4. Gawain 1 - KUNG IKAW KAYA
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay
sa daigdig noong sinaunang panahon.
Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa
tingin moy makatutulong sa iyong pang
araw araw na pamumuhay. Mahalagang
maipaliwanag mo ang dahilan ng iyong
pagpili.
9. PAMPROSESONG TANONG
1. Alin ang iyong mga pinili ?
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong
pinili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang
panahong kung taglay mo angbagay na
pinili? Ipaliwanag ang sagot.
13. Batay sa makaagham na pag-aaral ng
pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno
ng tao may 2.5 milyong taon na ang
nakalilipas. Sila ang homo specieshomo species (homo
na nangangahulugang tao) nagtagumpay
makiayon sa kanilang kapaligiran at
nagawang harapin ang mga hamon ng
sitwasyon noong sinaunang panahon.
14. May tatlong pangkat ng homo species
na nabuhay sa daigdig at naging mga
ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-
aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng
Ebolusyon ng tao mula sa pagiging Ape
hanggang sa paglitaw ng mga homo
sapiens.
22. Pagkaraang lumitaw ang mga Homo
species partikular ang Homo habilis noong
dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan,
nagsimula na rin ang Panahong
Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad
ng kultura ng mga sinaunang tao.
33. LOWER
PALEOLITHIC PERIOD
Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o
handy man dahil sila ang unang species ng hominid na
marunong gumawa ng kagamitang bato
46. MGA TANYAG NA
PREHISTORIKONG TAO
Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na
ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens Neanderthalensis
(circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak
ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang
species kaya nangangahulugan higit ang kanilang
kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May
mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa
paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng
sining ng pagpipinta sa kuweba.
49. MGA TANYAG NA
PREHISTORIKONG TAO
Sa loob ng maraming libong taon,
namuhay ang mga prehistorikong tao sa
pangangaso at pangangalap ng pagkain.
Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng
mga sinaunang tao ang pagtatanim.
Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga
kasangkapan sa paggamit ng mas
makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa
Panahong Neolitiko.
51. PANAHONG NEOLITIKO
Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay
tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic
Period) o Panahon ng Bagong Bato (New Stone
Age) na hango sa mga salitang Greek na neos o
bago at lithos o bato.
52. PANAHONG NEOLITIKO
Ang terminong neolitiko ay ginagamit
sa arkeolohiya at antropolohiya upang
italaga ang isang antas ng ebolusyong
pangkalinangan o pagbabago sa
pamumuhay at teknolohiya.
70. PANAHONG NEOLITIKO
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa
pamumuhay ng mga sinaunang tao nang
matutuhan nila ang paggamit ng mga
kasangkapan at sandatang yari sa metal.
Naganap ito dakong 4000 B.C.E.
Inilalarawan sa susunod na diyagram ang
Panahon ng Metal.
93. Gawain 3 I TWEET MO!
Bumuo ng anim na pangkat na ang
bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga
kailangang impormasyon ang I-Tweet Mo!
Organizer.
94. Gawain 3 I TWEET MO!
Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng
organizer batay sa pagkaunawa sa binasa.
Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong
Paleolitiko,at sa pangkat 3 at 4 ang Panahong
Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng
Metal. Ibibigay ng bawat pangkat ang mga
hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng
mga tweet o maiikling pahayag.
95. Gawain 3 I TWEET MO!
Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat
pangkat, magbigay ng komento sa mga
pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa
kapirasong papel at idikit sa bahagi ng
komento ng diyagram.
101. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto
ng pag-unlad ng kultura ng tao?
2. Ano ang mga patunay na may naganap
na pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang
tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at
iba pang aspekto ng pamumuhay?
102. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto
ng pag-unlad ng kultura ng tao?
2. Ano ang mga patunay na may naganap
na pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang
tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at
iba pang aspekto ng pamumuhay?
3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon
tungkol sa mga sinaunang tao?
104. Gawain 4 TOWER OF HANOI
CHART
Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart
ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng
pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
Punan ang ibabang bahagi ng tower ng
ebidensiyang susuporta sa nakatalang
kongklusyon
108. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa
nakatalang kongklusyon?
2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa
pamumuhay ng mga sinaunang tao?
Patunayan.
109. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa
nakatalang kongklusyon?
2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa
pamumuhay ng mga sinaunang tao?
Patunayan.
3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang
henerasyon ang ginawang ito ng mga
sinaunang tao? Pangatuwiranan.
110. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang
kongklusyon?
2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay
ng mga sinaunang tao? Patunayan.
3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon
ang ginawang ito ng mga sinaunang tao?
Pangatuwiranan.
4. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at
ebidensiyang nakatala sa Tower of Hanoi Chart
tungkol sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao
sa daigdig?
112. Gawain 5 ANO NGAYON?
CHART
Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang
konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag -unlad
ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan
ng mga konseptong ito sa kasalukuyang
pamumuhay.Nararapat iugnay ang mga
pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan
sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay
na kabuluhan ng kasaysayan.
113. Gawain 5 ANO NGAYON?
CHART
Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga
pangyayaring naganap sa ibat ibang yugto ng
pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano
Ngayon? Chart, Isulat sa kahon ang kahalagahan
o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa
kaliwang kahon.
120. PAMPROSESONG TANONG
1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na
naganap noong sinaunang panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito
ang kasalukuyang pamumuhay ng tao?
121. PAMPROSESONG TANONG
1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na
naganap noong sinaunang panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito
ang kasalukuyang pamumuhay ng tao?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago
sa pamumuhay ng tao ang may
pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?
125. Gawain 6 ARCHEOLOGIST
AT WORK
Bumuo ng apat na pangkat para sa
gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang
pangkat ng mga archaeologist na nakahukay
ng mga artifact sa isang lugar. Inyong susuriin
ang bawat artifact na nahukay gamit ang
Artifact Analysis Worksheet #1. Pagkatapos
nito, pag-uusapan ang mga ginawang
pagsusuri at sama-samang sagutan ang
Artifact Analysis Worksheet #2.
137. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa
pagtukoy sa kultura ng mga taong nabuhay
sa Catal H y k?
138. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa
pagtukoy sa kultura ng mga taong
nabuhay sa Catal H y k?
2. Ano ang mga patunay na ang Catal
H y k ay lumitaw noong panahong
Neolitiko?
139. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa
pagtukoy sa kultura ng mga taong
nabuhay sa Catal H y k?
2. Ano ang mga patunay na ang Catal
H y k ay lumitaw noong panahong
Neolitiko?
3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay
sa paghahambing ng buhay sa Catal
H y k at sa kasalukuyang pamumuhay?
141. Pagkatapos talakayan ang mga
sagot sa Archaeologist at Work, muling
sagutin ang tanong na nasa I-R-F
Chart. Sa puntong, ilagay ang sagot sa
huling kolum,na Final Idea. Pagkatapos
ay ibahagi sa klase ang lahat ng iyong
kasagutan sa tatlong kolum ng chart.
142. Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga
sinaunang tao, mapaunlad ang kanilang
pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang
nakamit ang mataas na antas ng kalinangang
kultural. Ito ang pagtatag ng mga kabihasnang
nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa
lahat ng tao sa kasalukuyang panahon.
Halina at pag-aralan ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.