Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang.pptx
1. Heograpiya sa Pagbuo at
Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Mesopotamia, Indus, Tsina, Ehipto at
Mesoamerica
3. Mesopotamia: Kabihasnan sa Kanlurang Asya
Ang Mesopotamia ay galing sa mga salitang
Griyego na meso o pagitan at potamos o ilog.
Ang Mesopotamia ay nangangahulugang
lupain sa pagitan ng dalawang ilog na
pinaniniwalaang lunduyan ng unang
kabihasnan.
4. Heograpiya ng Mesopotamia
Ang mga
pangunahing
lungsod sa mundo
ay nag-umpisa sa
malawak na lupaing
dinadaluyan ng mga
Ilog Tigris at
Euphrates.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY
5. Heograpiya ng Mesopotamia
Ang malawak na
lupa sa gitna ng
dalawang ilog na
ito ay kilala sa
katawagang
Mesopotamia.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY
6. Heograpiya ng Mesopotamia
Fertile Crescent-
paarkong matabang
lupain na
nagsisimula sa
Persian Gulf patungo
sa silangang
dalampasigan ng
Meditterranean Sea
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY
7. Heograpiya ng Mesopotamia
Ang karaniwang
pagbaha ng Ilog
Tigris at Euphrates
ay nagiiwan ng
banlik o silt na
naging dahilan ng
matabang lupa.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY
8. Indus: Kabihasnan sa Timog Asya
Isang malapad na
peninsula na pormang
tatsulok ang rehiyon ng
Timog Asya. Saklaw nito
ang lupain ng India,
Pakistan, Bangladesh,
Afghanistan, Bhutan, Sri
Lanka, Nepal, at
Maldives sa ngayon.
9. Heograpiya ng Indus
Taong 1920,
natuklasan ang bakas
ng mga lungsod ng
Harappa at Mohenjo-
Daro sa lambak ng
Indus na kasabay
halos ng pagsisimula
ng Sumer noong 3000
BCE.
10. Heograpiya ng Indus
Sa paligid ng Ilog
Indus nagumpisa
ang kabihasnan sa
India. Ang tubig na
umaagos sa Ilog
Indus ay may
habang 2,900 km.
(1800 milya).
11. Heograpiya ng Indus
Ang pagkakaroon ng
matabang lupa sa
rehiyong ito ang
naging dahilan ng
pag-uumpisa ng mga
pamayanan at
estado sa sinaunang
India
12. Tsino: Kabihasnan sa Silangang
Asya
Kinilala ang
sibilisasyong Tsino
sa buong mundo na
pinakamatandang
kabihasnang
nananatili pa rin
hanggang ngayon.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA-NC
13. Heograpiya ng Huang Ho (Tsina)
Ang kabihasnan
sa China ay
nagsimula sa
gilid ng Yellow
River o Huang
Ho.
14. Heograpiya ng Huang Ho (Tsina)
May habang 3,000
milya na nanggaling
pa sa kabundukan ng
kanlurang China at
nakalikha ito ng
malawak na
kapatagan na
tinawag na North
China Plain
15. Heograpiya ng Huang Ho (Tsina)
Yu ng
Dinastiyang Xia
ay nakaisip ito
ng sistema
upang
makontrol ang
pagbaha.
17. Heograpiya ng Ehipto
Lower Egypt
ang parteng hilaga
ng rehiyon at dito
umaagos ang Ilog
Nile hanggang sa
Mediterranean Sea.
18. Heograpiya ng Ehipto
Upper Egypt
matatagpuan sa timog
na bahagi mula sa
Libyan Desert
patungong Abu Simbel.
Nanggaling sa
katimugan hanggang
hilaga ang pag-agos ng
Ilog Nile na may
kahabaang 6,694
kilometro (4,160 milya).
20. Heograpiya ng Ehipto
Ang pakinabang ng
Nile ay hindi
lamang sa mga
bukirin, nakatulong
at napahusay din
nito ang aspetong
transportasyon.
21. Heograpiya ng Mesoamerica
Ang pangalang
Mesoamerica o
Central America
ay galing sa
salitang meso na
ang ibig sabihin
ay gitna.
22. Heograpiya ng Mesoamerica
Matatagpuan ang
lupaing ito sa
pagitan ng Sinaloa
River Valley sa
sentro ng Mexico at
Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El
Salvador. Ang ilog ng
Panuco at Santiago
ay makikita sa
hilagang dulo nito
23. Pagbuo ng Photo Essay/Pagguhit ng
Larawan
Panuto: Kumuha ng mga larawan gamit ang iyong cellular
phone o digital camera na nagpapakita ng kahalagahan ng
mga katangiang pisikal sa paghubog at pagunlad ng
pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sakaling walang
gadgets, maaari mong iguhit ang mga larawan na
nagpapakita ng isang istorya o tema. Matapos nitoy
susulat ka ng isang sanaysay na iinog sa paksang Ano
ang kontribusyon ng likas na kapaligiran sa pag-unlad ng
pamumuhay ng mga tao? Gawin ito sa isang short bond
paper.
Editor's Notes
#15: Nag-iwan ng banlik ang pagbaha ng Huang Ho ngunit naging suliranin ang labis na pag-apaw ng ilog sa North China Plain dahil sa pagiging patag nito.