Ilang taon
Ilang araw
Ilang oras
Na nga ba’ng
Nagdaan
At lumipas
At ako ay narito
Pa sa mundong
Ibabaw at sa ilalim
Ng aking unan
Ay naitago ng mainam
Ang mga larawan
Na minsan
Ay isang eksenang
Gumagalaw.
Bungisngis
Salo salo
Hinagpis
Pagkatalo
Halo halo
Ang emosyong
Napapaloob rito
At bakas sa
Natutuklap
Na kaprasong papel
Ang kalumaan ng
Mga alaalang
Minsan sa akin ay nagdaan.
Hindi magtatagal
Ako’y babawiin
Na ng maykapal.
Sana ay naging
Makabuluhan
Ang pananatiling
Kay tagal sa lupang
Kinatatayuan
Magpahanggang ngayon
At sana minsan,
Kahit minsan lang
Sa aking nagdaang
Mga dekada
Ay nakapagiwan ako
Ng matamis na ngiti sa
Iyong mukha.
Naging matibay na
Braso upang makapitan
O kaya
We’ve updated our privacy policy so that we are compliant with changing global privacy regulations and to provide you with insight into the limited ways in which we use your data.
You can read the details below. By accepting, you agree to the updated privacy policy.