2. I. Talasalitaan
Tresilyo- sugal na baraha
Pag-aalipusta- paghamak
Armas de salon- sandatang pambulgaw o pandekorasyon
Apyan- opyo
Pag-aalsa- paghihimagsik
Masusugpo- mapipigil
3. II. Mga Tauhan
Kapitan heneral- pinipilit na gawin ang kanyang mga
trabaho habang siya ay naglalaro ng baraha. Dahil
dito, hindi niya napagtutuunan ng pansin ang
kanyang trabaho. Hindi niya gaanong pinag-iisipan
ang kanyang mga desisyon na ginagawa. Madali rin
siyang mabuyo sa suhestiyon ng iba.
Padre Camorra- maiinitin ang ulo at ayaw magpalamang
sa kanyang mga kalaro.
4. II. Mga Tauhan
Padre Irene- katulad ni Padre Sibyla
nagpapatalo rin siya sa Kapitan Heneral
para mapapayag ang heneral sa kanyang
kahilingan. Sang-ayon sa pagpapatayo
ng Akademya ng Wikang Kastila dahil
sinuhulan siya ng kabayo ng mga
estudyante para panigan sila. Ngunit
nang lumaon ay tumutol rin. Gahaman
sa pera at kayamanan.
Padre Sibyla- kasama ni Padre Irene sa
pagpapatalo sa Kapitan Heneral sa
tresilyo.
5. II. Mga Tauhan
Simoun- sumali sa laro ng baraha ngunit iba ang
hininging kapalit sa halip na pera. Mga pabor ang
hiningi niya upang maiba naman daw ang gagawin ng
kanyang mga kalaro. Pero ang totoo ay nais niya lang
na mas maipakita ng mga kalaro ang kabuktutan nila.
Don Custodio- Ipinayo niya na ilipat
ang paaralan sa sabungan dahil wala
naman daw sabong tuwing Lunes
hanggang Biyernes.
6. II. Mga Tauhan
Padre Fernandez- matalino at iniisip ang makabubuti
sa nakararami. Sumang-ayon siya sa pagtatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila dahil hindi lingid sa
kanya na may kakayahang mag-aklas ang mga
estudyante kung sakaling hindi nila papayagan na
magbubunsod sa pagbagsak ng mga Kastila. Paborito
niyang mag-aaral si Isagani.
7. II. Mga Tauhan
Kalihim- sa kanya binibilin ang mga dapat
pagdesisyunan ng Kapitan Heneral.
Ben-Zayb- nagbibilyar kasama si Simoun
9. IV. Buod
Nangangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-boso
Walang silang nahuli sapagkat natatakot ang mga hayop sa dala nilang isang banda ng
musiko.
Kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay.
Ikinatuwa ito ng Heneral sapagkat hindi nahalata ang kaniyang kawalan ng kaalaman sa
pangangaso.
Kaya naglaro nalang ng baraha sina Padre Irene, Padre Sybila at ang Kapitan Heneral.
Nagpatalo sina Padre Sibyla at Padre Irene samantalang inis na inis naman si Padre
Camorra dahil siya ay natatalo.
Hindi nagtagal ay pumalit si Simoun kay Padre Camorra.
Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng mga
prayle ang pangakong magpapakasama nsa loob ng limang araw.
Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay simoun na
magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin.
Maraming mungkahi ang napagpasiyahan at mayroon din namang hindi.
Laging sinasalungat ang Heneral ng mataas na kawani.
10. IV. Buod
Mga napagpasiyahan:
-Ipinasiya ng Heneral na ipagbawal ang armas de salon
-Palayain si Tandang Selo
-sa pakiusap ni Padre Camorra
Hindi napagpasiyahan:
-Kahilingan ng mga kabataan na pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
-kapag ang mga kabataan ay natuto,
mangangatuwiran sila
-Kakalabanin nila ang pamahalaan at simbahan
11. V. Paghahambing ng mga pangyayari sa
tunay na buhay
Pag sugal at paglalaro
Pag sipsip sa may mga kapangyarihan o nakatataas
Di makatarungan pag-aalis o paglilipat sa trabaho
Pagmamalaki, pagyayabang o pagpapanggap upang maikubli ang kapintasan
Kawalang-pokus at di maayos na pagtupad sa tungkulin, papapakitang-tao, katamaran
Pagkukulang o pagpapabaya sa edukasyon
Pang-aabuso sa kapangyarihan, kasakiman o ayaw palamang