Transform any presentation into a summarized study guide, highlighting the most important points and key insights.
1 of 30
Downloaded 1,041 times
More Related Content
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
2. A. Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa
1935 Sa Saligang Batas ng Pilipinas,
nagtadhana ng tungkol sa wikang
pambansa: Ang kongreso ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa
isa sa mga umiiral na katutubong
wika. (Seksyon 3, Artikulo XIV)
3. 1936 (Oktubre 27) - Itinagubilin ng
Pangulong Manuel L. Quezon sa
kanyang mensahe sa Asemblea
Nasyonal ang paglikha ng isang Surian
ng Wikang Pambansa (SWP) na gagawa
ng isang pag-aaral ng mga wikang
katutubo sa Pilipinas, sa layuning
makapagpaunlad at makapagpatibay ng
isang wikang panlahat na batay sa isang
wikang umiiral.
4. 1936 (Nobyembre 13) Pinagtibay ng
Batasang Pambansa ang Batas
Komonwelt Blg.184 na lumilikha
ng isang Surian ng Wikang
Pambansa at itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin
niyon.
5. Ang mga naging tungkulin at gawain ng
Surian ng Wikang Pambansa ay ang mga
sumusunod:
1.Pag-aaral ng mga pangunahing wika na
ginagamit ng may kalahating milyong
Pilipino man lamang;
2.Paggawa ng paghahambing at pag-aaral
ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto;
6. 3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at
ortograpiyang Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang
magiging batayan ng wikang pambansa na
dapat umaayon sa (a) pinakamaunlad at
mayaman sa panitikan, (b) ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming Pilipino.
7. 1935 (Enero 12) - Hinirang ni Pangulong
Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo
ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa
tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt
Blg.184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt
Blg.333.
Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo
Cecilio Lopez (Tagalog), Kalihim at Punong Tagapagpaganap
8. Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad
Filemon Sotto (Visayang Cebu), Kagawad
- di nakaganap ng tungkulin dahil sa kapansanan
Felix Salas-Rodriguez (Visayang Hiligaynon), Kagawad
Casimiro F. Perfecto (Bikol), Kagawad
Hadji Butu (Muslim), Kagawad di nakaganap
ng tungkulin dahil sa maagang pagkamatay.
9. Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
mga sumusunod na kagawad:
Lope K. Santos (Tagalog)
- pinalitan ni I単igo Ed. Regalado
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Visayang Cebu)
10. 1937 (Nobyembre 9) Bunga ng ginawang pag-aaral at
alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg.
184., ang Surian ng Wikang Pambansa ay
nagpatibay ng isang resolusyon na rooy
ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos
lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas
Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin niyon sa
Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang
saligan ng wikang pambansa.
11. 1937 (Disyembre 30) - Bilang pag-alinsunod sa
tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg.
184, sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg.134 ay ipinahayag
ng Pangulong Quezon ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas na batay sa
Tagalog.
12. 1940 (Abril 1) Sa pamamagitan ng KautusangTagapagpaganap
Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang
Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at
itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro
ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan
at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng
Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay
ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at
patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito.
13. 1940 (Abri 12) Pinalabas ng Kalihim Jorge
Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang
Kautusang Pangkagawaran: itoy sinundan ng
isang sirkular (Blg. 26, serye1940) ng Patnugot
ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang
pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan
muna sa mataas at paaralang normal.
14. 1940 (Hunyo 7) Pinagtibay ang Batas ng
Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana,
bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika
ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
15. 1954 (Marso 26) - Nilagdaan ng Pangulong
Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa simula sa Marso 29-
Abril 4 taun-taon sang-ayon sa tagubilin ng
SWP. Napapaloob sa panahong saklaw ng
pagdiriwang ang araw ni Balagtas (Abril 2).
16. 1955 (Set. 23) Nilagdaan ng Pangulong
Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na
nagsusog sa Proklama Blg. 12 serye 1954
na sa pamamagitan nitoy inilipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-
13-19 ng Agosto.
17. 1959 (Agosto 13) Pinalalabas ng Kalihim
Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7, na nagsasaad na kailan may
tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang
salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.
18. 1967 (Okt. 24) Naglagda ang Pangulong
Ferdinand E. Marcos ng isang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96, na nagtatadhana
na ang lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan
sa Pilipino.
19. 1968 (Marso 27) Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap
Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na
nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 bilang karagdagan ay iniaatas
din na ang mga letterhead ng mga kagawaran,tanggapan,
at mga sangay na pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa
Pilipino, kalakip ang kaukulang texto sa Ingles. Iniaatas din
na ang formularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga
pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino
gagawin.
20. 1971 (Hulyo 29) Memorandum Sirkular Blg.
488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ngpalatuntunan sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa, Agosto 13-19 (na ngayon ay
Buwan ng Wika, Agosto 1-31).
21. 1978 (Hulyo 21) Nilagdaan ng Kalihim Juan L
Manuel ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusan Blg. 22, 1978, bilang karagdagan
sa Kautusang Pangkagawarang Blg.25, na
nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi
na nang Kurikulum na pangkolehiyo.
22. Simula sa unang semestre ng taong 1979-1980, ituturo ang
anim (6) na yunit ng Filipino sa Kolehiyo; maliban sa kursong
pagtuturo na 12 yunit.
Filipino 1 (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan
(Communication Arts)
Filipino II (3 yunit) Panitikang Filipino; Pahapyaw na
Kasaysayan at mga Piling Katha (Surveys and
Readings of Literature in Pilipino)
23. 1987(Pebrero 2) Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon
ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaad
ang mga sumusunod:
Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
FILIPINO. Samantalang nililinang ito, ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.
24. Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag
sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at
Kastila.
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.
25. 1990(Marso 19) - Pinalabas ng
Kalihim Isidro Cari単o ng
Departamento ng Edukasyon,
Kultura at Palakasan ang
Kautusang Pangkagawaran
Blg. 21 na nagtatagubilin na
gamitin ang Filipino sa Pagbigkas ng
Panunumpa ng Katapatan sa Saligang-
Batas at sa bayan natin.
26. 1996 Pinalabas ng Commission on Higher
Education ang CHED Memorandum Blg.
59 na nagtatadhana ng siyam (9) na unit
na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at nagbabago
sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso
sa :
27. Filipino I (Sining ng Pakikipagtalastasan) -
Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Ibat-
Ibang Disiplina)
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Filipino 3 (Retorika)
28. 1997 (Hulyo) Nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel
V. Ramos ang Proklama Blg. 104 na nagtatakda na
ang Buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan
ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa ibat-ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan
na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang
pagdiriwang.
29. 2001 Tungo sa mabilis na istandardisasyon
at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino,
ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino
ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang
Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.
30. 2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Filipino, ipinagbigay alam ng Komisyon
sa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001
Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at
samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik,
pag-aaral, konsultasyon at hanggat walang
nababalangkas na mga bagong tuntunin sa
pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng
taong 1987.