際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
panitikanatkarunungang-bayan.pptx
Nanggaling ang salitang panitikan mula
sa pang|titik|an, kung saan ikinabit ang
unlaping pang- at hulaping -an sa ugat
na titik. At ang titik ay
nangangahulugang "literatura".
Nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ngmga
tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula.
Ang Panitikan ay Bungang-isipna
isinatitik.( G. Abadilla )
Ang Panitikan ay nagpapahayag
ng damdamin ng tao tungkol sa
ibat ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa pamahalaan sa
lipunan at sa kaugnayan ng
kanilang kaluluwa sa Dakilang
Lumikha. (G. Azarias )
MGA AKDANG TULUYAN
a. ALAMAT
b. ANEKDOTA
c. NOBELAO KATHAMBUHAY
d. PABULA
e. PARABULA
f. MAIKLING KWENTO
g. DULA
h. SANAYSAY
i. TALAMBUHAY
j. TALUMPATI
k. KWENTONG-BAYAN
l. BALITA
MGA AKDANG PATULA
1. TULANG PASALAYSAY
a. EPIKO
b. AWIT at KORIDO
2. TULANG LIRIKO
a. AWITING BAYAN
3. TULANG PANTANGHALAN
a. SARSWELA
b. MORO-MORO
c. SENAKULO
4. TULANG PATNIGAN
a. BALAGTASAN
b. BATUTIAN
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG
PANITIKANG PILIPINO
Mabatid ang kaugalian, tradisyon at
kultura
Maipagmalaki ang manunulat na
Pilipino
Mabatid ang mga akdang Pilipino
Mabatid ang sariling kahusayan,
kapintasan at kahinaan
Tuklasin ang kakayahan at
pagkakilanlan
Makilala at madama ang pagiging
Pilipino
Maipakita ang Pagmamahal sa
panitikang Pilipino
TULANG FILIPINO BAGO
DUMATING ANG MGA
KASTILA
Inihanda ni Gng. Pia Angela A. Josef
FIL 241 (Folklore and Poetry)
panitikanatkarunungang-bayan.pptx
Ang Panitikang Pilipino Noong Panahon ng
Katutubo
Mga Negrito, Indones at Malay ang
mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.
Mayroon nang sariling pamahalaan (sa
kanyang barangay), may sariling batas,
pananampalataya, sining,
panitikan, alibata at wika. Atang
kanilang sistema ng pagsulat ay tinatawag
na Alibata
KARUNUNGANG BAYAN
Ang karunungang bayan ay isang
sangay ng panitikan kung saan
nagigigng daan upang maipahayag ang
mga kaisipan na napapabilang sa bawat
kultura ng isang tribo.
MGA KARUNUNGANG BAYAN
BUGTONG
SALAWIKAIN
SAWIKAIN/IDYOMA
KASABIHAN/KAWIKAAN
PALAISIPAN
BUGTONG
Ang mga ito ay nagtataglay
ng butil ng karunungang hinabi sa
maikli at patugmang pahayag
upang ipasagot sa iba.
BUGTONG
Likido ang ikinabubuhay niya
Hangin ang ikinamamatay niya
LAMPARA
BUGTONG
Ito namang pinsan ko
Saka lang kikilos kung pinapalo
PAKO
BUGTONG
Bahay ni Donya Ines
Napaliligiran ng butones
ATIS
BUGTONG
Sagot:
atis
BUGTONG
Isang baging
Iisa ang dahon
SARANGGOLA
BUGTONG
Matanda na ang nuno
Hindi pa naliligo
PUSA
ANG MGA SALAWIKAIN
 Matalinghagang mga salita na nagpapahayag ng mga
aral na magiging batayan sa magandang pag-uugali.
 Nakaugalian na itong sabihin at nagsisilbing
tagapagpaalala ng mga tuntunin ng kagandahang-
asal.
 Ang mga ito ay ipinahahayag sa anyong taludtod.
SALAWIKAIN
Kung walang tiyaga
Walang nilaga
Ang maagang gumigising
Siyang maraming aanihin
Ang hindi pinaghirapan
Madali ka niyang tatakasan
Sa paghahangad ng kagitna
Isang salop ang nawala
Kung gusto mong marating ang langit
Sa hirap, ikaw muna ay magtiis
SAWIKAIN/IDYOMA
masasabing mga salitang eupemistiko,
patayutay o idyomatiko na ginagamit upang
maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag.
1.Anak-dalita - mahirap
2.Alilang-kanin - utusang walang
sweldo,pagkain lang
3.Balik-harap - pabuti sa
harap,taksil sa likuran
4.Bungang-tulog - panaginip
5.Dalawa ang bibig -
mabunganga,madaldal
Kasabihan
katangian, ugali, gawa/gawi, kilos
Magkulang ka na sa magulang
Huwag lamang sa iyong biyenan.
Kung ano ang puno
Siya ang bunga.
Kung ano ang itinanim,
ay siyang aanihin.
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Mahirap man o mayaman,
pantay-pantay sa libingan.
PALAISIPAN
Isang paraan ng pagpukaw ng
isipan ng tao. Mga suliraning
binibigkas ng tuluyan at
naghahanap ng kasagutan.

More Related Content

panitikanatkarunungang-bayan.pptx