1. Bilibid inmates lulunurin sa dagat
Ni Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 13, 2017 - 12:00am
MANILA, Philippines - Plano ni Pangulong Duterte na bumili ng mga sirang barko at ilagay sa dagat kung saan isasakay niya
ang mga pasaway na inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) na sangkot sa drug trade at kanya itong bubutasan hanggang sa
lumubog.
Huwag kayo maniwala sa human rights. Huwag kayo maniwala na bawal ang bartolina, pahayag ni Pangulong Duterte sa
anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ginanap sa Camp Aguinaldo.
Aminado si Pangulong Duterte na ginagago ng mga criminal ang gobyerno partikular ang mga drug personalities sa NBP.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa ika-26 anibersaryo ng BJMP, nabuhay muli ang drug trade sa NBP dahil sa
pagpasok ng mga cellphones.
Resurgence of drug trade in Bilibid due to cellphone. Ginagawa tayong gago ng mga kriminal, wika ng Pangulo.
Inamin din ni Pangulong Duterte na nakikita niya ang muling pagyabong ng problema sa illegal drugs at terorismo sa Mindanao.
I saw looming drug, terrorism problem in Mindanao, giit pa ng Pangulo.
Binigyang-diin ni Duterte na hindi niya papayagan ang mga sundalo at pulis na sumunod lamang sa kanyang utos ay
makukulong.
I will never allow a military man, policeman, a govt man na makulong for doing his duty. I am ready to pardon them, wika pa ng
Presidente.
Nangako din ang Pangulo sa BJMP personnel na sa ikatlong taon ng kanyang termino ay aasikasuhin naman niya ang mga
pangangailangan ng jail personnel, uunahin lamang niya ang mga pulis at sundalo.
LaosFM, bibisita
Ni: Bella Gamotea
Bibisita sa bansa ngayong Hulyo 13 at 14 si Laos Foreign Minister Saleumxay Kommasith sa imbitasyon ni
Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter S. Cayetano.
Pangungunahan ni FM Kommasith ang pagbubukas ng Philippines-Laos Joint Commission for Bilateral
Cooperation (JCBC) Meeting, na tatalakay sa mga aspeto ng ugnayan at mga isyung pakikinabangan ng
dalawang bansa.
OFW IDinilunsad na
Ni: Genalyn D. Kabiling
Magiging mas mabilis na ang paghahatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga overseas Filipino worker sa
ilalim ng bagong identification card system.
Sinimulan na ng gobyerno ang pag-iisyu ng libreng OFW ID na magsisilbing overseas employment certificate
(OEC).
Today, July 12, we are launching the iDOLE, the identification card for millions of overseas Filipino workers,
pahayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella.
OFWs who carry this ID would mean that his documents have been legally processed by the Philippine
Overseas Employment Administration (POEA), aniya.
Ang OFW ID card system ay proyektong sinimulan ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang
ang iba pang ahensiya gaya ng Social Security System (SSS), Development Bank of the Philippines (DBP), at
Philippine Postal Corporation (PhilPost).
Sinabi ni Abella na babalikatin ng mga employer ang pagpoproseso ng DOLE. Hence, OFWs need not pay for
the cost of the ID, dagdag niya.
Ang mga ID ay ihahatid ng PhilPost sa mismong tirahan ng OFW, ayon kay Abella.
Gamit ang bagong ID, hindi na kailangan ng mga OFW na kumuha ng travel exit clearance mula sa POEA sa
tuwing aalis sila ng bansa. Ang bagong ID ang papalit sa OEC para pabilisin at padaliin ang mga transaksiyon sa
gobyerno.
All they have to show the ID and that will serve as license to go abroad and come back here, sabi ni Labor
Secretary Silvestre Bello III.