3. • Ang Homeowners’ Association ay
samahan ng magkakapitbahay. Nabuo ito
upang mapabuti ang ugnayan ng
magkakatabi ang mga tirahan. Sila ay
gumagawa ng mga proyekto para sa
komunidad.
5. Ang TODA (Tricycle Operators and
Drivers Association) ay samahan ng mga
operator at driver ng tricyle ito ay samahan
upang pangalagaan ang kanilang karapatan
kaugnay sa kanilang trabaho.
7. Ang Bantay Kalikasan ay
samahan na ang pangunahing gawain
ay ang pangangalaga sa kapaligiran at
likas na yaman. Sinisiguro nito na
nagagamit nang wasto at hindi
naaabuso ang likas na yaman sa
kumunidad.
10. Ang Philippine Red Cross ay
organisasyong tumutulong sa mga tao sa
panahon ng sakuna. Nagbibigay ito ng
serbisyong medikal at sikolohiko. Nagtuturo
ito ng mga paunang lunas, paghahanda sa
sakuna, at pangangalaga sa kalusugan sa
tulong ng libo-libo nitong volunteeer.
12. Ang Philippine Animal Welfare
Society ay ang nagtataguyod sa
pagrerespeto at pagmamahal sa mga
alagang aso, pusa, at iba pang mga
hayop.
14. Ang Haribon Foundation ay
nagsasagawa ng konserbasyon at
pangangalaga sa kalikasan.
Nagpapalaganap ito ng impormasyon
tungkol sa wastong paggamit at
pagpapanatili ng mga likas na yaman.