2. Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa ng
Pamahalaan para sa unti-unting paglilipat sa mga
Pilipino ng kapangyarihang mamamahala
BEC-PELC II.C.1
3. Guide Card
Magandang Hapon sa inyo mga
bata !!!
Bago nating nakamit ang
Pamamahala sa ating sariling
bansa maraming mga hakbang
na ginawa ang ating Pamahalaan
para sa unti-unting paglilipat sa
Pilipino ng kapangyarihang
mamahala.
Tatalakayin dito ang mga ginawa ng mga pinunong
Pilipino, upang makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Amerikano. Isinulong ng
mga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na dahas. Nagsagawa ng mga
misyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa Amerika, hanggang sa magbunga ang
kanilang mga pagsisikap ang makapagtaguyod ng batas pangkalayaan
Hangarin ng nga Americano na sanayin ang mga Pilipino sa pagsasarili. Sa
pagsasakatuparan nito, isinagawa nang dahan-dahan ang mga hakbang tulad ng pag pili ng mga
Pilipinong may talino at kakayahang humawak ng mga tungkulin sa pamahalaan. Ang kongreso ng
Estados Unidos ay nag patibay ng ibat ibang mga batas na magbibigay ng pagkakataon sa mga
Pilipino na humawak ng mataas na katungkulan sa pamahalaan.
Tatalakayin dito ang mga ginawa ng mga pinunong
Pilipino, upang makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Amerikano. Isinulong ng
mga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na dahas. Nagsagawa ng mga
misyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa Amerika, hanggang sa magbunga ang
kanilang mga pagsisikap ang
4. Ang batas na ito ay inakda ni Kinatawan Henry Allen Cooper kayat tinawag ding Batas Cooper.
Pinagtibay noong 1902. Ito ang nagkaloob ng karapatan sa mga Pilipino at nagsilbing Batas Organiko ng Pilipinas.
Ang pinakamahalagang tadhana ng batas na ito ay ang paglikha ng Lehislatura ng Pilipinas na may dalawang
kapulungan. Ang Komisyon ng Pilipinas ang magiging mataas na kapulungan at ang Asembleya ng Pilipinas ang
magiging mababang kapulungan na bubuin ng mga kinatawan na inihala ng mga taong bayan.
Alinsunod sa mga tadhana ng Batas Cooper. Idinaos ang halalan para sa asembleya noong Hulyo 1907.
Ipinagkaloob ng mga mamayanan sa Partido Nacionalista ang malaking suporta at pagtitiwala. Sa 80 puwesto sa
Asembleya, 59 ang nakuha ng mga Nacionalista, 16 sa mga Progresibo at 5 sa nga independiente .
Noong ika-3 Octubre 1916 nagkaroon ng halalan para sa Lehislatura ng Pilipinas. Sa halalang ito
karamihan sa mga nagwagi ay mula sa Partido Nacionalista. Pormal na binuksan ang pulong ng Lehislatura noong
Ocktubre 16, 1916. Si Manuel L. Quezon ang nahalal ng pangulo ng Senado at si Sergio Osmena naman ang
nagging Ispiker ng kapulungan ng mga Kinatawan.
Naging patakaran ng mga Amerikano na maglagay ng mga Pilipinong may kakayahan sa mga tungkulin
sa pamamahalaan. Ginawa ito upang masanay at maihanda sa mga Pilipino na mamahala ng sariling pamahalaan.
Ang patakarang ito ay tinawag na Pilipinisasyon.Nang mahirang si Gobernador Francis Burton Harrison, isang
Amerikanong may liberal na kaisipan, Lalong dumami ang mga Pilipinong nahirang sa pamahalaan. Lumiit namn
ang bilang ng mga Amerikano sa pamahalaan. Bago natapos sa panunungkulan si Harrison mayroon lamang 614
Amerikano na nag lilingkod sa pamahalaan. Ang bilang ng mga pilipinong nasa pamahalaan ay umabot na sa
13,240. Dahil ditonapamahal sa mga Pilipino si Francis Burton Harrison. Bilang pasasalamat ay ginawaran siya ng
pagkamamamayang Pilipino ng Lehislatura ng Pilipinas.
5. Bagamat wala sa tadhana ng Batas Jones, lumikha si Gobernador Francis Burton Harrison ng Sanggunian
ng Estado alinsunod sa mungkahi ni Sergio Osmena. Ang sanggunian ay binubuo ng gobernador sibil, kalihim ng
mga kagawaran , Ispiker ng Mababang Kapulungan at ang Pangulo ng Senado. Tungkulin nito na magpayo sa
gobernador sibil ukol sa pamamalakad ng bansa. Dahil dito, nagkaroon nang higit na partisipasyon ang mga
Pilipino sa pamamahala ng bansa.
Ang paghahangad ng mga Pilipino na lumaya ay hindi namatay nang isuko ang kanilang laban sa mga
Amerikano. Pinatunayan ito ng mga pagkakapanalo ng mga Nacionalista sa Asembleya at sa Lehislatura ng
Pilipinas. Dahil dito, lumikha ang lehislatura ng Komisyon sa Pagsasarili upang mangampanya sa Kongreso ng
Amerika na bumuo ng batas para sa kalayaan ng Pilipinas. Maraming ipinadalang misyon ngunit walang nangyari.
Subalit nanatiling tapat ang mga Pilipino sa pag -asa na silay magiging Malaya balang araw.
Noong 1931 nagpadala si Manuel L. Quezon ng isa pang misyon sa Estados Unidos. Tinawang itong
Misyong OS-ROX dahil pinamumunuan ito nina Sergio Osmena at Manuel Roxas. Dahil sa kanilang pagsisikap,
pinagtibay ng Kongreso ng Amerika noong 1932 ang Batas Hare-Hawes-Cutting. Itinatadhana nito ang pagtatatag
ng sampung taong pamahalaang Komonwelt at pagkatapos ay ipagkakaloob ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit
hindi ito pinagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas dahil maraming tadhana nahindi ayon sa interes ng mga Pilipino.
Nang hindi maaprubahan ang Batas-Hare-Hawes-Cutting, tumulak si Manuel L Quezon sa Washington
DC. Dahil sa maganda niyang talumpati sa Kongreso ng Amerika, Nahikayat niyang Bumuo muli ng isang batas
para sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay isinulat ni Senador Tydings at Congresman McDuffie. Ang batas ay nilagdaan
nina Pangulong Franklin Roosevelt noong Marso 24, 1934. Ito ay pinagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas noong
mayo 1 1934.
6. Handa na ba kayo sa ating Gawain
Gawain 1
,Una.. kilalanin ang mga nasa larawan .Sila ang
mga nagtaguyod ng kalayaan ng ating bansa sa
Panahon ng Amerikano.
1. _______________ 2. _______________ 3.___________________
4. _____________ 5___________
7. Gawain 2
Ngayon kilala nyo na ang mga taong
may malaking naiaambag tungo sa
pamamahala sa ating sariling bansa Isa-
isahin nating isulat ang mga hakbang sa
paghahanda sa pagsasarili.
1
4
Mga Hakbang
sa
paghahanda
sa pagsasarili
2
3
3
8. Isulat sa patlang
kung ano ang
tinutukoy
Gawain 3
_ _________1. Ito ay itinatag bilang paghahanda sa
pagsasarili.
_______________________2. Ang nagsilbing mataas na kapulungan ng
asamblea ng Pilipinas.
_______________________3. Ang batas na itoy nagsasaad ng pagkilala sa
kalayaan ng pilipinas kung itoy mayroong
nang matatag na pamahalaan.
_______________________4. Misyong pangkalayaan kinatawan nina
Sergio Osmena at Manuel Roxas.
_______________________5. Ito ang batas na pinagtibay ni Pangulong
Franklin D. Roosevelt na sinunod sa pagbibigay
ng kalayaan.
9. Gawain 4
Iugnay ang Hanay A
sa Hanay B
Hanay A Hanay B
___1. Pinuno ng Unang Komisyon. A. Gregorio Araneta
___2. Unang Amerikanong gobernador sibil. B. Cayetano Arellano
___3. Liberal na gobernador sibil. C. F.B Harrison
___4. Unang Pangulo ng Senado ng Pilipinas. D. Sergio Osmena
___5. Unang Ispiker ng Asembleya ng Pilipinas. E. Manuel L. Quezon
___6. UnangPilipinong Punong Hukom ng F. Jacob Schurman
Korte Suprema
___7. Unang Kalihim ng Pananalapi G. William H. Taft
10. Bago tayo matapos sa ating
Gawain 5
Gawain pag sunud-sunurin ang mga
pangyayari. Isulat ang bilang 1
hanggang 8 sa patlang
___ Nagpadala si Pangulong McKinley ng Unang Komisyon sa Pilipinas.
___ Nagtatag ang mga Amerikano ng Pamahalaang Militar
___ Pinagtibay ng Kongreso ng Amerika ang Batas Cooper noong 1902.
___ Itinatag ang pamahalaang Sibil alinsunod sa Susog spooner
___ Nagpadala si Quezon ng mga misyong pangkalayaan sa Amerika.
___ Naitatag ang Asembleya ng Pilipinas batay sa tadhana ng Batas Cooper.
___ Pinagtibay ni Pangulong Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie.
___ Naitatag ang Lehislatura ng Pilipinas alinsunod sa Batas Jones 1916.
12. Hanapin ang tamang daan tungo sa mga batas para sa unti-
unting paglilipat ng kapangyarihang mamahala ng mga
Pilipino. Batas Tydings-Mc Duffie Batas Pilipinas 1902
Batas Jones Asamblea ng Pilipinas
Assessment
Card
Isulat ang tamang sagot
1. Mithiin ng mga Pilipino na makapagtatag ng sariling Pamahalaan, Dahil
13. dito gumawa ng mga hakbang ang Pamahalaan ukol ditto. Ano ang kanilang ginawa?
A. Nagsagawa ng mga misyon at batas pangkalayaan ang mga Pilipino.
B. Nagsagawa ng mga dahas na pamamaraan ang mga Pilipino.
C. Pumili ng mga namumunong magagaling para mamuno sa pakikipaglaban.
D. Humiling ng kalayaan ng may kapalit.
2. Kailan pinasinayaan ang asamblea ng Pilipinas?
A. Agosto 15. 1902
B. C. Oktubre 16, 1907
C. Oktubre 27, 1906
D. D. may 1, 1934
3. Ang Misyong Os-Rox ay pinamunuan ni Osmena T Roxas. Ano ang layunin nito?
A. Hilingin ang batas ng Pilipinas. C. Magkaroon ng kinatawan ng Pilipinas.
B. Hilingin ang kalayaan ng Pilipinas. D. Magkaroon ng pagmamayari ng Pilipinas.
4. Ang Batas Tydings Mcduffie ay isa sa mga hakbang ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan.. Ano
ang isinasaad nito?
A. Batas na nagtatadhana para magbigay ng kasarinlan ng Pilipinas.
B. Batas para maibigay ang kalayaan ng Amerikano.
C. Baas para ipagbawal ang paggamit ng Ingles.
D. Batas para sa paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas.
5. Ito ang unang batas na ginawa ng kongreso ng Estados Unidos patungkol sa Pilipinas at kilala rin bilang
Cooper Act. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy ditto?
A. Batas Jones
B. Batas Tydings Mcduffie
C. Asamblea ng Pilipinas
D. Batas Pilipinas ng 1902
Enrichment
Tandaan!
Activity
14. Sa panahon ng mga Amerikano pinairal nila ang patakarang nakabatay sa
Layunin ng Amerika na maipakilala ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas
Sa pagsisikap ng mga Pilipino , ang Kongreso ng Amerika ay gumawa at
ngapatibay ng batas na nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na mamuno
sa pamahalaan bilang pahahanda sa kanilang pagsasarili.Ang batas na ito ay
Batas Cooper, Batas Jones, Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings Mc
Duffie
Naging mahalaga ang Batas Jones sa proseso ng pagsasarili ng Pilipinas.
Naging daan ito upang maitatag ang isang lupong kumakatawan sa mga
Pilipino na ang batas ay maka-Pilipino
Ang pagtatalaga ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga tanggapan ay dulot
ng pagpapatupad ni Gobernador Francis Burton Harrison nang siya ay
nanungkulan . Tinawag itong Pilipinasyon
Hindi nawala ang paghahangad ng kasarinlan ng mga Pilipino sapagkat
isinulong nila ito sa pamamaraang demokratiko. Bahagi sila sa paglikha ng
isang demokratikong pamahalaan sa ilalim ng pangangasiwa at pagsubaybay
ng mga Amerikano.
Reference
Card
15. Magaling mga
bataHanggang sa
susunod na Aralin
Mabuhay!!!
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2
1. Manuel A. Roxas Batas Jones
2. Sergio Osmena Asamblea
ng Pilipinas
3. Manuel Roxas Batas Tydings-Mc. Duffie
4. Franklin Roosevelt Batas
Hare-Hawes-Cutting
5. Francis Burton Harrison
16. Gawain 3 Gawain 4
1. Asamblea ng Pilipinas 1. F
2. Komisyon ng Pilipinas 2. G
3. Batas Jones 3. C
4. Misyong Os-Rox 4. E
5. Batas Tydings Mc. Duffie 5. D
6. B
7. A
Gawain 5
2,1,4,3,7,5,8,6,
Assessment
1. A
2. B
3. B
4. A
5. D
Division of Pasig City
School District I Pasig I