BUGTUNGAN-.pptx
- 2. Ang lokong si Hudas,
Dila ang tsini-tsinelas.
Sagot: Suso
May langit, may lupa
May tubig, walang isda
Sagot: Buko
- 3. Isang tabo,
Laman ay pako.
Sagot : LUKBAN
Pagnakahiga naka upo,
pagnaka upo, nakahiga.
Sagot: PAA
- 4. Sa kagabihan tinatanim,
kinaumagahan aanihin.
Sagot: BITUIN
Kahit gaano linisin,
marumi pa rin ang tingin.
Sagot: BABOY
- 5. May binhi, walang hita,
may ulo, walang mukha.
Sagot: KABUTE
Matanda na ang nuno,
Hindi pa naliligo.
Sagot: PUSA
- 6. Naligo si Kapitan,
di nababasa ang tiyan.
Sagot: BANGKA
Bahay ni Kuka
hindi matingala.
Sagot: NOO
- 7. Hawakan mot naririto,
hanapin mot wala ito.
Sagot:TAINGA
Narito na si Katoto,
may dala-dalang kubo.
Sagot:PAGONG
- 8. Putol ka ng putol,
hindi naman malipol.
Sagot: BUHOK
Isda ko sa maribiles,
Nasa loob ang kiskis.
Sagot: SILI
- 9. `
Hindi tao, hindi hayop,
Pero nakikiusap sa lahat ng oras.
Sagot: TELEBISYON
Ang ina ay gumagapang pa,
Ang anak ay umuupo na.
Sagot: KALABASA
- 10. Naupo si itim
sinulot ni pula
ito na si puti,
bubuga-buga.
Sagot: SINAING
Mga puting bulaklak,
Sa gabi lamang humahalimuyak.
Sagot: DAMA DE NOCHE
- 11. Isang bayabas,
Pito ang butas.
Sagot: ULO
Bakas ko sa Maynila,
Abot dito ang unga.
Sagot:KULOG
- 12. Pagkagat ng madiin,
naiwan ang ngipin.
Sagot: STAPLER
Hindi tao, hindi hayop.
Pero pwedeng yakapin ng kahit sino?
Sagot:GITARA
- 13. Nagsaing si kurutong,
nagbubulong walang gatong.
Sagot: SABON
Limang punong niyog,
Iisa ang matayog.
Sagot:DALIRI
- 14. Bahay ni Kiko walang bintana,
walang pinto.
Sagot: ITLOG
Hindi pari hindi hari,
Nagdadala ng sari-sari.
Sagot: SAMPAYAN
- 15. Ang sombrero ni Bernabi,
sa bundok itinabi.
Sagot: BUWAN
Munting bundok,
di ko maabot.
Sagot: TAE
- 16. Nang tumunog ang kampanya,
nag ingay ang matsing.
Sagot: UTOT
Munting balong itim,
Katas ay nakakalasing.
Sagot: UBAS