilang katibayan, ating nasasaksihan na maymga relihiyon ngayon na nagtuturo ng doktrina o aral tungkol sa Diyos na kumokontra o lumalabag sa itinuturo ng Biblia. ANG TUNAY NA DIYOS AY HINDI NAMAMATAY O NAGBABAGO Ano ang paniniwala ng mga Katoliko at mga Protestante tungkol sa Diyos? Sa isang aklat na may pamagat na The Faith of Our Fathers, isinulat ng isang Cardinal ng Iglesia Katolika, ganito ang ating mababasa: Sa isang Diyos na ito ay may tatlong magkakaibang Persona ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, na perpektong magkakapantay sa isat-isa. Ang mga Katoliko at mga Protestante ay kapuwa naniniwala na mayroong isang Diyos na may tatlong magkakaibang persona. Para sa kanila, ang Diyos ay binubuo ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ano ba ang nangyari sa Diyos batay sa paninwalang Katoliko? Sa isang aklat na may pamagat na The Story of the Church, ganito naman ang sabi: Ang Diyos ay naging tao upang iligtas ang sanglibutan at upang maibalik ang sangkatauhan sa lahat ng mga biyayang kanilang sinayang dahil sa kasalanang original. Ang Diyos-na-Tao ay nagtayo ng isang Iglesia kung saan siya ay mananatili sa daigidig hanggang sa wakas ng sanglibutan upang magturo sa mga tao ng katotohanan at upang silay mapaging banal. Sinasangayunan ba ng Diyos ang aral na siya ay naging tao o sa ibang salita nagkatawang tao? Ipinahayag ng Diyos ang ganito: Oseas 11:9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
  • 2. Samakatuwid ang aral na ang Diyos ay naging tao o nagkatawang tao ay labag o kakontra ng itinuro ng Diyos sa Biblia. Kung ating tatanggapin na katotohanan na ang Diyos ay naging tao at itoy si Cristo, lilitaw kung gayon na dahil sa si Cristo ay namatay, ay may Diyos na namamatay. Ang tunay bang Diyos ay maaaring makaranas ng kamatayan? 1 Timoteo 1:17 Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan,di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. Ayon sa Biblia, ang tunay na Diyos ay walang kamatayan. Samantalang si Cristo ay namatay sa krus. Kaya maliwanag na hindi maaaring maging Diyos si Cristo dahil ang tunay na Diyos ay hindi maaaring makaranas kailanman man ng kamatayan, dahil hindi siya namamatay. Ano pang aral ang malalabag ng paniniwalang ang Diyos ay nagkatawang tao o naging tao? Sabi ng Diyos ay ganito: Malakias 3:6 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos. Maliwanag nating nakikita ngayon na ang paniniwalang ang Diyos ay nagkatawang-tao o naging tao, ay labag sa mga katotohanang itinuturo ng Diyos sa Biblia. Sapagkat kailanman ang Diyos ay hindi nababago,hindi siya magbabagong anyo o kalikasan mula sa pagiging Diyos ay magbabago siya upang maging tao Siyay mananatiling Diyos magpakailanman. Bakit natin natitiyak na ang doktrina o aral tungkol sa pagkakatawang- tao ng Diyos ay isang napakalaking kamalian? Basahin pa natin ito: Santiago 1:17 Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba. Dahil sa ang tunay na Diyos ay mananatiling Diyos magpakailankailanmanHindi siya nagkatawang tao dahil sa wala siyang pagbabago ni magkakaroon man siya ng kahit anino man ng pagiiba. Hindi mangyayari kailanman na ang Diyos ay maging tao, hindi totoo ang paniniwalang ito. ANG ARAL NA GINAWA LAMANG NG TAO Ang termino o salitang Trinidad ay inimbento lamang at hindi mababasa kailanman sa Biblia. Si Augustus Hopkins Strong isang awtoridad Katoliko ang nagpapatunay: Ang terminong Trinidad ay hindi matatagpuan sa kasulatan (Biblia), ang pagkakaimbento ng termino ay ipinapalagay na gawa ni Tertulliano. Ang aral tungkol sa Trinidad ay isang katuruan na gawa lamang tao at itoy tahasang inamin ng isang Awtoridad Katoliko. Kailanman ay hindi makikita o mababasa sa Biblia ang terminong ito. Ang mismong prinsipyo ng aral na ito ay tahasang kumokontra o lumalabag sa aral ng Diyos,ni Cristo,at ng mga apostol. Ayon sa Biblia hindi tayo dapat magsalig ng paniniwala sa mga kautusan o aral na inimbento o kinatha lamang ng mga tao na di sang-ayon sa mga katotohanan ng Diyos na mababasa sa Biblia: Tito 1:14 Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan. Hindi lamang ang terminong Trinidad ang wala sa Biblia, patutunayan sa atin iyan ng isang Catholic Bible Scholar: Bagamat ang eksaktong mga termino, kung saan pormal na ipinaliwanag sa atin ng Iglesia [Katolika] ang dogma tungkol sa Banal na Trinidadang mga ito ay wala sa Biblia,atmaaari, kung gayon, na itoy tawagin na hindi maka- kasulatan Ang mga tagapagtaguyod ng paniniwalang ito mismo ang umaamin at nagpapatunayna ang dogma [o nilikhang aral ng Iglesia Katolika] na ang Diyos ay may tatlong persona ay wala sa Biblia o hindi maka- kasulatan. Kailan lamang ba pinasimulang ituro ang tungkol sa aral na ito? Ito ay isang simpleng katotohanan at hindi maitatangging katotohanang pangkasaysayan na ilan sa mga pangunahing doktrina na ngayon ay maituturing na mahalaga sa pananampalatayang Cristiano gaya ng doktrina tungkol sa Trinidad at ang doktrina sa kalagayan ni Cristo ay hindi umiral bilang isang ganap at mayroon nang maliwanag at katanggap-tanggap na anyo para sa lahat hanggang sa ika-apat at ika-limang siglo. Kung ang mga ito man ay mahalaga ngayon gaya ng pinatutunayan ng mga Kredong ortodoksiya at mga kumpisal- ay marahil sapagkat ang mga ito ay totoo. Kung ang mga ito ay totoo, samakatuwid ito ay isang namamalaging katotohanan; at hindi naging totoo lamang noong ika-apat at ika-limang siglo. Ngunit kung ang mga ito ay kapuwa totoo at mahalaga, Bakit ang Iglesia [Katolika] noon ay gumugol ng napakaraming siglo para mabuo ang mga ito? Maliwanag na inaamin ng mga manunulat ng kasaysayan na ang aral na ito ay nabuo lamang noong ika-apat at ika-limang siglo, kaya malinaw na malinaw ang dahilan kung bakit hindi ito mababasa kailanman sa Biblia.Dahil matagal nang tapos ang Biblia noong Unang Siglo pa lamang, matagal nang patay ang mga Apostol, at matagal nang nasa langit ang Panginoong Jesus. Kaya walang kinalaman kailanman si Cristo,ang mga Apostol, at ang Biblia sa pagkakaroon ng aral tungkol sa Diyos na mayroong tatlong persona. ANG PANINIWALA NA MAGHAHATID SA ATIN SA BUHAY NA WALANG HANGGAN Napakalaking kasawian ang naghihintay sa kanila na tumanggap at patuloy na naniniwala sa mga doktrina o aral na gawa lamang ng tao at hindi nakabatay o mababasa sa Bibia.Basahin natin ang babala ng kasulatan: Galacia 5:19-21 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kahalayan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. Kasama sa hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang mga taong nahirati sa mali o hidwang pananampalataya, mga aral at paniniwalang hindi nakabatay sa mga katotohanang nakasulat sa Biblia, kundi inimbento lamang ng mga tao gaya ng Trinidad. Ang ganitong paniniwala ay ikapapahamak. Aling paniniwala naman ang dapattaglayin ng tao upang magtamo ng buhay na walang hanggan? Ating balikan ang pahayag ni Cristo: Juan 17:1-3 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. Ang paniniwalang ang AMA lamang ang nagiisa at tunay na Diyos ang dapat taglayin ng tao upang siyay magtamo ng buhay na walang hanggan, sabi nga ni Cristo ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN na ito ay ang pagkakilala sa AMA bilang IISANG DIYOS NA TUNAY