aq..aq..aq..aq..aq..aq..!!
biodata (talambuhay ko)...
isang kapirasong papel at
pira-pirasong buhay ko’y pinipilit
pagkasyahin---pagtagni-tagniin.
Ipapakita ko lamang ay ang
bawat tagumpay at halakhakan natin,
Itatago ang basura tulad ng
kahinaan ko tuwing iiwan mo.
Binabalikan ang alaala ng nakaraan
wari’y maaari pa na ikay makasama
ngunit luha lamang ang dala
tulad ng pagkawala
nitong diploma.
Bakit nga ba ang buhay ay
puno ng pagkukunyari
tulad ng payaso sa entablado na
tinatago ang lahat sa isang ngite,
ngunit ito lang ang paraan
upang matanggap nila ako—
at hindi ako
na ako.
Author:
dyeppri
Author's
We’ve updated our privacy policy so that we are compliant with changing global privacy regulations and to provide you with insight into the limited ways in which we use your data.
You can read the details below. By accepting, you agree to the updated privacy policy.