2. Ang PELIKULA
Ang isang pelikulang ay malaking
kabuuan. Ito ay binubuo ng iba’t-ibang
salik o elemento bago maging gumagalaw
na mga litrato o larawan. Sa panonood ng
pelikula, mahalagang pagtuunan ng
pansin ang mga sumusunod:
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
2austriajeferson
3. TEMA
Tema-Ang tema ay maituturing na
pinakapundasyon sa pagsusuri ng
isang pelikula. Ito ang nagsasaad ng
pinapaksa, layunin o mensahe ng
pelikula.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
3austriajeferson
4. MGA TAUHAN at
PAGGANAP
Ang mga tauhan ay ang mga taong
gumaganap ng iba’t ibang katauhan o
karakter sa isang pelikula.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
4austriajeferson
5. MGA TAUHAN at
PAGGANAP
Ang pagganap ay may mahalagang
bahaging ginagampanan sa ikagaganda
ng isang pelikula. Binibigyang lalim at
bisa ng pagsasabuhay sa mga karakter
ang mga emosyon, diwa, saloobin sa
dimension ng pag-arte.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
5austriajeferson
6. SHOT
ang shot ay ang mga kilos o aksyong
nakunan ng kamera mula sa pag-andar
hanggang sa paghinto nito. Ang
sumusunod ay ang pangkaraniwang shot
na ginagamit sa mga pelikula ngayon.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
6austriajeferson
7. LONG SHOT
ipinakikita ng kuhang ito ang
pangunahing lugar o tauhan na
malayong agwat mula sa kamera.
Ipinakikita rin ang shot na ito ang
relasyon ng bagay o tauhan sa
kanyang kapaligiran.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
7austriajeferson
8. MEDIUM SHOT
ang kuha ng pangunahing bagay o
tauhan ay pantay sa taas nito o mula
sa baywang pataas.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
8austriajeferson
9. CLOSE - UP SHOT
ang kuha kung saan ang distansya sa
pagitan ng tauhan at ng kamera ay maliit
lamang. Ito ang paraan ng director para
ipakita sa mga manonood ang mga
detalyeng nais niyang pagtuunan ng
pansin.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
9austriajeferson
10. EDITING
masasabing maayos ang pagkakaedit ng pelikula
kung angkop ang pagkasunod-sunod ng mga
eksena o kuha kapag pinagsama-sama na ang
mga ito. Sa isang mahusay na editing, ang mga
eksenang kailangn mahalag ang tinitimbang
nang hindi isinasakripisyo ang kabuluhang
estetiko.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
10austriajeferson
11. SINEMATOGRAPIYA
ang pokus ng elementong ito sa paggawa ng isang
pelikula ay tunay na nagbibigay-pakinabang sa
karanasang hatid ng mga mata. Kailangang
maging tiyak at masining ang bawat anggulo ng
kamera, ang bawat mahalagang galaw ay dapat
na magagawang ikwadrado, dapat na maabot ang
layo at lapit na nais marating, maipinta ang mga
hugis, anino at kulay.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
11austriajeferson
12. MUSIKA O SOUND
EFFECT
ito ang musikang maririnig habang may
eksena; ang musika ay maaaring
nagmumula sa mismong eksena o labas
sa eksena. Ito rin ang mahahalagang
tunog na nagbibigay ng higit na kabuluhan
sa bawat eksena.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
12austriajeferson
13. DIREKSYON
ito ay tumutukoy sa paraan kung paano ipahahatid
ng direktor ang mensahe ng kwento sa
pamamagitan ng lenggwahe ng pelikula. Ang
direktor ay itinuturing na kapitan ng bapor na
responsible sa pagtatamo ng kaisahan ng bawat
tagpo o eksena sa sisitemang awdyo-biswal.
Pananagutan ng direktor na tumugon sa hamon
ng sining.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
13austriajeferson
14. ISTORYANG
PAMPELIKULA
Sinusubaybayang mabuti ng mga manonood ang
daloy ng mga pangyayari sa isang pelikula. Ang
mga pangyayari sa istorya ay binibigyang-linaw
sa pamamagitan ng mga salaysay, dayalog ng
usapan upang palutangin ang tema,
madudulang bahagi, suliranin, mga pagbabago
sa takbo ng mga pangyayari, kasukdulan,
kalakasan at wakas ng isang istorya.
Jeferson A. Austria
BSE III-Filipino Medyor
14austriajeferson