際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
1 inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon
MODYUL PARA SA REKOLEKSYON SA IKA ANIM NA BAYTANG
TEMA: KAYOY MGA KAIBIGAN KO
I: SITWASYON NG BUHAY
1) Paano ba nagsimula ang matalik na pakikipag-kaibigan natin? (hayaang alalahanin at
isalaysay ng mga bata sa malikhaing pamamaraan) Role playing by Group
2) Anong uri ng pakikipag kaibigan mayroon kayo?
3) Anu-ano ang kondisyon sa pakikipag-kaibigan?
4) Lahat ban g tao ay may kaibigan?
5) May kakilala ba kayong tao na walang kaibigan? Bakit?
*Nagsimula ang pagkakaibigan sa ibat-ibang pamamaraan tulad ng (paglalaro,
pakikipagkwentuhanetc..kuhain ang tugon ng mga bata/isinalaysay sa role playing) at itoy
lumago. Mga kanya-kanyang kondisyon sa pagkakaibigan,(mention the answers of the children)
*Si Hesus, ang anak ng Diyos ay nagkaroon din ng kaibigan, Gusto ba ninyong malaman kung
sino ito?
Atng pakinggan mula sa banal na kasulatan kung sino ang mga kaibigan ni Hesus
II: SALITA NG DIYOS: PAGTAWAGSA MGA APOSTOLES(MT. 10:1-4)
1) Sino ang tinawag ni Hesus?
2) Ano ang nangyari sa pagtawag na iyon?
3) Sinu-sino ang labindalawang alagad
(Ask more questions from the Gospelreading)
Si Hesus ay may mga kaibigang matatawag (Apostoles) nagsimula ang pagkakaibigang
iyon sa pagtawag sa kanila at pagtugon nila kay Hesus. Lumago ang pagkakaibigang ito. (silay
nag-usap, naglakad,nagtanungan, nagtalo, nagtawanan, etc. Isang kondisyon sa
pakikipagkaibigan kay Hesus, pagmamahalan bilang magkakapatid.
*Marami tayong uri ng pakikipagkaibigan.
-Sa pagitan ng malalaki at maliliit, mayayaman at mga dukha, lalaki at babae, mga itim at puti,
mga mangmang at may pinag-aralan, may pananalig sa Diyos at pag-asa.
Ang ating kondisyon sa pakikipagkaibigan ay may lubusang pagtanggap, pagtitiwala, hindi
makasarili. etc.
 Sino sa gayon ang matatawag ninyong tunay na kaibigan ni Hesus?
MORAL: Ang mga kaibigan ni Hesus ay yaong mga tumutupad sa kanyang utos (Jn. 15:5-17)
2 inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon
Sabi ni Hesus. kayoy mga kaibigan ko, kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo
inaring alipin sapagkat alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang Panginoon. Sa halip, inari ko
kayong mga kaibigan sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.
 Ang mga alagad ay kaibigan ni Hesus, tumugon sila sa panawagan niya.
 Minahal tayo ni Hesus at ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa kanya sa pagtupad sa
kanyang utos.
 Ang pagmamahalan bilang magkakapatid, ang pagmamalasakit sa isat-isa at ang pagtupad
sa utos ni Hesus sa atin- ito ang mga kondisyon ng pakikipagkaibigan kay Hesus.
DOCTRINE:Si Hesus ang kabuuan ng lahat nang maaari nating sabihin tungkol sa isang
tunay na kaibigan at higit pa roon nakakaisa niya tayo sa kanyang buhay.
- Inialay ni Hesus ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.
PAGSAMBA: Sa pakikiisa natin kay Kristo sa panalangin, tayoy lumalago sa
pakikipagkaibigan.
Simula nang tayoy binyagan, nabubuhay tayo kaisa ni Hesukristo. Kung hindi niya tayo kaisa,
tayoy hindi lalago sa pakikipagkaibigan.
- Sa panalangin nakakaisa natin ang Diyos,
(Ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng Panalangin sa pakikipagkaibigan kay Hesus)
 Bilang isang kaibigan, maaari natin siyang kausapin sa pamamagitan ng panalangin. Tulad
ng isang kaibigan, kinakausap niya tayo sa pamamagitan ng ating mga kapwa- kaibigan,
guro, magulang, katekista, pari. Kinakausap niya tayo sa isang napaka-espesyal na
pamamaraan sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Sa unang bahagi ng pagdiriwang ng Banal
ng Misa. (Liturhiya ng Salita ng Diyos) ay kinakausap niya tayo tuwing tayo ay nakikinig
ng maayos sa mga pagbasa. Sa homiliya ng Pari Si Hesus na ating kaibigan ang tunay na
nakikipag-usap sa atin.
Tugon ng Pananampalataya:
1. Paano tayo mananatiling kaibigan ni Hesus?
( Ano ang hakbang na gagawin)
2. Paano natin matutuluran si Hesus sa kanyang pakikipagkaibigan?]
SILINCE WITH INSTRUMENTAL
Pagdiriwang:
- Panginoong Hesus, ibig kong pakinggan ang sinasabi mo kayoy mga kaibigan ko.
3 inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon
- Panginoong Hesus, tulungan mo akong maisakatuparan ang mga kondisyon sa
pakikipagkaibigan sa Iyo.
- Panginoong Hesus, nais kong maging matapat at tunay na kaibigan mo.
- Panatilihin mo akong matapat sa iyong mga aral at huwag nawa akong mapalya sa Iyo.
Bilang magkakaibigan at kaibigan ni Hesus awitin nating sabay-sabayang: Kaibigan,
kapanalig o Kaibigan
KAIBIGAN, KAPANALIG
I. Ang atas ko sa inyo, mga kaibigan ko ay magmahalan kayo, tulad ng pagmamahal ko sa
inyo may hihigit pa kayang dahilan, sa pag-ibig na laan, Ialay ang buhay, alang-alang sa kaibigan
kayo ngay kaibigan ko, kung matutupad ninyo ang iniaatas ko.
II. Kayoy din a alipin, kundi kaibigan ko lahat ng mula sa Amay nalahad ko sa inyo kayoy
hinirang ko, di ako ang hinirang nyo loob kong humayo kayo, at magbunga ng ibayo
Ito nga ang siyang utos ko, na bilin ko sa inyo. Magmahalan kayo, magmahalan kayo.
KAIBIGAN
Sino pa ang tutulong sayo kundi ang katulad ko kaibigan mo ako. Sa akin mo sabihin ang
problema mo at magtiwala kang di ka mabibigo kasama mo ako sa hirap at ginhawa at may
karamay ka sayong pagdurusa.
Kaibigan kita, kaibigan tuwina Sino pa ang tutulong sayo kundi ang katulad ko kaibigan mo ako.
Kapag nasaktan ka ay wag kang susuko kahit may takot ka ay wag kang magtago di ka nag-iisa,
kasama mo ako tawagin mo lamang di ka mabibigo
Kaibigan kita, kaibigan tuwina, Sino pa ang tutulong sayo kundi ang katulad ko.
Kaibigan mo ako.
GUIDED PRAYER
I. PANIMULA:
Sa sandaling ito, ilagay natin ang ating sarili sa harap ng Panginoog Hesukristo. Siya ang ating matapat na
kaibigan. Nandito siya sa atingkapaligiran.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng EspirituSanto. Amen (sign of the cross)
Hesus buksan mo ang aming mga mata upang Makita ang pagkalinga mo sa aming sarili. Buksan
mo ang aming pandinig upang making sa Iyong salita at daing ng aming kapwa. Buksan mo ang aming
bibig upang pasalamatan at papurihan ka namin sa iyong walang hanggang katapatan sa iyong pangako. O
4 inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon
Diyos ko buksan mo po ang aming puso , alisin ang kadilimang nakabalot sa aming kapaligiran upang
maranasan at maisapuso ang iyong pagmamahal.
Sino pa ang tutulong sa amin kundi ikaw lamang.ikaw lamang.
II. Song: KAIBIGAN
III. Reading: John 15:9-15
IV. Maikling katahimikan
V. Panalangin:
Diyos Amang makapangyarihan, lubos ang aming pasasalamat sa Iyo, sa pagkakataon na
ibinigay mo sa amin, higit naming nakilala ang iyong katapatan at kadakilaan sa pamamagitan
ng Iyong Anak na si Hesus na aming Panginoon. Hesus, sa kabila ng aming mga pagkukulang
at kahinaan, tulungan mo po kaming tunay na magtiwala sa iyong katapatan. Panginoong
Hesus, turuan mo po kaming maging tapat na kaibigan sa iba, sa miyembro n gaming pamilya,
sa aming mga kamag-anak, kamag-aral, sa aming mga guro at minamahal sa buhay ngayong
higit naming nalaman na hindi kami nag-iisa kasama ka naming sa hirap at ginhawa. Kasama n
gaming Ina na si Maria, dumadalangin kami sa iyo sa pamamagitatn ng Espiritu Santo. Amen
VI. Instrumental music
VII. Song: Ama Namin
by: joemer v.aragon

More Related Content

Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang

  • 1. 1 inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon MODYUL PARA SA REKOLEKSYON SA IKA ANIM NA BAYTANG TEMA: KAYOY MGA KAIBIGAN KO I: SITWASYON NG BUHAY 1) Paano ba nagsimula ang matalik na pakikipag-kaibigan natin? (hayaang alalahanin at isalaysay ng mga bata sa malikhaing pamamaraan) Role playing by Group 2) Anong uri ng pakikipag kaibigan mayroon kayo? 3) Anu-ano ang kondisyon sa pakikipag-kaibigan? 4) Lahat ban g tao ay may kaibigan? 5) May kakilala ba kayong tao na walang kaibigan? Bakit? *Nagsimula ang pagkakaibigan sa ibat-ibang pamamaraan tulad ng (paglalaro, pakikipagkwentuhanetc..kuhain ang tugon ng mga bata/isinalaysay sa role playing) at itoy lumago. Mga kanya-kanyang kondisyon sa pagkakaibigan,(mention the answers of the children) *Si Hesus, ang anak ng Diyos ay nagkaroon din ng kaibigan, Gusto ba ninyong malaman kung sino ito? Atng pakinggan mula sa banal na kasulatan kung sino ang mga kaibigan ni Hesus II: SALITA NG DIYOS: PAGTAWAGSA MGA APOSTOLES(MT. 10:1-4) 1) Sino ang tinawag ni Hesus? 2) Ano ang nangyari sa pagtawag na iyon? 3) Sinu-sino ang labindalawang alagad (Ask more questions from the Gospelreading) Si Hesus ay may mga kaibigang matatawag (Apostoles) nagsimula ang pagkakaibigang iyon sa pagtawag sa kanila at pagtugon nila kay Hesus. Lumago ang pagkakaibigang ito. (silay nag-usap, naglakad,nagtanungan, nagtalo, nagtawanan, etc. Isang kondisyon sa pakikipagkaibigan kay Hesus, pagmamahalan bilang magkakapatid. *Marami tayong uri ng pakikipagkaibigan. -Sa pagitan ng malalaki at maliliit, mayayaman at mga dukha, lalaki at babae, mga itim at puti, mga mangmang at may pinag-aralan, may pananalig sa Diyos at pag-asa. Ang ating kondisyon sa pakikipagkaibigan ay may lubusang pagtanggap, pagtitiwala, hindi makasarili. etc. Sino sa gayon ang matatawag ninyong tunay na kaibigan ni Hesus? MORAL: Ang mga kaibigan ni Hesus ay yaong mga tumutupad sa kanyang utos (Jn. 15:5-17)
  • 2. 2 inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon Sabi ni Hesus. kayoy mga kaibigan ko, kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaring alipin sapagkat alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang Panginoon. Sa halip, inari ko kayong mga kaibigan sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Ang mga alagad ay kaibigan ni Hesus, tumugon sila sa panawagan niya. Minahal tayo ni Hesus at ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa kanya sa pagtupad sa kanyang utos. Ang pagmamahalan bilang magkakapatid, ang pagmamalasakit sa isat-isa at ang pagtupad sa utos ni Hesus sa atin- ito ang mga kondisyon ng pakikipagkaibigan kay Hesus. DOCTRINE:Si Hesus ang kabuuan ng lahat nang maaari nating sabihin tungkol sa isang tunay na kaibigan at higit pa roon nakakaisa niya tayo sa kanyang buhay. - Inialay ni Hesus ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan. PAGSAMBA: Sa pakikiisa natin kay Kristo sa panalangin, tayoy lumalago sa pakikipagkaibigan. Simula nang tayoy binyagan, nabubuhay tayo kaisa ni Hesukristo. Kung hindi niya tayo kaisa, tayoy hindi lalago sa pakikipagkaibigan. - Sa panalangin nakakaisa natin ang Diyos, (Ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng Panalangin sa pakikipagkaibigan kay Hesus) Bilang isang kaibigan, maaari natin siyang kausapin sa pamamagitan ng panalangin. Tulad ng isang kaibigan, kinakausap niya tayo sa pamamagitan ng ating mga kapwa- kaibigan, guro, magulang, katekista, pari. Kinakausap niya tayo sa isang napaka-espesyal na pamamaraan sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Sa unang bahagi ng pagdiriwang ng Banal ng Misa. (Liturhiya ng Salita ng Diyos) ay kinakausap niya tayo tuwing tayo ay nakikinig ng maayos sa mga pagbasa. Sa homiliya ng Pari Si Hesus na ating kaibigan ang tunay na nakikipag-usap sa atin. Tugon ng Pananampalataya: 1. Paano tayo mananatiling kaibigan ni Hesus? ( Ano ang hakbang na gagawin) 2. Paano natin matutuluran si Hesus sa kanyang pakikipagkaibigan?] SILINCE WITH INSTRUMENTAL Pagdiriwang: - Panginoong Hesus, ibig kong pakinggan ang sinasabi mo kayoy mga kaibigan ko.
  • 3. 3 inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon - Panginoong Hesus, tulungan mo akong maisakatuparan ang mga kondisyon sa pakikipagkaibigan sa Iyo. - Panginoong Hesus, nais kong maging matapat at tunay na kaibigan mo. - Panatilihin mo akong matapat sa iyong mga aral at huwag nawa akong mapalya sa Iyo. Bilang magkakaibigan at kaibigan ni Hesus awitin nating sabay-sabayang: Kaibigan, kapanalig o Kaibigan KAIBIGAN, KAPANALIG I. Ang atas ko sa inyo, mga kaibigan ko ay magmahalan kayo, tulad ng pagmamahal ko sa inyo may hihigit pa kayang dahilan, sa pag-ibig na laan, Ialay ang buhay, alang-alang sa kaibigan kayo ngay kaibigan ko, kung matutupad ninyo ang iniaatas ko. II. Kayoy din a alipin, kundi kaibigan ko lahat ng mula sa Amay nalahad ko sa inyo kayoy hinirang ko, di ako ang hinirang nyo loob kong humayo kayo, at magbunga ng ibayo Ito nga ang siyang utos ko, na bilin ko sa inyo. Magmahalan kayo, magmahalan kayo. KAIBIGAN Sino pa ang tutulong sayo kundi ang katulad ko kaibigan mo ako. Sa akin mo sabihin ang problema mo at magtiwala kang di ka mabibigo kasama mo ako sa hirap at ginhawa at may karamay ka sayong pagdurusa. Kaibigan kita, kaibigan tuwina Sino pa ang tutulong sayo kundi ang katulad ko kaibigan mo ako. Kapag nasaktan ka ay wag kang susuko kahit may takot ka ay wag kang magtago di ka nag-iisa, kasama mo ako tawagin mo lamang di ka mabibigo Kaibigan kita, kaibigan tuwina, Sino pa ang tutulong sayo kundi ang katulad ko. Kaibigan mo ako. GUIDED PRAYER I. PANIMULA: Sa sandaling ito, ilagay natin ang ating sarili sa harap ng Panginoog Hesukristo. Siya ang ating matapat na kaibigan. Nandito siya sa atingkapaligiran. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng EspirituSanto. Amen (sign of the cross) Hesus buksan mo ang aming mga mata upang Makita ang pagkalinga mo sa aming sarili. Buksan mo ang aming pandinig upang making sa Iyong salita at daing ng aming kapwa. Buksan mo ang aming bibig upang pasalamatan at papurihan ka namin sa iyong walang hanggang katapatan sa iyong pangako. O
  • 4. 4 inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon Diyos ko buksan mo po ang aming puso , alisin ang kadilimang nakabalot sa aming kapaligiran upang maranasan at maisapuso ang iyong pagmamahal. Sino pa ang tutulong sa amin kundi ikaw lamang.ikaw lamang. II. Song: KAIBIGAN III. Reading: John 15:9-15 IV. Maikling katahimikan V. Panalangin: Diyos Amang makapangyarihan, lubos ang aming pasasalamat sa Iyo, sa pagkakataon na ibinigay mo sa amin, higit naming nakilala ang iyong katapatan at kadakilaan sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesus na aming Panginoon. Hesus, sa kabila ng aming mga pagkukulang at kahinaan, tulungan mo po kaming tunay na magtiwala sa iyong katapatan. Panginoong Hesus, turuan mo po kaming maging tapat na kaibigan sa iba, sa miyembro n gaming pamilya, sa aming mga kamag-anak, kamag-aral, sa aming mga guro at minamahal sa buhay ngayong higit naming nalaman na hindi kami nag-iisa kasama ka naming sa hirap at ginhawa. Kasama n gaming Ina na si Maria, dumadalangin kami sa iyo sa pamamagitatn ng Espiritu Santo. Amen VI. Instrumental music VII. Song: Ama Namin by: joemer v.aragon