ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Gamit ng Cohesive Devices
o Kohesyong Gramatikal sa
Pagsulat ng Teksto
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG
GRAMATIKAL
Mahalaga sa pagbibigay ng
malinaw at maayos na daloy
ng mga kaisipan sa isang
teksto.
LIMANG PANGUNAHING COHESIVE DEVICE
O KOHESYONG GRAMATIKAL
1. reperensiya (reference)
2. substitusyon (substitution)
3. ellipsis
4. pang-ugnay
5. leksikal
1. Reperensiya (reference)
• Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
• Maaari itong maging anapora ( kung kailangang bumalik
sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy)
o kaya’y katapora ( kung nauna ang panghalip at
malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
Anapora
• Halimbawa:
• Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ang maaaring
maging mabuting kaibigan.
• (Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa
aso na nasa unang pangungusap. Kailangang balikan
ang unang pangungusap upang malaman ang
tinutukoy ng panghalip na ito.)
Katapora
• Halimbawa:
• Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa
umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang
ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para
makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi
ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong
kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
• (Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang
bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy
ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)
2. Substitusyon (Substitution)
 Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita
• Halimbawa:
• Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
• (Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng
salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang
salita’y parehong tumutukoy sa isang bagay, ang aklat).
3. Ellipsis
may binabawas na bahagi ng pangungusap
subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang
pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais
ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa:
• Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
• (Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat
para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng
mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong
aklat dahil nakalahad na ito sa uang bahagi).
4. Pang-ugnay
• Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng
sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap.
• Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa
o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
• Halimbawa:
• Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak
at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal
• Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon.
• Maaari itong mauri sa dalawa:
• 1. reiterasyon
• 2. kolokasyon
a. Reiterasyon
• Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauuulit nang ilang
beses. Maaari itong mauri sa tatlo:
• 1. pag-uulit o repetisyon
• 2. pag-iisa-isa
• 3. pagbibigay-kahulugan
1.Pag-uulit o repetisyon
Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok
sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa
lang.
2. Pag-iisa-isa
• Halimbawa:
• Nagtatanim sila ng mga gulay sa
bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
3. Pagbibigay-kahulugan
• Halimbawa:
• Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa
mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-
aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
b. Kolokasyon
• Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o
may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa
ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari
ding magkasalungat
• Halimbawa:
• nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog,
• doktor- pasyente
• puti-itim, maliit – malaki, mayaman-mahirap

More Related Content

lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx

  • 1. Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Teksto
  • 2. COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL Mahalaga sa pagbibigay ng malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
  • 3. LIMANG PANGUNAHING COHESIVE DEVICE O KOHESYONG GRAMATIKAL 1. reperensiya (reference) 2. substitusyon (substitution) 3. ellipsis 4. pang-ugnay 5. leksikal
  • 4. 1. Reperensiya (reference) • Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. • Maaari itong maging anapora ( kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora ( kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
  • 5. Anapora • Halimbawa: • Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ang maaaring maging mabuting kaibigan. • (Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng panghalip na ito.)
  • 6. Katapora • Halimbawa: • Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang. • (Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)
  • 7. 2. Substitusyon (Substitution)  Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita • Halimbawa: • Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago. • (Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa isang bagay, ang aklat).
  • 8. 3. Ellipsis may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
  • 9. Halimbawa: • Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo. • (Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa uang bahagi).
  • 10. 4. Pang-ugnay • Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. • Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay. • Halimbawa: • Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
  • 11. 5. Kohesyong Leksikal • Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. • Maaari itong mauri sa dalawa: • 1. reiterasyon • 2. kolokasyon
  • 12. a. Reiterasyon • Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauuulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: • 1. pag-uulit o repetisyon • 2. pag-iisa-isa • 3. pagbibigay-kahulugan
  • 13. 1.Pag-uulit o repetisyon Halimbawa: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
  • 14. 2. Pag-iisa-isa • Halimbawa: • Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
  • 15. 3. Pagbibigay-kahulugan • Halimbawa: • Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag- aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
  • 16. b. Kolokasyon • Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat • Halimbawa: • nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog, • doktor- pasyente • puti-itim, maliit – malaki, mayaman-mahirap