際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Ang Lakas Ng Isang Ama
Ang lakas ng isang ama
ay hindi sa lapad ng
kanyang balikat,
Itoy nadarama sa bigat
Ng kanyang yakap.
Ang lakas ng isang ama
ay hindi sa lagom at
lakas ng kanyang
boses,
Kundi sa marahan at
Malumanay niyang tinig.
Ang lakas ng isang ama
ay hindi sa dami ng
kayang kabarkada,
Itoy kung paano siya
makisama sa kanyang
mga anak.
Ang lakas ng isang ama
ay hindi sa kung paano
siya tinitingala ng
kanyang mga kaopisina
o kasamahan,
kundi sa kung paano
Siya iginagalang ng
Kanyang kapamilya.
Ang lakas ng isang ama
ay hindi kung gaano
siya kalakas susuntok,
Itoy nadarama sa
lambot ng kanyang
haplos.
Ang lakas ng isang ama
ay hindi sa lago ng
kanyang buhok sa
dibdib,
Itoy sa laki ng puso
niyang pumipintig.
Ang lakas ng isang ama
ay hindi sa bigat ng
kanyang binubuhat,
Kundi sa binabatang
responsibilidad at
tungkulin.
Ang lakas ng isang ama
ay hindi sa dami niyang
pinaibig,
Itoy kung gaano
siya katapat sa
kayang nag-iisang
kabiyak.

More Related Content

Ang Lakas Ng Isang Ama