際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
CO_Q1_ESP10_Module2
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan  Modyul 2:
Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob
sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-
loob (Will)
10
Edukasyon sa Pagpapakatao  Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan  Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect)
at Kilos-loob (Will)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon  Rehiyong Pangpangasiwaan ng Cordillera
Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet
Telefax: (074)  422- 4074
E-mail Address: car@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Alcero C. Compalas
Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D - Regional EPS - EsP
Tagasuri: Erlinda C. Quinuan  Division EPS - EsP
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D. CESO V  Regional Director
Benilda M. Daytaca,EdD, CESO VI  OIC-SDS-SDO Benguet
Carmel F. Meris  Chief Education Supervisor CLMD
Ethielyn Taqued - Regional EPS - LRMDS
Edgar Madlaing  Regional EPS  AP/ADM Focal Person
Rizalyn A. Guznian, Ed.D.  Chief Education Supervisor CID
Sonia D. Dupagan, Ed.D.  Division EPS LRMDS
Vicenta C. Danigos  Principal I
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan  Modyul 2:
Ang Kapangyarihang
Ipinagkaloob sa Tao: Isip
(Intellect) at Kilos-loob (Will)
ii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng ibat ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1
CO_Q1_ESP10_Module2
Alamin
Napag-aralan mo sa nakaraang modyul na ang tao ay nilikha ayon sa wangis
ng Diyos kayat siya ay tinawag na Kaniyang obra maestra. Ito ay nangangahulugan
na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos.
Naging malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at naging
matatag ang iyong pagkaunawa upang mabigyang direksiyon ang iyong kilos at
malinang kung sino ka bilang tao.
Sa modyul na ito, mauunawaan mo na ang isip at kilos-loob ay ginagamit
para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
Inaasahan din na ikaw ay makagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita
ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo
ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:
1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP-Ib-
1.3).
2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP -Ib-1.4).
2
CO_Q1_ESP10_Module2
Subukin!
Panuto. Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat
sa inyong sagutang papel.
Para sa bilang 1 at 2.
1. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang
damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili.
c. may kakayahan ang taong mangatwiran.
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.
2. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong
ito?
a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang
makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at
ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin
upang maiwasan ang pagkakasakit.
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya
nga ang tao ay natatangi.
Para sa bilang 3 at 4.
Aralin
1
ANG PAGKAKAROON NG ISIP (INTELLECT)
AT KILOS-LOOB (WILL) AY
KAPANGYARIHANG IPINAGKALOOB NG
DIYO SA TAO
Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes
naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya
nito.
Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya
sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto
niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang
pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
3
CO_Q1_ESP10_Module2
3. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?
a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat
sitwasyon.
d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.
4. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito?
a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa
angkop na sitwasyon.
b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang
kaniyang isip at kilos-loob.
c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal.
d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang
maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at
magmahal.
5. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at
kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang
bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat
tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
Naging malinaw sa iyo na ang tao ay natatanging nilikhang nabubuhay sa
mundo. Ang tao ay may taglay na isip at kilos-oob.
ISIP KILOS-LOOB
 Kung ang pandama ay depektibo,
nagkakaroon ito ng epekto sa isip.
 May kakayahang mag-isip, alamin
ang diwa at buod ng isang bagay.
 Ito ay may kapangyarihang
maghusga, mangatwiran, magsuri,
mag-alaala, at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay.
 Ito ay umaasa sa isip.
 Ibinibigay ng isip ang
katwiran bilang isang
kakayahan upang
maimpluwensiyahan ang
kilos-loob.
 Ito ay naaakit sa mabuti at
lumalayo sa masama.
Balikan!
4
CO_Q1_ESP10_Module2
Sa modyul na ito, mabibigyang-linaw ang iyong kaalaman tungkol sa mataas
na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Magiging malalim ang iyong pag-unawa
na ito ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal. Higit sa lahat, ikaw ay inaasahan na makagagawa ng
mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan
at maglingkod at magmahal.
Gawain 1: Pagsuri sa sitwasyon
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan.
Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.
Mga Tanong:
1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaibigan mong
nagkukuwentuhan tungkol kay Hazel?
3. Anong hakbang ang gagawin mo upang malaman ang totoo?
4. Bakit kailangang gamitin ang isip at kilos-loob sa paggawa ng mga angkop
na kilos upang maipakita ang katotohanan? Ipaliwanag.
Tuklasin!
Magkakasama kayo ng iyong mga kaibigan na kumakain sa inyong school
canteen. Masaya kayong nagkukuwentuhan sa mga hilig ninyong gawin nang
biglang napunta ang usapan tungkol kay Hazel, isa rin sa inyong kamag-aral.
Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama,
nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa at may dalawang anak.
Kapitbahay ninyo Hazel.
5
CO_Q1_ESP10_Module2
Suriin!
Maraming pagkakataon na nakagagawa ang tao ng mga bagay na masasabing
hindi angkop sa kaniyang pagkatao. Maaaring ang kilos niya ay bunga ng kanyang
damdamin o emosyon. Malaki ang nagagawa ng ibat ibang sirkumstansiya sa
pakikitungo ng isang tao kung kayat may mga pagkakataong may nagsasabing,
natangay lang ako sa aking damdamin o hindi ako nag-isip nang husto.
Ang kilos ng tao ay isinasakatuparan tungo sa katotohanan. Dito kailangang
malaman at mauunwaan ang paraan at dahilan ng pagkilos batay sa intellect. Ang
tao ay may kapangyarihan na pumili ng isasakilos ayon sa nabuong hangarin na
ang sukdulan na layunin ay ang maidudulot na kabutihan.
Ang isip ang nagpoproseso upang umunawa batay sa taglay na talino o
karunungan at kaalaman, ito ang intellect. Pagkatapos ng ganitong pamamaraan,
isang pasya ang mabubuo, at kaya nitong utusan ang katawan upang isakatuparan
ang nabuong pasya, ito ang will.
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawaing ganap ang
isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang
tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Kailangang gamitin
ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob
sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
Naririto ang halimbawa upang lubos na maunawaan ang talakay.
Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang
makitanila ang isang ina na lumilipat sa maliit na tahanan sa kabilang
pintuan. Wala siyang kasama maliban sa dalawang maliit na anak. Wala
siyang katulong. Humantong sila sa paggugol ng buong Sabado sa
pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng sahig, at pag-aliw sa dalawang
batang anak na babae. Nang matapos ang trabaho, inanyayahan ng ina ang
bago niyang mga kapitbahay sa hapunan nang sumunod na linggo upang
ipakita ang kaniyang pasasalamat. Noong una tumanggi sila dahil kitang-
kita naman na sapat lang ang pera ng babae. Ngunit iginiit ito ng babae na
may luha sa kaniyang mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang pagtanggap
sa kaniyang paanyaya ay magbubunga ng higit na pagkakaibigan at
paggalang kaysa sa tanggihan ito dahil sa kanyang sitwasyon. (Paglilingkod
sa Kapuwa, http://www.mormon.org/tgl/paglilingkod, July, 2014)
6
CO_Q1_ESP10_Module2
Kapag pinaglilingkuran natin ang iba, napaaalalahanan tayo na walang
anumang bagay sa buhay na ito ang nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin
sa ibang tao at walang mas mabuting paraan para makaugnayan natin ang iba kundi
sa pagtutulungan lamang para sa kabutihang panlahat. Tinatawag tayo ng Diyos na
tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang pagmamahal sa kanila. Naranasan
mo na bang paglingkuran ang iyong kapwa? Ano ang iyong naging pakiramdam?
Samakatuwid, magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga
katangian ng kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang isip at kilos-loob. Nagkakaroon
ng kabuluhan ang buhay ng tao kung inilalaan ito sa pagsasabuhay ng katotohanan,
sa pagmamahal, at sa paglilingkod sa kapuwa. Sa palagay mo, patungo ka kaya rito?
Pagyamanin!
Gawain 2: Pagsuri sa sitwasyon
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan.
Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.
Mga Tanong:
1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito?
2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong
nararamdaman o emosyon?
3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo?
4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo?
Mga Tanong:
1. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito?
2. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?
3. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatwiranan.
4. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit?
1. Sinisiraan ka ng iyong matalik na kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na
kaya niya ginawa ito ay may pagtingin din pala siya sa crush mo.
2. Mahilig kang manoond ng mga bagong labas na pelikula. May inirekomenda
ang iyong matalik na kaibigan na dapat mo raw panoorin. Ayon sa kaniya, ito
ay maganda. Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa
kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na malaswang eksena
(pornograpiya).
7
CO_Q1_ESP10_Module2
Isaisip!
Gawain 3: Pag-isipan
Panuto: Mula sa mga naging gawain, isipin ang isang pasyang kailangan mong
gawin sa iyong buhay. Gamit ang iyong isip at kilos-loob, isulat kung paano mo ito
maisasakatuparan tungo sa pagiging moral na nilalang. Isulat ang iyong sagot sa
inyong sagutang papel.
Isagawa!
Gawain 4: Pagpili at paggawa ng pasya
Panuto: Nakalilibang ang mag-isip ng mga bagay na mahalaga sa iyo. Ngunit paano
kung ikaw ay masasangkot sa isang sitwasyong kailangan mong mamili at gumawa
ng pasya. Sa gawaing ito, magpasya kung ano ang nakahihigit sa iyo gamit ang iyong
isip at kilos-loob. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.
Ang pasyang mahalaga sa aking buhay ay ang:
Ang mga paraan upang maisakatuparan ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Sa Linggo ang educational trip ninyo at dahil malayo ang inyong lugar,
kailangang madaling araw pa lang ay umalis na kayo. Gabi na rin ang inyong
uwi kaya hindi ka maaaring makapagsimba. Lagi kang nagsisimba tuwing
Linggo, ano ang maaari mong gawin?
8
CO_Q1_ESP10_Module2
Sagutin mo
1. Nahirapan ka bang pumili at gumawa ng pasya sa bawat sitwasyon? Bakit?
2. Ano-ano ang iyong isinasaalang-alang sa iyong ginawang pasya?
3. Bakit nararapat gamitin ang isip at kilos-loob sa pagpapasiya?
2. Family Reunion ninyo. Darating ang iyong lolo, lola at mga pinsang galing
pa sa ibang bansa. Sila ay malalapit sa iyo. Ngunit sa araw ding ito gaganapin
ang tree planting ng inyong grupo. Layunin ninyong taniman ng mga puno
ang nakakalbong kagubatang malapit sa inyo. Ano ang gagawin mo?
3. Alam mong mahihirapan ang iyong magulang na tustusan ang pag-aaral
mo sa kolehiyo. Nangako ang iyong ama na gagawin niya ang lahat, makapag-
aral ka lang. Ngunit inalok ka ng trabaho ng iyong kaibigan pagkatapos mo
ng sekundarya. Ano ang gagawin mo?
9
CO_Q1_ESP10_Module2
Tayahin!
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat
sa inyong sagutang papel.
Para sa bilang 1 at 2.
1. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?
a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.
2. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito?
a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa
angkop na sitwasyon.
b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang
kaniyang isip at kilos-loob.
c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal.
d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang
maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at
magmahal.
Para sa bilang 3 at 4.
3. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang
damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili.
c. may kakayahan ang taong mangatwiran.
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.
Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes
naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya
nito.
Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya
sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto
niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang
pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
10
CO_Q1_ESP10_Module2
4. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong
ito?
a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang
makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at
ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin
upang maiwasan ang pagkakasakit.
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya
nga ang tao ay natatangi.
5. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at
kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang
bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat
tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
Karagdagang Gawain
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa inyoEng sagutang papel ang iyong
reyalisasyon tungkol sa mga ito.
1. Nagagawa ko na bang gamitin ang aking isip tungo sa pagtuklas ng
katotohanan?
2. Nagagawa ko na bang gamitin ang aking kilos-loob upang magmahal at
maglingkod?
3. Ano-ano ang mga plano kong gawin kaugnay nito?
11
CO_Q1_ESP10_Module2
Susi sa Pagwawasto
Subukin!
1.
A
2.
B
3.
C
4.
D
5.
B
Tayahin!
1.
C
2.
D
3.
A
4.
B
5.
B
12
CO_Q1_ESP10_Module2
Mga Sanggunian:
Brizuela, Arnedo, Guevara, Valdez, rivera, Celeste, Balona Jr, Yumul, Rito, and
Gayola. Edukasyon sa Pagpapakatao  Ikasampung Baitang. Modyul para sa
mag-aaral. Unang Edisyon 2015.
Dy Jr., Gayola, Lea単o, Brizuela, and Querijero. Edukasyon sa Pagpapakatao - Ika-
Pitong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon, 2013.
Habon, Elena Abilo. Sulo ng Buhay I. Lorimar Publishing Co., Inc., 2005
Olaya, Ofelia Bernardino. Sulo ng Buhay IV. Lorimar Publishing Co., Inc.,
2005
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. Modyul Bilang 3.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to SLMQ1G10ESPM2.pdf (20)

ESP 10 Day 1 (1st Quarter).pptx
ESP 10 Day 1 (1st Quarter).pptxESP 10 Day 1 (1st Quarter).pptx
ESP 10 Day 1 (1st Quarter).pptx
CharlynRasAlejo
GRADE 10 POWERPOINT MODYUL 2 ISIP KILOS LOOB
GRADE 10 POWERPOINT MODYUL 2 ISIP KILOS LOOBGRADE 10 POWERPOINT MODYUL 2 ISIP KILOS LOOB
GRADE 10 POWERPOINT MODYUL 2 ISIP KILOS LOOB
ERWINPEJI2
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ip...
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan  Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ip...Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan  Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ip...
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ip...
ShirlyCulala1
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
RoyAndrada1
ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10
Kimberly Abao
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
PRINTDESK by Dan
Lm esp grade10
Lm esp grade10Lm esp grade10
Lm esp grade10
Gabriel Fordan
fil9_q2_m7_Pahayag-Mo-Paliwanang-Ko_v2.pdf
fil9_q2_m7_Pahayag-Mo-Paliwanang-Ko_v2.pdffil9_q2_m7_Pahayag-Mo-Paliwanang-Ko_v2.pdf
fil9_q2_m7_Pahayag-Mo-Paliwanang-Ko_v2.pdf
JoybelBodiongan1
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
HazelManaay1
SLMQ1G10ESPM4.pdf
SLMQ1G10ESPM4.pdfSLMQ1G10ESPM4.pdf
SLMQ1G10ESPM4.pdf
JosephDy8
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdfWLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
WLP-_G10_Q1-Week-1-8.pdf
GinalynRosique
Values Education 7- Lesson 1- 1st Quarter
Values Education 7- Lesson 1- 1st QuarterValues Education 7- Lesson 1- 1st Quarter
Values Education 7- Lesson 1- 1st Quarter
AivyRoseAlmendraz
EsP10_LM_U1.pdf
EsP10_LM_U1.pdfEsP10_LM_U1.pdf
EsP10_LM_U1.pdf
RossellVillavicencio
SLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdfSLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdf
JosephDy8
SLMQ1G10ESPM9.pdf
SLMQ1G10ESPM9.pdfSLMQ1G10ESPM9.pdf
SLMQ1G10ESPM9.pdf
JosephDy8
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
OLIVERRAMOS29
Q1 AralPan 1_Module 6 hahahgad Q1 AralPan 1_Module 6 hahahgad
Q1 AralPan 1_Module 6 hahahgad Q1 AralPan 1_Module 6 hahahgadQ1 AralPan 1_Module 6 hahahgad Q1 AralPan 1_Module 6 hahahgad
Q1 AralPan 1_Module 6 hahahgad Q1 AralPan 1_Module 6 hahahgad
IvinMarCanque
Values Education_Quarter1_Week1_Day2.docx
Values Education_Quarter1_Week1_Day2.docxValues Education_Quarter1_Week1_Day2.docx
Values Education_Quarter1_Week1_Day2.docx
MilagrosBautista5
Q1 AralPan 1_Module 5 Q1 AralPan 1_Module 5
Q1 AralPan 1_Module 5 Q1 AralPan 1_Module 5Q1 AralPan 1_Module 5 Q1 AralPan 1_Module 5
Q1 AralPan 1_Module 5 Q1 AralPan 1_Module 5
IvinMarCanque
q1 ESP 10-SUMMATIVE TEST WEEK 1-2 Q1.docx
q1 ESP 10-SUMMATIVE TEST WEEK 1-2 Q1.docxq1 ESP 10-SUMMATIVE TEST WEEK 1-2 Q1.docx
q1 ESP 10-SUMMATIVE TEST WEEK 1-2 Q1.docx
maastridpason

Recently uploaded (20)

ANYONG TUBIG. kindergarten lesson week 2 quarter 4 matatag
ANYONG TUBIG. kindergarten lesson week 2 quarter 4 matatagANYONG TUBIG. kindergarten lesson week 2 quarter 4 matatag
ANYONG TUBIG. kindergarten lesson week 2 quarter 4 matatag
GraceParago
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
keziahmatandog1
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docxDLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
JOHNERROLCARCELLAR
G7-ASEAN Centrality at State Visits at iba pa.pptx
G7-ASEAN Centrality at State Visits at iba pa.pptxG7-ASEAN Centrality at State Visits at iba pa.pptx
G7-ASEAN Centrality at State Visits at iba pa.pptx
AnthonyJovanMunozTan
DLL_AP 6_Q4_W2.docx araling panlipunan grade 5
DLL_AP 6_Q4_W2.docx araling panlipunan grade 5DLL_AP 6_Q4_W2.docx araling panlipunan grade 5
DLL_AP 6_Q4_W2.docx araling panlipunan grade 5
RotchelleMacaranas
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptxIntroduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
CATABAYJORDAND
Filipino 8 Lesson Plan FLORANTE AT LAURA.pptx
Filipino 8 Lesson Plan FLORANTE AT LAURA.pptxFilipino 8 Lesson Plan FLORANTE AT LAURA.pptx
Filipino 8 Lesson Plan FLORANTE AT LAURA.pptx
NhatzGallosaMarticio
AP MATATAG 7 QUARTER 4 ESTRAKTURA NG ASEAN
AP MATATAG 7 QUARTER 4 ESTRAKTURA NG ASEANAP MATATAG 7 QUARTER 4 ESTRAKTURA NG ASEAN
AP MATATAG 7 QUARTER 4 ESTRAKTURA NG ASEAN
MilesPioquid
Ang Pilipinas sa ASEAN pagtalaky tungkol sa pagsapi n pilipinas sa asean
Ang Pilipinas sa ASEAN pagtalaky tungkol sa pagsapi n pilipinas sa aseanAng Pilipinas sa ASEAN pagtalaky tungkol sa pagsapi n pilipinas sa asean
Ang Pilipinas sa ASEAN pagtalaky tungkol sa pagsapi n pilipinas sa asean
michellecolina226
ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURA (1).pptx 9
ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURA (1).pptx 9ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURA (1).pptx 9
ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURA (1).pptx 9
chezeltaylan1
ESP6-Quarter 4 WEEK 4 DAY 2 iSPIRITWALIDAD
ESP6-Quarter 4 WEEK 4 DAY 2 iSPIRITWALIDADESP6-Quarter 4 WEEK 4 DAY 2 iSPIRITWALIDAD
ESP6-Quarter 4 WEEK 4 DAY 2 iSPIRITWALIDAD
jonahforel4
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
antonettealbina
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptxKABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
riofloridoaaron1
Pitong Uri ng pelikula.pptx katangian ng Pelikula
Pitong Uri ng pelikula.pptx katangian ng PelikulaPitong Uri ng pelikula.pptx katangian ng Pelikula
Pitong Uri ng pelikula.pptx katangian ng Pelikula
SherryAnnCabahug
Q4_ESP_PPT_Q4 WEEK 4.pptx a powerpoint presentation for ESP 3 Quarter 4 week 4
Q4_ESP_PPT_Q4 WEEK 4.pptx a powerpoint presentation for ESP 3 Quarter 4 week 4Q4_ESP_PPT_Q4 WEEK 4.pptx a powerpoint presentation for ESP 3 Quarter 4 week 4
Q4_ESP_PPT_Q4 WEEK 4.pptx a powerpoint presentation for ESP 3 Quarter 4 week 4
MELANIEORDANEL1
Araling Panlipunan 7 - Quarter 4 - Week 1 (1).pptx
Araling Panlipunan 7 - Quarter 4 - Week 1 (1).pptxAraling Panlipunan 7 - Quarter 4 - Week 1 (1).pptx
Araling Panlipunan 7 - Quarter 4 - Week 1 (1).pptx
CharlesEmilBona
Kontribusyon ng mga Natatanging Taong may Kapansanan o Persons with Disabilit...
Kontribusyon ng mga Natatanging Taong may Kapansanan o Persons with Disabilit...Kontribusyon ng mga Natatanging Taong may Kapansanan o Persons with Disabilit...
Kontribusyon ng mga Natatanging Taong may Kapansanan o Persons with Disabilit...
alvinlorana1
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COTIbat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
donalyncalanog3
G8-Alibangbang-Puwersang pangkabuhayan na politikal ng mga bansa.docx
G8-Alibangbang-Puwersang pangkabuhayan na politikal ng mga bansa.docxG8-Alibangbang-Puwersang pangkabuhayan na politikal ng mga bansa.docx
G8-Alibangbang-Puwersang pangkabuhayan na politikal ng mga bansa.docx
AnthonyJovanMunozTan
LE_Kindergarten_Q4_Week3_v.2.pdf XXXXXXXXX
LE_Kindergarten_Q4_Week3_v.2.pdf XXXXXXXXXLE_Kindergarten_Q4_Week3_v.2.pdf XXXXXXXXX
LE_Kindergarten_Q4_Week3_v.2.pdf XXXXXXXXX
RoselynPadinay

SLMQ1G10ESPM2.pdf

  • 1. CO_Q1_ESP10_Module2 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos- loob (Will) 10
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Kagawaran ng Edukasyon Rehiyong Pangpangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074) 422- 4074 E-mail Address: car@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Alcero C. Compalas Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D - Regional EPS - EsP Tagasuri: Erlinda C. Quinuan Division EPS - EsP Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D. CESO V Regional Director Benilda M. Daytaca,EdD, CESO VI OIC-SDS-SDO Benguet Carmel F. Meris Chief Education Supervisor CLMD Ethielyn Taqued - Regional EPS - LRMDS Edgar Madlaing Regional EPS AP/ADM Focal Person Rizalyn A. Guznian, Ed.D. Chief Education Supervisor CID Sonia D. Dupagan, Ed.D. Division EPS LRMDS Vicenta C. Danigos Principal I
  • 3. 10 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will)
  • 4. ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng ibat ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q1_ESP10_Module2 Alamin Napag-aralan mo sa nakaraang modyul na ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kayat siya ay tinawag na Kaniyang obra maestra. Ito ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos. Naging malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at naging matatag ang iyong pagkaunawa upang mabigyang direksiyon ang iyong kilos at malinang kung sino ka bilang tao. Sa modyul na ito, mauunawaan mo na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. Inaasahan din na ikaw ay makagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP-Ib- 1.3). 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP -Ib-1.4).
  • 6. 2 CO_Q1_ESP10_Module2 Subukin! Panuto. Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel. Para sa bilang 1 at 2. 1. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin? a. ang tao ay may kamalayan sa sarili. b. malaya ang taong pumili o hindi pumili. c. may kakayahan ang taong mangatwiran. d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon. 2. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito? a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin. b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon. c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit. d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi. Para sa bilang 3 at 4. Aralin 1 ANG PAGKAKAROON NG ISIP (INTELLECT) AT KILOS-LOOB (WILL) AY KAPANGYARIHANG IPINAGKALOOB NG DIYO SA TAO Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
  • 7. 3 CO_Q1_ESP10_Module2 3. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito? a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin. b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao. c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon. d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos. 4. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito? a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon. b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob. c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal. 5. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito? a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo. b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa. c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip. d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob. Naging malinaw sa iyo na ang tao ay natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ang tao ay may taglay na isip at kilos-oob. ISIP KILOS-LOOB Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. May kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Ito ay umaasa sa isip. Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob. Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Balikan!
  • 8. 4 CO_Q1_ESP10_Module2 Sa modyul na ito, mabibigyang-linaw ang iyong kaalaman tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Magiging malalim ang iyong pag-unawa na ito ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. Higit sa lahat, ikaw ay inaasahan na makagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. Gawain 1: Pagsuri sa sitwasyon Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel. Mga Tanong: 1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito? 2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaibigan mong nagkukuwentuhan tungkol kay Hazel? 3. Anong hakbang ang gagawin mo upang malaman ang totoo? 4. Bakit kailangang gamitin ang isip at kilos-loob sa paggawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang katotohanan? Ipaliwanag. Tuklasin! Magkakasama kayo ng iyong mga kaibigan na kumakain sa inyong school canteen. Masaya kayong nagkukuwentuhan sa mga hilig ninyong gawin nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Hazel, isa rin sa inyong kamag-aral. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa at may dalawang anak. Kapitbahay ninyo Hazel.
  • 9. 5 CO_Q1_ESP10_Module2 Suriin! Maraming pagkakataon na nakagagawa ang tao ng mga bagay na masasabing hindi angkop sa kaniyang pagkatao. Maaaring ang kilos niya ay bunga ng kanyang damdamin o emosyon. Malaki ang nagagawa ng ibat ibang sirkumstansiya sa pakikitungo ng isang tao kung kayat may mga pagkakataong may nagsasabing, natangay lang ako sa aking damdamin o hindi ako nag-isip nang husto. Ang kilos ng tao ay isinasakatuparan tungo sa katotohanan. Dito kailangang malaman at mauunwaan ang paraan at dahilan ng pagkilos batay sa intellect. Ang tao ay may kapangyarihan na pumili ng isasakilos ayon sa nabuong hangarin na ang sukdulan na layunin ay ang maidudulot na kabutihan. Ang isip ang nagpoproseso upang umunawa batay sa taglay na talino o karunungan at kaalaman, ito ang intellect. Pagkatapos ng ganitong pamamaraan, isang pasya ang mabubuo, at kaya nitong utusan ang katawan upang isakatuparan ang nabuong pasya, ito ang will. Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawaing ganap ang isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao. Naririto ang halimbawa upang lubos na maunawaan ang talakay. Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang makitanila ang isang ina na lumilipat sa maliit na tahanan sa kabilang pintuan. Wala siyang kasama maliban sa dalawang maliit na anak. Wala siyang katulong. Humantong sila sa paggugol ng buong Sabado sa pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng sahig, at pag-aliw sa dalawang batang anak na babae. Nang matapos ang trabaho, inanyayahan ng ina ang bago niyang mga kapitbahay sa hapunan nang sumunod na linggo upang ipakita ang kaniyang pasasalamat. Noong una tumanggi sila dahil kitang- kita naman na sapat lang ang pera ng babae. Ngunit iginiit ito ng babae na may luha sa kaniyang mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang pagtanggap sa kaniyang paanyaya ay magbubunga ng higit na pagkakaibigan at paggalang kaysa sa tanggihan ito dahil sa kanyang sitwasyon. (Paglilingkod sa Kapuwa, http://www.mormon.org/tgl/paglilingkod, July, 2014)
  • 10. 6 CO_Q1_ESP10_Module2 Kapag pinaglilingkuran natin ang iba, napaaalalahanan tayo na walang anumang bagay sa buhay na ito ang nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao at walang mas mabuting paraan para makaugnayan natin ang iba kundi sa pagtutulungan lamang para sa kabutihang panlahat. Tinatawag tayo ng Diyos na tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang pagmamahal sa kanila. Naranasan mo na bang paglingkuran ang iyong kapwa? Ano ang iyong naging pakiramdam? Samakatuwid, magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga katangian ng kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang isip at kilos-loob. Nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng tao kung inilalaan ito sa pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal, at sa paglilingkod sa kapuwa. Sa palagay mo, patungo ka kaya rito? Pagyamanin! Gawain 2: Pagsuri sa sitwasyon Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel. Mga Tanong: 1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito? 2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o emosyon? 3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo? 4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo? Mga Tanong: 1. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito? 2. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo? 3. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatwiranan. 4. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit? 1. Sinisiraan ka ng iyong matalik na kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay may pagtingin din pala siya sa crush mo. 2. Mahilig kang manoond ng mga bagong labas na pelikula. May inirekomenda ang iyong matalik na kaibigan na dapat mo raw panoorin. Ayon sa kaniya, ito ay maganda. Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na malaswang eksena (pornograpiya).
  • 11. 7 CO_Q1_ESP10_Module2 Isaisip! Gawain 3: Pag-isipan Panuto: Mula sa mga naging gawain, isipin ang isang pasyang kailangan mong gawin sa iyong buhay. Gamit ang iyong isip at kilos-loob, isulat kung paano mo ito maisasakatuparan tungo sa pagiging moral na nilalang. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel. Isagawa! Gawain 4: Pagpili at paggawa ng pasya Panuto: Nakalilibang ang mag-isip ng mga bagay na mahalaga sa iyo. Ngunit paano kung ikaw ay masasangkot sa isang sitwasyong kailangan mong mamili at gumawa ng pasya. Sa gawaing ito, magpasya kung ano ang nakahihigit sa iyo gamit ang iyong isip at kilos-loob. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel. Ang pasyang mahalaga sa aking buhay ay ang: Ang mga paraan upang maisakatuparan ang mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Sa Linggo ang educational trip ninyo at dahil malayo ang inyong lugar, kailangang madaling araw pa lang ay umalis na kayo. Gabi na rin ang inyong uwi kaya hindi ka maaaring makapagsimba. Lagi kang nagsisimba tuwing Linggo, ano ang maaari mong gawin?
  • 12. 8 CO_Q1_ESP10_Module2 Sagutin mo 1. Nahirapan ka bang pumili at gumawa ng pasya sa bawat sitwasyon? Bakit? 2. Ano-ano ang iyong isinasaalang-alang sa iyong ginawang pasya? 3. Bakit nararapat gamitin ang isip at kilos-loob sa pagpapasiya? 2. Family Reunion ninyo. Darating ang iyong lolo, lola at mga pinsang galing pa sa ibang bansa. Sila ay malalapit sa iyo. Ngunit sa araw ding ito gaganapin ang tree planting ng inyong grupo. Layunin ninyong taniman ng mga puno ang nakakalbong kagubatang malapit sa inyo. Ano ang gagawin mo? 3. Alam mong mahihirapan ang iyong magulang na tustusan ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Nangako ang iyong ama na gagawin niya ang lahat, makapag- aral ka lang. Ngunit inalok ka ng trabaho ng iyong kaibigan pagkatapos mo ng sekundarya. Ano ang gagawin mo?
  • 13. 9 CO_Q1_ESP10_Module2 Tayahin! Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel. Para sa bilang 1 at 2. 1. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito? a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin. b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao. c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon. d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos. 2. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito? a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon. b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob. c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal. Para sa bilang 3 at 4. 3. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin? a. ang tao ay may kamalayan sa sarili. b. malaya ang taong pumili o hindi pumili. c. may kakayahan ang taong mangatwiran. d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon. Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
  • 14. 10 CO_Q1_ESP10_Module2 4. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito? a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin. b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon. c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit. d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi. 5. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito? a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo. b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa. c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip. d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob. Karagdagang Gawain Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa inyoEng sagutang papel ang iyong reyalisasyon tungkol sa mga ito. 1. Nagagawa ko na bang gamitin ang aking isip tungo sa pagtuklas ng katotohanan? 2. Nagagawa ko na bang gamitin ang aking kilos-loob upang magmahal at maglingkod? 3. Ano-ano ang mga plano kong gawin kaugnay nito?
  • 16. 12 CO_Q1_ESP10_Module2 Mga Sanggunian: Brizuela, Arnedo, Guevara, Valdez, rivera, Celeste, Balona Jr, Yumul, Rito, and Gayola. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasampung Baitang. Modyul para sa mag-aaral. Unang Edisyon 2015. Dy Jr., Gayola, Lea単o, Brizuela, and Querijero. Edukasyon sa Pagpapakatao - Ika- Pitong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon, 2013. Habon, Elena Abilo. Sulo ng Buhay I. Lorimar Publishing Co., Inc., 2005 Olaya, Ofelia Bernardino. Sulo ng Buhay IV. Lorimar Publishing Co., Inc., 2005 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. Modyul Bilang 3.
  • 17. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph