ako yung tao na tapat
labis ang pagmamahal
pero ang malas ko ako ay nagtapat sa isang hangal
minahal ko ng lahat pero hindi pa nakuntento
sa kabila ng kabaitan ko,
ako ay inabuso
nagmahal siya ng iba
ako naman ay walang alam
ang tanging nasa isip ko
sa puso niya ay ako lang
hanggang sa akoy nalinawan na meron na siyang iba
akoy nasaktan ng lubos
akoy niloko lang pla.
hindi alam ang gagawin sa mga darating na araw
kung tanggap na bang wala na siya
ay hindi parin malinaw
pagibig ayaw parin mawala
sa nakaraan akoy nagpipilit kumawala
nawalang parangbula ang pagmamahal niya sakin
nakakita siya ng iba
sa iba niya ito ibinaling
ang tanong ko lang sa kanya
san ba ako nagkula