I. BAKIT ANG LAHAT NG TAO AY KAILANGANG MALIGTAS?
A. SAPAGKAT LAHAT AY NAGKASALA
Pagkat lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.(Roma.3:23)
Sa pamamagitan ng isang tao’y pumasok sa sanlibutan ang kasalanan, at sa pamamagitan ng kasalanan kamatayan. Sa ganitong paraan, lahat ng tao ay namatay pagkat lahat ay nakasala. (Roma 5:12)
B. SAPAGKAT ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN
Ngunit huwag mong kakain ang bunga ng punongkahoy ng pagkakilala sa mabuti at masama, pagkat pag kinain mo ito, tiyak na mamatay ka. (Genesis 2:17)
Pagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. (Roma 6:23)
C. SAPAGKAT ITONG KAMATAYAN AY IMPIYERNO. PARUSANG WALANG HANG