Sanay tayo sabihin na tayo ay humihinga sa hangin, naglalakd sa lupa, kumakain, naglalaro, umiinom ng tubig, natutulog, nanaginip.
Sanay tayo isipin na ang mga ibon din ay humihinga, naglalaro sa hangin, lumilipad.
Sanay tayo makakita ng mga isda sa tubig, lumalaban sa alon, patalon-talon, sumasabay sa nagsasayaw na tubig.
Kung ang ibon ay sanay sa hangin, at ang isda ay sanay sa tubig, hindi kaya ang mga isda rin ay lumilipad sa tubig habang ang mga ibon naman ay lumalangoy sa hangin?
Kung tutuusin, lahat naman tayo ay humihinga, naglalaro, nagsasayaw, lumalangoy, lumilipad.
Hindi lang tayo sanay magisip ng mga paniniwalang hindi nakasanayan.