1. Aralin I: Ang Globalisasyon at
ang mga Isyu sa Paggawa
2. Malaking hamon sa ating bansa ang
pagharap natin sa tinatawag na new
normal, mga makabagong pagbabago sa
ibat ibang larangan dulot ng
globalisasyon. Mas naging bukas ang
kaisipan ng mga mamamayang Pilipino sa
ibat ibang oportunidad na tuklasin ang
potensiyal sapakikipagsabayan sa
pandaigdigang kompetisyon
3. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap
ngayon sa ibat ibang anyo ng suliranin at hamon
sa paggawa tulad ng:
1. Mababang pasahod
2. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang trabaho
3. job-mismatch bunga ng mga job-skills
mismatch
4. Ibat ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa
paggawa
5. Mura at flexible labor
4. Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa
paggawa ay ang mga sumusunod:
Una, demand ng bansa para sa ibat ibang
kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally
standard
Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga
local na produkto na makilala sa pandaigdigang
pamilihan
5. Pangatlo, binago ng globalisasyon ang
workplace at mga salik ng
produksiyon tulad ng pagpasok ng ibat
ibang gadget, computer/IT
programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa
paggawa
6. Pang-apat, dahil sa mura at mababa ang
labor o pasahod sa mga manggagawa
kayat madali lang sa mga namumuhunan
ang magpresyo ng mura o mababa laban
sa mga dayuhang produkto
7. Apat na Haligi ng Disente at
Marangal na Paggawa
Employment Pillar- tiyakin ang paglikha ng mga
sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa
paggawa.
Workers Rights Pillar- palakasin at siguruhin ang paglikha
ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
8. Social Protection Pillar- hikayatin ang mga
kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa
paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa
proteksiyon ng mga manggagawa.
Social Dialogue Pillar- palakasin ang lagging
bukas na pagpupulong sa pagitan ng
pammahalaa, mga manggagawa at kompanya sa
pamamagitan ng paglikha ng mga Collective
Bargaining Unit
9. Aralin 2: Kalagayan ng mga Manggagawa sa
ibat ibang Sektor
Ang Unemployment o kawalan ng trabaho ng mga
taong may wastong gulang at mabuting
pangangatawan ay isa sa mga kondisyong pang-
ekonomiyang bunga ng kawalan ng mga
oportunidad o pagkakataong makahanap ng
trabahong ayon sa kakayahan ng manggagawa at
sa kailangan ng mga may negosyo.
10. Ang Underemployment sa bansa ay laganap sa
mahihirap na rehiyon o sa mga rehiyon na ang
pangunahing hanapbuhay ay agricultural.Tinataya
na maraming nagtatrabaho ang Underemployed.
Sila ang manggagawa na nangangailangan pa ng
karagdagang oras sa pagtatrabaho o dagdag pang
hanapbuhay.
11. Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga
ganitong uri ng manggagawa upang maging
katanggap-tanggap sila, tinatawag ito ngayong
homebase entrepreneurship, small business, project
contract, business outsourcing, business networking,
real estate, pagtitingi ng mga sapatos na de
signature, damit, food supplements, organic
products, load sa cellphone at ibat ibang
produktong surplus mula sa mga kapitalistang
bansa.
12. Sektor ng Agrikultura
Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa
bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga
local na produkto na iniluluwas sa ibang
bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang
produkto sa pamilihang local.
13. Isa pang suliraning kinakaharap ng mga
local na magsasaka ay ang kakulangan
para sa patubig, suporta ng pamahalaan sa
pagbibigay ng ayuda sa bansa lalo na
kapag may mga nananalasang sakuna.
14. Ang paglaganap ng mga patakarang neo-
liberal sa bansa simula dekada 80s,
nagpatuloy rin ang paglaganap ng ibat
ibang industriya sa bansa. Kasabay nito
ang pagliit ng lupang agricultural at
pagkawasak ng mga kabundukan at
kagubatan.
15. B. Sektor ng Industiya
Lubusang naapektuhan ng pagpasok ng nga
TNCs at iba pang dayuhang kompanya ang
sector na ito bunsod ng naging kasunduan ng
Pilipinas sa ibat ibang pandaigdigang
institusyong pinansyal.
16. Katulad ng mga imposisyon ng IMF atWB
bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang
nila sa bansa. Pagbubukas ng pamilihan ng
bansa, import liberalization, tax incentives sa
mgaTNCs, deregulasyon ng mga polisiya ng
estado, at pagsasapribado ng mga
pampublikong serbisyo.
17. Isa sa mga halimbawa ng industriya na
lubusang naapektuhan ng globalisasyon ay
ang malayang pagpasok ng mga kompanya
at mamumuhunan sa industriya ng
konstruksiyon, telekomonikasyon,
beverages, mining,at enerhiya kung saan
karamihan sa mga kaugnay na industiya ay
pagmamay-ari ng ibang bansa.
18. Kaakibat nito ang ibat ibang anyo ng
pang-aabuso sa karapatan ng mga
mangagawa tulad ng mahabang oras
ng pagpasok sa trabaho, mababang
pasahod, at kawalan ng sapat na
seguridad para sa mga manggagawa.
19. C. Sektor ng Serbisyo
Mapapansin din ang patuloy na
paglago ng bilang ng mga uring
manggagaw na di-regular o nasa
ilalim ng Iskemang Sub-
contracting.
20. Ang Labor-only Contracting kung
saan ang subcontractor ay walang
sapat na puhunan upang gawin ang
trabaho o serbisyo at ang ipinasok
niyang manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga gawain
ng kompanya.
21. Ang Job Contracting naman ang
subcontractor ay may sapat na
puhunan upang isagawa ang trabaho
at mga gawain ng mga
manggagawang ipinasok
ng subcontractor.