Pananaw hinggil sa proyekto ng administrasyong Duterte na Jeepney Modernization Program
1 of 1
Downloaded 14 times
More Related Content
Jeepney Modernization Program (Reaction Paper)
1. Jeepney Modernization Program
Ang jeepney o jeep ay may napakalaking bahagi na ginagampanan sa pangaraw-araw na
buhay ng bawat Pilipino. Ito ay maituturing na simbolo na rin ng kulturang Pilipino patungkol sa
transportasyon. Kamakailan lamang ay muling naging usap-usapan ang modernization program
para sa mga ‘public utility vehicles’ kung saan isa na rito ang jeep. Ngayong linggo ay nagkasa
ang iba’t ibang samahan na tumutuligsa sa jeepney phase out tulad ng Pinagkaisang Samahan ng
mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ng ‘transport strike’ bilang pagtututol sa programang
ito ng pamahalaan. Ito ang ikatlong transport strike na ginanap sa taong kasalukuyan na may huling
dalawang rally na naganap noong Pebrero at Septyembre. Ano nga ba ang planong modernization
program na ito ng Kagawaran ng Transportasyon? Ayon sa pahayag ng pamahalaan, ang
programang ito ay idinisenyo upang gawing mas ligtas ang mga pampublikong sasakyan, mas
maginhawa, mas komportable, at environmental-friendly.
Ang proyektong ito ng pamahalaan ay tiyak namang pagkaganda-ganda at napakaraming
pagbabagong dulot ay ginhawa at kabutihan sa mamamayang Pilipino. Ako ay nagpapahayag ng
pagsang-ayon sa modernisasyon ng ‘public utility jeep’ na nasa labinlimang taon na ang tanda.
Bakit ng ba ako sumasang-ayon? Unang-una, ang taong tumatanda ay humihina at namamatay na
kung ihahambing sa jeep ay may ganoong pagkakahalintulad rin. Ang jeep sa katandaan ay
nagkakaroon ng mga problema at maaari pang magresulta sa aksidente. Ikalawa, ang polusyon na
isa sa napakalaking problema hindi lamang sa kalakhang Maynila kundi sa buong Pilipinas na rin
ay maaaring masolusyonan dahil sa programang ito. Ang mga jeep na nakakalusot sa mga emission
testing na walang habas magbuga ng itim na usok ay matatanggal na. Ikatlo, isa ito sa mga
maaaring makasagot sa suliranin ng bansa sa traffic. Dahil sa pagkakaroon ng kapasidad ng mga
bagong jeep na dalawampu’t dalawa ay siguradong mas kakaunti ang mga unit na ibebenta sa mga
jeepney operators kaysa sa mga kasalukuyang jeep na balak iphase out. Ikaapat, ang mga bagong
jeep na ilalabas ay may mga katangiang para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero. Isa
na rito ang mga cctv na itatalaga sa mga ‘modernized jeeps’, isa sa harap, isa sa gitna at isa sa
likod. Ikalima at panghuli, ito ay magiging bahagi ng paghabol ng Pilipinas sa patuloy na pagunlad
ng makabagong teknolohiya na karapat-dapat lamang nating gawin bilang isang ‘developing
country’.
Ang sarap pakinggan ng mga nabanggit kong pahayag ngunit ang bawat kagandahan ay
may kaakibat na kapintasan at ang bawat kaginahawaan ay may katumbas na kahirapan. Hindi
magdadaos ng rally o welga ang mga grupo ng mga jeepney drivers dahil lamang sa wala. Kung
tutuusin naman ay payag sila sa modernisasyong ito ng mga ‘public utility jeep’, kanya nga lang
ay napakadugo ng proseso bago ito makuha. Umaabot sa milyon ang halaga ng mga ‘modernized
jeeps’ na inilabas ng Kagawaran ng Transportasyon na hindi kayang mabayaran ng mga tsuper sa
regular nilang kinikita. Makikita na ang pinakahadlang sa mga magagandang hangarin ng
pamahalaan ay ang kahirapan mismo na nagiging ugat rin ng iba pang suliranin. Isang magandang
paraan para masolusyonan ito ay ang pagbibigay ng ‘subsidy’ sa mga tsuper at operator upang
maging maalwan ang modernisasyon ng jeep para sa kanila. Sang-ayon ako sa pagbabagong ito o
ang ‘jeepney modernization program’ ngunit dapat pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang
pagkukunang-pinansiyal ng mga jeepyney drivers at operators sa phase out na gagawin at pagbili
ng mga modernized jeep.