1. 1
KAHULUGAN NG PAGBASA
1. Ang pagbasa ay psycholinguitic guessing game(Kenneth Goodman)
2. Ang pagbasa ay gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan(Villafuerte, et al. 2005).
3. Ang pagbasa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa paghahasa ng talino at isipanBernales, et. al., 2001).
4. Inilarawan ni Badayos (2000) ang pagbasa sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Walang kahingiang imposible para maisagawa ang pagbasa
2. Ang epektib na mambabasa ay interaktibong mambabasa.
3.Maraming ibat ibang hadlang sa pag-unawa, bukod pa sa mga hadlang sa pagbasa.
4. Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa kayariang balangkas ng tekstong binabasa.
5. Ang mabilis na pag-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis sa pagbasa.
Kahalagahan ng Pagbasa
1. Upang malibang
2. Upang matuto
3. Upang magkahanapbuhay
4. Upang maging batayan ng wasto at makatarungang desisyon
5. Upang matukoy ang tiyak na direksyon
6. Upang mapanatili ang ugnayan ng pamilya at kaibigan
7. Upang maunawaan ang lipunang ginagalawan at kinabibilangan
Katangian ng Pagbasa(Villamin,1998)
1. Isang prosesong malamlam ngunit komplopikado na nagsasangkot ng pandama, pang-unawa, kakayahang magsagawa at katotohanan ng
mambabasa ang pagbabasa.
2. Ginintuang susi sa kaalaman at kasiyahan ang pagbabasa
3. Maaaring maging pinakaubod ng kaligayahan ng isang tao ang pagbabasa
4. Aktibong usapan sa pagitan ng manunulat at mambabasa ang pagbabasa
5. Daan ng pagmumuni-muni ng tao sa kanyang mundo, at sa mundo ng hindi pa nababatid ng mambabasa.
Sa pag-aaral naman ni david Pearson (1985), binigyan niya ng katangian ang pagbasa sa tradisyonal at makabagong pagtingin.
Batayan Katangiang Tradisyonal Katangiang Makabago
Teorya Behaviorist Cognivist
Layunin Pag-Alala Ng Kaalaman Pagbuo Ng Kahulugan
Proseso Pagkilala Ng Salita Pag-Uugnayan Ng Mambabasa At
Manunulat
Tungkulin ng mambabasa Pasibo, tagatanggap Aktibo, tagabuo
Mga Kasanayang Dapat Taglayin ng Mambabasa
1. Literary Awareness Kailangang ang wikang binabasa ay may kahulugan, may sariling paraan ng pagsulat at may sariling paraan ng
pagbasa;kaalaman din ito ukol sa mga tiyak na bahaging dapat mabasa upang ganap na maunawaan ang teksto.
2. Decoding Skills Kakayahang makilala ang mga titik na gamit sa wikang binabasa at maiangkop sa tunog ( ponolohiya, intonasyon) ng
wikang ito upang maibigay ang tiyak na kahulugan ng salita.
3. Language Factors
a. Kaalamang Ponolohiya Kaalamang makilala ang wikang gamit sa nakatalang teksto, kabilang ang palapantigan at palabigkasan ng
wika.
b. Kaalaman sa Salita
- Kaalamang makilala ang mga tiyak na salitang gamit sa wika na maaaring taglay o ikinaiba ng ibang wika subalit nagtataglay ng ibang
kahulugan, sa pasulat man o pasalitang paraan.
c. Istruktura ng Diskurso Kaalamang makilala kung paano binibuo ang mga pahayag sa isang wika, gayundin ang kanilang intonasyon.
d. Tuntuning Pampalaugnayan Kaalamang makilala ang paraan ng pag-uugnay ng mga salita, pangungusap o talata ng isang wika.
4. Cognition Factors
a. Kaalaman sa mga bagay at pangyayari sa paligid- kaalamang malaman ang inilalarawan sa akda batay sa akwal na kaganapan
sa paligid.
b. Kakayahang Pagpapanatili ng Atensyon- Kaalamang mapanatili ang atensyon sa tekstong binabasa nang mahabang panahon
c. Kakayahang Pag-oorganisa kaalamang maorganisa o maisaayos ang mga datos ng tekstong binabasa batay sa hinihingi ng
pangyayari
d. Pag-alala kaalamang magtanda ng impormasyon at muling mabalikan ang mga impormasyon kung kinakailangan.
e. Kakayahang Magpaliwanag kaalamang magpaliwanag batay sa kahulugan ng tekstong babasahin at makapag-uri ng datos na
mahalaga, totoo at balido.
SALIK NG PAGBASA
Tinalakay sa aklat ni Aban et.al (2007), na ang pagbabasa ay isang kompleks na gawain.
1. URI NG BOKABULARYO O TALASALITAAN. Ang kaalaman sa talasalitaan ay maaaring isa sa dahilan kung bakit hindi palabasa ang
ilan. Upang masolusyonan it, marapat na sanayin ang mga mag-aaral sa pagpapalawak nito. Maaaring gumamit ng diksyonaryo o
context clue upang maunawaan kaagad ang mga salitang may malalim na kahulugan.
2. 2
2. BALANGKAS AT ISTILO NG PAGPAPAHAYAG. Ang mga manunulat ay may kani-kaniyang istilo ng pagpapahayag. Ang mga
akdang pampanitikan ay nangangailangan ng kasiningan sa pagbuo nito hindi tulad ng ibang babasahin.
3. NILALAMAN O PAKSA NG BINABASA Ang kawilihan o interes sa nilalaman ng isang babasahin ay isa rin sa salik ng pagbasa.
Mahalagang maiugnay ang abbasahin sa mga pangunahing pangangailangan ng babasa na may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay
nito, upang mapasulong pa ang kanilang kaalaman sa ibat ibang disiplina, at pananaw sa buhat
MGA BAHAGDAN SA PAGBASA.
1. PAGKILALA (PERCEPTION) Ito ay nangangailangan ng pagkilala sa salita o mga salita kasama ang kahulugan nito. Mahalagang
mabasa, nabibigkas at nauunawaan ang mga salitang nakalimbag.
2. PAG-UNAWA ( COMPREHENSION) Ito ay pagkilala sa pagkakaugnay ng mga salita sa kapwa salita, ng salita sa iang
pangungusap, ng mga pangungusap sa talata, ng talata sa pahayag, kasama rito ng pagkuha ng larawang diwa hindi lamang literal
kundi ang implied o realidad.
3. REAKSYON (REACTION) Sa bawat mensahe tayo ay tumutugon sa pahayag lubhat ito ay may kinalaman sa ating kinabukasan.
Ito ay naisasagawa sa dalawang paraan: a) INTELEKTWAL ang mambabasa ang nagpapasiya sa kawastuhan at lohikal ng biinasa.
(b.) EMOSYONAL - ang mambababsa ay humahanga sa pagkakabuo ng teksto ay nagdudulot sa mambabasa nang kasiyahan at
pagpapahalaga sa mga natamong kaalaman mula sa binasang teksto.
4. ASIMILASYON TUNGO SA PAGGAMIT (APPLICATION) Sa hakbanging ito, ang nakuhang kaalaman ay iniuugnay at naisasama
sa katipunan ng mga kaisipang inimbak para sa kaniyang kapakinabangan o paggamit.
5. KABILISAN.KABAGALAN SA PAGBASA (SPEED) May pagkakataong makailang ulit binabasa ang isang teksto dahil hindi agad
maunawaan ang nilalaman nito. Ang kabilisan/kabagalan sa pagbasa ay dulot marahil ng panahon at oras na inilalan sa pagbabasa,
batay sa dahilan, layunin, material na babasahin, kahirapan o kdalian ng babasahin, lenggwahe at kasanayan, kalagayan, at lawak
ng kaalaman ng mambababsa.
6. KASANAYAN AT KAUGALIAN SA PAG-AARAL 0 Nalilinang ito sapagkat ganap na nauunawaan ng mambabasa ang teksto.
IBAT IBANG ESTILO O PATTERN NG PAGBABASA ( Austero et. Al, 2008)
1. ISKANING - Ang pamamaraan ng pagbabasa ay nakatuon sa mga mahahalagang kaisipan o detalye ng teksto Pinagtutuunan sa
pamamaraang ito ang mga susing salita, pamagat at sabtaytel.
2. ISKIMING - Ito ay pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon o kayay pagpili ng
material na babasahin.
3. INTERPRETING - Pagbasa sa kabuuan ng isang teksto ay ang resulta ng samut saring interpretasyon o pagpapakahulugan makaraan na
mabasa ito.
4. Predicting Sa pagbibigay kahulugan sa teksto, kahit hindi pa natatapos basahin ang teksto nakapagbibigay hinuha ang mambabasa sa
magiging katapusan nito.
5. Previewing ang mambabasa ay sinusuri muna ang kabuuan , estilo at register ng wika ng sumulat.
a. Pagtingin sa pamagat, heading at subheading
b. Pagbasa ng heding na nakasulat
c. Pagbasa sa una at huling talata
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng talata
e. Kung may introduksyon, buod, larawan, graps, at tsart
f. Pagtingin at pagbasa sa table of contents o niallaman.
6. KASWAL Ang pagbabasa na ito pansamantala lanmang at di palagian.
7. PAGBABASANG PANG-INFORMATIV - Ang pagbabasang ito ay upang mapataas ang kaalaman sa pangangalap ng
impormasyon.
8. MASUSING PAGBASA Nangangailangan ng maingat na pagbasa, may layuning maunawaang ganap ang binabasa upang matugunan
ang pangangailangan tulad ng report, tisis, riserts at iba pa.
9. MULING PAGBASA 0- Kung ang binasa ay mahirap unawain bunga ng mahihirap na salita o pagkakabuo ng pahayag
10. PAGTATALA Ang pagbasa ay may kasamang pagtatala ng mga mahalaganmg kaisipan o ideya bilang pag-iimbak ng impormasyon.
ANTAS NG PAGBASA
1. Primary Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Ito ay kinapapalooban lamang
ng pagtukoy sa tiyak na datos tulad petsa, setting, lugar o mg tauhan sa teksto
2. MAPAGSIYASAT - Sa antas na ito, nauunawaan n g mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon
tungkol ditto. Nakakapagbigay ng maikling rebuy sa isang teksto ang mambabasa.
3. ANALITIKAL - Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan
ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.
a. Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto
b. Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang istruktura o kung paano ito inayos ng may-akda.
c. Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may-akda
d. Unawain ang mahahalagang terminong ginamit ng may-akda tungo sa pag-unawa ng kabuuang akda
e. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda
f. Alamin ang argumento ng may-akda
g. Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyunan ban g may-akda ang suliranin sa teksto
h. Tukuyin kung saang bahagi nagkulang, nagkamali, o naging ilohikal ang pagpapaliwanag ng may-akda
4. SINTOPIKAL Tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa ibat ibang teksto at akda
3. 3
na kadalasang magkakaugnay.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA
a. BAGO MAGBASA
1. Pagsisiyasat ng Teksto.
2. Pagsusuri sng panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbabasa batay sa uri at genre
ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa.
3. Pre-viewing o surveying ng isang teksto
4. Iniuugnay ang mga inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalamn upang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin
5. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong predisyon kung saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.
B. HABANG NAGBABASA
1. Pagtantiya sa bilis ng oras.
2. Biswalisasyon ng binabasa
3. Pagbuo ng koneksyon
4. Paghihinuha
5. Pagsubaybay sa komprehensyon
6. Muling pagbasa
7. Pagkuha ng kahulugan ng teksto
C. PAGKATAPOS MAGBASA
1. Pagtatasa ng Komprehensyon
2. Pagbubuod
3. Pagbuo ng sintesis
4. Ebalwasyon
PAGKILALA SA OPINYON O KATOTOHANAN
A. KATOTOHANAN mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng emperikal na karanasan, pananaliksik, o
pangkalahatang kaalaman o impormasyon
B. OPINYON mga pahayag na nagpapakita ng preperensya o ideya batay saa personal na paniniwala at iniisip ng tao. Maaaring kakitaan ng
panandang diskurso tulad ng opinion ko, para sa akin, gusto ko o sa tingin ko
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANW AT DAMDAMIN NG TEKSTO
A. LAYUNIN tumtukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.
B. pananaw tumutukoy kung ano ang preperensya ng manunulat sa teksto. Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita ng personal na
perspektiba niya sa paglalahad o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa.
c. DAMDAMIN ang ipinahihiwatig ang pakiramdam ng manunulat sa teksto.
MGA PANANW O TEORYA SA PAGBASA
1. TEORYANG BOTTOM-UP - Ito ay isang tradisyonal na pananw sa pagbasa. Bunga ito ng impluwensya ng teoryang behaviorist na higit na
nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa. Ang pagkatuto ng pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-tugtong
pagkilala ng mga titik at salita, parirala t pangungusap ng teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto. Ang pagbasa ay nagsisimula
sa teksto(bottom) patungo sa mambabasa(up).
2. TEORYANG TOP-DOWN impluwensya ng Sikolohiyang Gestalt. Ang pagbasa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ang
mambababsa ay napaka-aktib at siya ay may dating kaalaman o prior knowledge at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency)
at kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto (Badayos, 2000).
3. TEORYANG INTERAKTIB - kumbinasyon ng top down at bottom-up. Ang teksto ay kumakatawan sa wika at ang kaisipan ng awtor ;at sa pag-
unawa nito,ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Binibigyang diin nito na ang
pagbabasa ay isang proseso at hindi bilang isang produkto.
4. TEORYANG ESKIMA - Mahalaga ang papel na ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Bawat bagong impormasyong
nakukuha ay naidaragdag sa dati nang eskima.
4. 4
ASPEKTO NG PAGBASA
1. PISOLOHIKAL NA ASPEKTO NG PAGBASA Isangpisyolohikal naprosesoangpagbasadahil sangkotditoangmga
mata na siyangginagamitnatinupangMakita,matukoyat makilalaangmga imahe at simbolo. Saprosesongpagbasa
ay gumagalawsa ibatibangparaan ang atingmga mata. Kungminsannapapatitigangatingmga mata upangkilalanin
at intindihinangteksto. Angpagtitignaitoay tinatawagna fixation. Kungminsannamanaygumagalaw angatingmga
mata mulakaliwapakanano mulataas pababana karaniwangnangyayari habangtayoynagbabasaat tinatawag
namanginterfixation. Gumagalawnamanangmga mata mulasa simulangbinabasahanggangsa dulong tekstona
tinatawagna returnsweeps. Kungminsankailangangbalikbalikanngatingmgamata ang binabasana tinatawagna
regression.
2. KOGNITIBONG ASPEKTO NG PAGBASA- Ayonsa SEDL,datingkilalabilangThe SouthwestEducationalDevelopment
Laboratory,na gumagawang mga pananaliksik pangedukasyon,maydalawangpangunahinghakbangsakognisyon:ang
pagkilala(decoding)atpag-unawa(comprehension). Unakinikilalamunanatinat binibigyang-anyoangmgasimbolong
tinutukanngatingmga mata. Habang nagaganapito ay inuunawanatinangatingbinabasa.
IbatIbang Antasng Pagkaunawa: 1. Pag-alamsa literal nakahuluganounangantas ng pagkaunawasabinasa. 2
Pagbibigay-kahulugansanabasa 3. Paggamitngkaaalamangnakuhamula sa binasaat 4 Paghuhusgaopagtatasa sa
nilalamanngtekstongbinasa.
3. KOMUNIKATIBONG ASPEKTO NG PAGBASA . Angwikaay napakahalagangkasangkapansapakikip[agtalastasan.
Bawat wikaay maykani-kaniyangestrukturaat kahulugannakailangangalaminupangmaunawaanangimpormasyong
ipinahahayagnito.
4. PANLIPUNANG ASPEKTONG PAGBASA . Isang panlipunangGawainangpagbasa. Kahitsaanka magpuntaat kahit
saan tuminginaynapakaramingmaaaringbasahin.
PROSESO NG PAGBASA Isang kumplikadongprosesoangpagbasasapagkatmaaaringkasanayanang nililinangat
kailangangmalinangupangmagingepektiboito. Masasabingmahusayatmabisaang pagbasa kungnatutukoyang
layuninngbinabasa,nagagamitangmga estratehiyaattekniksapagbasa,nakakabuonghinuhao hulasa sususnodna
pangayayri sa binasang akda,at naiuugnayangdatingkaaalamanat karanasan upangmaunawaanang kahuluganng
binasangteksto.
MGAHAKBANG SA PAGBASA
A. Pagkilala sa nakalimbagna salita at pag-unawa sa kahulugan nito( metacognitive na pagbasa). Upang makabasa
ang tao, kailangangmaykakayahansiyangkilalaninangnakasulatnasalita. Kungmayroonsiyangkakayahangbigkasin
ang salita,nangangahulugangnakikilalaatnauunawaanniiyaangsalitangbinibigkas. Angpag-unawasamga salitaay
nakapaloobsadalawangmahalagangkasanayan: 1. Ang pagkilalasamga salitangbinabasaatbinibigyangkahulugan2.
Angpag-unawa,pag-aayos,pagbibigay-anyosatekstongbinasa. Tatlongelementoangisinasaalang-alangdito:
1. Kaalamansa kahuluganngsalitao bokabularyo.
2. Pag-unawasapangungusapokaalamansa syntax. - Ang syntax ayisangsangay sa disiplinanglingguwistikasa
sumusuri kungpaanongang mga salitangnakapaloobsaisangpahayagaynagkakaugnay-ugnay. Mahalagangaspektong
syntax ay kungpaanonatang bawat bahagi ng pananalitaaynagkakaugnay-ugnay. Bawatwikaaymay estrukturaat
kakayahan. Sa wikangFilipino,angwastongayosngpangungusapaynasa anyongpanaguri +simunoo kayay
simuno+panaguri.
Halimbawa: Angguro ko ay maganda.
S P
Maganda ang guro ko.
P S
Samantala,ang karaniwangayosngpangungusapsa Inglesaysimuno+panaguri. Hal. My teacherisbeautiful.
S P
3. Pag-unawasakahuluganngpahayag. Angisangmambabasaay may kakayahangsuriinangsarilingparaanang
pagpoprosesongimpormasyon. Halimbawa,kunghabangnagbabasaaytilawalangkabuluhanangmga salitang
nadaraananng mata, balikanmuli attukuyinangangkopna salitangdapatgamitin. Mayroondingnilalaktawanang
ibangbahagi ng teksto.
Halimbawa: Umaanotna sa 100 ang kasapingpaaralanmulasa ibatibangrehiyon.
5. 5
Maaaring balikanangbinasangpangungusapsapagkat hindi wastoangnaunangsalitangginamitsasimulang
pangungusap. Angkakayahangmagprosesongtamangimpormasyonatkaalamansa gramatika ang magsasabi sa atin
na umabot ang angkopna salitaat hindi umanot.
INTERATIBONG PROSESO NG PAGBASA. Sa interatibongpagbabasa,gumagamittayongibatibangpamamaraan upang
lubusangmaunawaanangteksto. Itoay interaksyonngmambabasaat ng teksto.