6. PAGKANDILI PAG-AAMPON / PAGKUKUPKUP / PAG-AALAGA.
MORO MUSLIM
GERERO MANDIRIGMA
AURORA ANAK NG ARAW AT BUWAN.
LUGAMI LUBOG , BABAD.
IKINATIWASAY IKINATAHIMIK , IKAPAPAYAPA , IKAHUHUSAY
PEBO - ARAW
MADLA - MARAMING TAO
LIPOS LINGGATONG - PUNO NG DEPRESYON / GAWIN
HILAHIL - DUSA / DALITA
7. HUMILIG - SUMANDAL
MALAMLAM - MALABO / MADILIM
KALONG - Ang pag-upo sa kandungan ng isang tao
NAGDARALITA - NAGHIHIRAP
PAGKA-DAYUKDOK - Ang pagkadayukdok, pagkahayok, o istarbasyon ay
ang malubhang pagbaba ng pagpasok ng bitamina, nutriyente, at
enerhiya sa katawan.
BANTOG - SIKAT / TANYAG
UMIDLIP - SANDALING PAGTULOG
HABAG - kaawaawa at nakakaawa
DAING - Hiling o Dalangin
8. Salaysay
Kumagat na ang dilim kaya minarapat ng
moro na dalhin si Florante sa mas ligtas
na pook. Nang makarating sila dooy
inihiga niya si Florante sa isang makinis
na bato. Hindi naglaot binigyan niya ang
binata ng pagkain. Unti-unti namang
guminhawa ang pakiramdam ni Florante.
9. Salaysay
Buong magdamag na binantayan
ng moro si Florante sa
pangambang itoy masila ng mga
mababangis na hayop.
10. Salaysay
Kinaumagahan ay nakaramdam si
Florante ng kakaibang lakas. Lubos
siyang nagpasalamat kay Aladin.
Naging magkaibigan ang dalawa.
11. Awit
156. Anupat kapwa hindi nakakibo
Di nangakalaban sa damdaming puso
Parang walang malay hanggang sa magtagot
humilig si Pebo sa hihigang ginto.
12. Awit
157. May awang gerero ay sa maramdaman
malamlam na sinag sa gubat ay nanaw,
tinunton ang landas na pinagdaanan
dinala ang kalong sa pinanggalingan.
13. Awit
158. Doon sa naunang hinintuang dako
nang masok sa gubat ang bayaning Moro,
sa isang malinis, malapad na bato,
kusang pinagyamang lugaming pangako.
14. Awit
159. Kumuha ng munting baong makakain,
ang nagdaralitay inamong tumikim ,
kahit umaayaw ay nahikayat din,
ng sabing malambot na pawang pang- aliw.
15. Awit
160. Naluwag-luwagan ang panghihinagpis
sapagkat naawa sa pagka-dayukdok,
hindi kinukusay tantong nakatulog
sa sinapupunan ng gererong bantog.
16. Awit
161. Itoy di umidlip sa buong magdamag,
sa pag-aalagay nagbata ng puyat,
ipinanganganib ay baka makagat
ng ganid na madlang naggala sa gubat.
17. Awit
162. Tuwing magigising sa magaang tulog
itong lipos hirap ay naghihimutok,
pawang tumitirik na anakiy tunod
sa dibdib ng Morong may habag at lunos.
18. Awit
163. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing,
munting napayapa sa dalang hilahil,
hanngang sa Aurorang itaboy ang dilim
walang binitiwang himutok at daing.
19. Awit
164. Ito ang dahilang ipinagkasundo,
limang karamdamang parang hinahalo,
ikinatiwasay ng may dusang puso,
lumakas na muli ang katawang hapo.
20. Awit
165. Kaya nang isabog sa sansinukuban
ang doradong buhok ng masayang Araw,
nagbagong hinahot pinasalamatan
sa langit ang bagong lakas ng katawan
21. Awit
166. Sabihin ang tuwa ng gererong hayag
ang abang kinalong ay biglang niyakap;
kung nang unay nukal ang luha sa habag,
ngayoy sa galak na ang inilagaslas.
22. Awit
167. Kapos, ang dila kong magsaysay ng laki
ng pasasalamat nitong kinandili,
kundangan ang dusay sa nawalang kasi
ay napawi disin sa tuwang umali.
23. Awit
168. Sapagkat ang dusang mula sa pag-ibig,
kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib,
kisap-mata lamang ay agad babalik
at magdaragdag pa sa una ng bangis.
24. Awit
169. Kaya hindi pa man halos dumarapo
ang tuwa sa lamad ng may dusang puso,
ay itinakwil na ang dalitang lalo
at ang tunod niyay siyang itinimo
25. Awit
170. Niyapos na muli ang dibdib ng dusa,
hindi kayang bathin ng sakit sa sinta,
dangan inaaliw ng Moro sa Persya
natuluyan nanaw ang tagang hininga.
26. Awit
171. Iyong natatanto ang aking paglingap,
anitong Persyano sa nababagabag
mula ng hirap moy ibig kong matatap,
at nang kung may daay malagyan ng
lunas.
27. Awit
172. Tugon ng may dusay di lamang ang
mula
niring dalita ko ang isasalita,
kundi sampung buhay sapul pagkabata
nang maganapan ko ang hingi mot nasa.
28. Awit
173. Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy
ang may dalang habag at lipos-linggatong,
saka sinalitang luhay bumabalong,
buong naging buhay hanggang naparool.
29. Sa simula ng kabanatang ito, nagising
si Florante sa pagkakaiglip habang
nakalungayngay; ito ay dahil hinimatay si
Florante matapos siyang iligtas
ni Aladin sa huling kabanata. Sunod namang
nangyari ang paghihimutok at pananaghoy ni
Floranteng humihingi ng tulong mula
kay Laura, at ang muling pagkawalang-
malay niya, na ikinabahala naman ni Aladin,
at naghintay hanggang mapayapa si
Floranteng kanyang kandong.
30. Nang mabalikang-malay na si Florante, namalayan
niyang siya ay nasasakamay ng isang Moro, isang
bagay na madaling nakikilatis sa kaibhan ng
pananamit-Moro lalo na noong sinaunang panahon,
ikinabahala niya ito at nagpumilit alisin ang kanyang
nanghihinang katawan palayo kay Aladin ngunit agad
namang ipinayapa ni Aladin si Florante, at ipinahayag
na siya ang sumaklolo sa kanya mula sa mapait na
kapalaran. At dahil dito, nagpasalamat si Florante
kay Aladin, at sinabing kundi siya iniligtas ay
malamang "nalibing na" "sa tiyan ng leon".
31. TANONG
EBALWASYON
1. Ano pa ang ginawa ni Aladin kay Florante matapos
na iligtas ito sa dalawang leon? (2pts)
2. Bakit pinagmalasakitan ni Aladin si Florante,
bagamat di sila magkarelihiyon? (3pts)
3. Ano ang naging reaksiyon ni Aladin nang malakas na
si Florante? (2pts)
4. Ano ang iginanti ni Florante kay Aladin? (3pts)