Simple lang ang isang tulad ko
Nangangarap na makatapos nang kapalara'y makatagpo
Sa isip ko ma'y pag-aaral ang tanging sagot
Dito sa puso ko'y sa Diyos lang ang dulog.
Sa tuwinang pagharap sa mga dagok ng buhay
Pananalig sa Maykapal at mahal na pamilya ang sandigan.
Ang mga kaibigang kasangga saan man pumaroon
At ang Anime nagbibigay ligaya damdaming nalulungkot.
At sa bawat hakbangin na tatahakin
Iisa lamang ang kipkip na mithiin
Matagpuan sana ang tamang kapalaran
Nang sa kinabukasa'y ako at sila'y matuwang makatwiran.