際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
SAKLAW AT PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA ARALIN SA BAWAT
LINGGO (10 LINGGO) NG BAWAT MARKAHAN


UNANG TAON (Tema: Ang Tao Bilang Nilalang)

Unang Markahan

                                   I.1.1.1.1.1   Ang Kalikasan ng Tao

      1.1 Mga Paniniwala sa Paglikha sa tao
      1.2 Ang Material at Ispiritwal na Dimensiyon ng Tao
      1.3 Ang Kaibahan ng Tao sa Ibang Nilalang
      1.4 Ang Intellect at Will
      1.5 Ang Konsiyensya: Kahulugan, Kalikasan at Uri
      1.6 Paggamit ng Konsiyensiya sa Makatwirang Pagkilos
      1.7 Ang Tao Bilang Nilikhang may Dignidad.
      1.8 Ang Layunin ng Tao sa Buhay
          a. Pagpapaunlad ng Sarili
          b. Pag-iingat ng Kapaligiran
          c. Paglilingkod sa Kapwa at Diyos
      1.9 Mga Kilos at Gawi ng Taong may Dangal
      1.10 Mga Gawaing Nagtataguyod ng Kaganapan ng Pagkatao


Ikalawang Markahan

II.   Pagkilala sa Sariling Pagkatao

      II.1    Katangian ng Kabataan
      II.2    Pagkilala ng Mga Kakayahan at Hilig
      II.3    Ang Self-image, Reputasyon, Actual Self, at Real o True Self
      II.4    Pagbuo ng Sariling Self-image
      II.5    Pagkilala ng Actual Self
      II.6    Pagkilala ng mga Kahinaan Bilang kabataan
      II.7    Pamantayan sa Pagpapaunlad ng Sarili
      II.8    Wastong Pamamahala ng Emosyon
      II.9    Pagpapaunlad ng Itinakdang Kasarian
      II.10    Pananaw sa Real o True Self
Ikatlong Markahan

III.   Ang Mga Pagpapahalaga at Mga Birtud

       III.1      Paano Nalilinang ang Pagpapahalaga
       III.2      Mga Katibayan ng Pagkakaroon ng Pagpapahalaga
       III.3      Ang Kalikasan ng Pagpapahalaga
       III.4      Ang Pagkakaiba ng Pagpapahalaga sa Birtud
       III.5      Ang Pagpapahalaga, Paniniwala (Belief), Ideals, Saloobin (Attitude)
       III.6      Ang mga Pangunahing Birtud
       III.7      Ang Proseso ng Pagpapahalaga
       III.8      Ang Sistema ng Pagpapahalaga
       III.9      Ang Impluwensiya ng Pagpapahalaga sa Pagpapaunlad ng Sarili


Ikaapat na Markahan

IV.    Ang Pagpapasya at Ang Pagtatakda ng Mithiin

       IV.1     Matalinong Pagpapasya: Likas sa Tao
       IV.2     Mga Pamantayan sa Paggawa ng Matalinong Pasya
       IV.3     Ang Kahalagahan ng Positibong Pananaw sa Pagpapasya
       IV.4     Ang kahalagahan ng Kaalaman sa Real o True Self sa Pagkamit ng
            Mithiin
       IV.5     Pagtatakda ng Makatotohanang Mithiing Pansarili
       IV.6     Pagbuo ng Hakbangin sa Pagkamit ng Mithiin
       IV.7     Pananampalataya sa Diyos: Mahalagang salik sa Pagkamit ng
            Mithiin
       IV.8     Ang Kahalagahan ng Sipag at Tiyaga sa Pagpapaunlad sa Sarili
       IV.9     Ang Disiplina at Sariling Pag-unlad



IKALAWANG TAON : (Tema: Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang)

Unang Markahan

I.     Ang Makabuluhang Pakikipagkapwa

       1.1     Kapwa: Kahulugan at Lawak
       1.2     Mga Antas ng Pakikipagkapwa
       1.3     Ang Kahalagahan ng Pakikipagkapwa
       1.4     Ang Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng Pakikipagkapwa
       1.5     Ang Mga Uri ng Komunikasyon sa Pakikipagkapwa
       1.6     Ang Kahalagahan ng Mabisang Komunikasyon
       1.7     Mga Bunga ng Di-Wastong Pamamahala ng Emosyon
1.8 Wastong Pamamahala ng Emosyon
       1.9 Batayan ng Pakikipag-ugnayan sa Katapat na Kasarian


Ikalawang Markahan

II.    Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa

       2.1   Ang Kalikasan at Layunin ng Pamilya
       2.2   Ang Impluwensiya ng Pamilya sa Paglinang ng Pakikipagkapwa
       2.3   Ang Gampanin ng Kasapi ng Pamilya
       2.4   Paggalang sa Karapatan ng Bawat Kasapi ng Pamilya
       2.5   Mapanagutang Pagpili at Paggamit ng Media at Information
             Technology: Tungkulin ng Pamilya
       2.6   Kahalagahan ng Dayalogo sa Pamilya
       2.7   Mga Paraan sa Pagpapatibay sa Katatagan ng Pamilya
       2.8   Sama-samang Pagsisikap Tungo sa Katatagan ng Pamilya
       2.9   Pananampalataya sa Diyos: Sandigan ng Pamilyang Pilipino
             Matatag na Pamilya: Sandigan ng Matatag na Lipunan


Ikatlong Markahan

III.   Mga Birtud at Pagpapahalaga sa Pakikipagkapwa

       3.1 Kahulugan ng mga Birtud at Pagpapahalaga sa Pakikipagkapwa
       3.2 Katapatan: Mahalagang Salik sa Pakikipagkapwa
       3.3 Pang-unawa sa Kapwa
       3.4 Pagpapatawad sa Nagkasala
       3.5 Paggalang sa Pagkatao ng Kapwa
       3.6 Pagmamalasakit sa Kapwa
       3.7 Pagpapakita ng Awa (Compassion) sa Kapwa
       3.8 Paglilingkod sa Kapwa
       3.9 Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Pakikipagkapwa
       3.10 Pagpapatatag ng Pakikipagkapwa


Ikaapat na Markahan

IV.    Mga Isyu at Suliraning Kaugnay ng Pakikipagkapwa

       4.1 Mga Isyu at Suliranin Tungkol sa Pamilyang Pilipino
       4.2 Ang Pagsasama ng Di-Kasal
       4.3 Mga Dahilan ng Paghihiwalay ng Ama at Ina
4.4 Mga Limitasyon sa Pakikisama sa Kapwa
          a. Peer Pressure      b. Fraternity
          c. Barkadahan         d. Gang, atbp.
      4.5 Mga Bunga ng Walang Batayang Usap-usapan
      4.6 Diskriminasyon sa Pakikipagkapwa
      4.7 Ang Epekto ng Pangigipit (Harassment) sa Kapwa
      4.8 Paggalang sa Awtoridad
      4.9 Mga hakbangin sa Paglutas sa mga Isyu Tungkol sa Pakikipagkapwa


IKATLONG TAON : (Tema: Ang Tao sa Kanyang Gawain sa Mundo)

Unang Markahan

I.    Ang Lipunan; Para sa Tao

      1.1   Lipunan: Katuturan at Kahalagahan
      1.2   Kahalagahan ng Mga Karapatan ng Mamamayan
      1.3   May Pananagutang Kaakibat ang mga Karapatan
      1.4   Gawaing Nagtataguyod sa Karapatang Pantao
      1.5   Ang Moral at Legal na Kilos
      1.6   Ang Batas: Batayan ng Kaayusan ng Lipunan
      1.7   Kahalagahan Pagsunod sa mga Alituntunin at Batas
      1.8   Lipunan : Para sa kabutihang Panlahat
      1.9   Mga Hakbangin para sa Pagpapaunlad ng Lipunan


Ikalawang Markahan

II.   Ang Tao Bilang Manggagawa

      2.1 Paggawa: Kahulugan at Moral na Batayan
      2.2 Layunin ng paggawa
      2.3 Dignidad sa Paggawa
      2.4 Prinsipyo ng Solidarity at Subsidiarity
      2.5 Paggawa bilang paglilingkod sa kapwa at sa Diyos
      2.6 Likas-kayang pag-unlad
          - Katuturan
          - Kahalagahan
      2.7 Mga Pamamaraan Tungo sa Likas-kayang Pag-unlad
      2.8 Ang Wastong Paggamit ng Likas na Yaman
      2.9 Mapanagutang Paggamit ng Pinagkukunang-yaman
Ikatlong Markahan

III.   Mga Birtud at Pagpapahalagang Kaugnay ng Paggawa

       3.1 Mga Birtud at Pagpapahalagang may Kaugnayan sa Paggawa
       3.2 Positibong Pananaw sa Paggawa
       3.3 Pagmasigasig: Salik sa pag-unlad
       3.4 Bunga ng Katapatan sa Paggawa
       3.5 Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Paggawa na Dapat Panatilihin
       3.6 Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Paggawa na Dapat Bigyan ng
           Panibagong Direksiyon
       3.7 Wastong Paggamit ng Oras
       3.8 Pagkamalikhain sa Gawain
       3.9 Katatagan sa Paggawa
       3.10 Mapanagutang Paggawa: Handog sa Diyos


Ikaapat na Markahan

III.   Ang Paggawa at Pagpapasya

       4.1 Mga Salik sa Pagpili ng Hanapbuhay o Kurso sa Kolehiyo
       4.2 Imbentaryo ng sariling interes at potensiyal
       4.3 Mga kasanayang kinakailangan sa Ibat-ibang kurso sa kolehiyo o
           Hanapbuhay
       4.4 Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng Talino at Kakayahan
       4.5 Kahalagahan ng Kahusayan (Excellence) sa Paggawa
       4.6 Mga Taong Nagtagumpay Bunga ng Mabuting Paggawa
       4.7 Mga Gawaing Magbibigay daan sa Pagkakamit ng Mabuting Hinaharap



IKAAPAT NA TAON: (Tema: Ang Moral na Pagkatao)

Unang Markahan

I.     Ang Moral at Ispiritwal na Dimensiyon ng Tao

       I.1   Ang Kapangyarihan ng Diyos
       I.2   Buhay: Kaloob ng Diyos
       I.3   Tao: Moral at Ispiritwal na Nilalang
       I.4   Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Intellect at Will
       I.5   Ang Natural Law at Divine Moral Law: Batayan ng Pagpapakatao
       I.6   Ibat Ibang Paraan ng Pagsamba at Paglilingkod sa Diyos
       I.7   Pagsasabalikat ng Alituntunin at Aral ng Ibat Ibang Relihiyon
       I.8   Ang Pananampalataya Bilang Susi ng Kahulugan ng Buhay
I.9 Pagsasabuhay ng Pananampalataya
       I.10 Ang Tao Bilang Katiwala ng Kapwa at Kapaligiran


Ikalawang Markahan

II.    Ang Moral na Kilos

       II.1   Ang Anim na Pangunahing Pagpapahalaga
       II.2   Pamantayan ng Moral na Kilos
       II.3   Prinsipyo ng Pakikibahagi sa Paggawa ng Masama
       II.4   Kilos: Kailan Tama, Kailan Mali
       II.5   Ang Panloob na Salik ng Kilos: Konsiyensiya
       II.6   Kapanatagan ng Loob sa Gitna ng Pagsubok
       II.7   Pananagutan sa Kilos at Pasya
       II.8   Mga Pamantayang Moral sa Pakikipagkapwa


Ikatlong Markahan

III.   Mga Pagpapahalaga at Birtud na Makapag-aangat sa Antas ng Moralidad

       III.1 Ang Mga Pagpapahalaga at Birtud na Makapag-aangat sa Antas ng
              Moralidad
       III.2 Ang Pinagmulan ng Birtud: Mga Mabubuting gawi
       III.3 Katotohanan
       III.4 Katatagan ng Kalooban (Fortitude)
       III.5 Matalinong Paghusga (Prudence)
       III.6 Pagtitimpi (Temperance)
       III.7 Kaayusang Pansarili
       III.8 Simpleng Pamumuhay (Simple Living)
       III.9 Pagsunod sa Batas at Kaayusan (Obedience to Law and Order)
       III.10 Pandaigdigang Pagkakaisa (Global Solidarity)


Ikaapat na Markahan

IV.    Mga Isyung Moral sa Kasalukuyang Panahon

       IV.1 Mga Isyung Kinakaharap sa Kasalukuyang Panahon
       IV.2 Mga Isyung May Kinalaman sa Kasagraduhan ng Buhay
            a. Aborsyon
            b. Euthanasia
            c. Genetic Engineering
            d. Terorismo
       IV.3 Mga Isyung May Kaugnayan sa Sekswalidad
a. Pre-marital Sex
       b. Live-in
       c. Homosexual union
       d. Prostitusyon
       e. Child Abuse
IV.4   Mga Isyung May Kinalaman sa Paggamit ng Kapangyarihan
       a. Graft at Corruption
       b. Nepotism
IV.5   Mga Isyung May Kinalaman sa Kapaligiran
       a. Ecological Balance
       b. Illegal Logging
IV.6   Isyu sa Pagmamay-aring Intelektuwal
       a. Intellectual Piracy
IV.7   Mga Isyu Ukol sa Karapatan at Dignidad ng Tao
       a. Child Labor
       b. Slavery
MGA PANLAHAT AT TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

      UNANG TAON (Tema: Ang Tao Bilang Nilalang)

                  Sa pagtatapos ng bawat markahan, inaasahang malilinang sa bawat mag-
      aaral ang mga sumusunod na mga panlahat at tiyak na kasanayang pampagkatuto:

      Unang Markahan

I.    ANG KALIKASAN NG TAO

            1.      Naiuugnay ang kaalaman sa kalikasan ng tao sa kanyang mithiin sa
                    buhay

                    1.1 Naipaliliwanag ang mga paniniwala sa paglikha ng tao
                    1.2 Nakikilala na ang tao ay pinag-isang nilalang na may materyal at
                        ispiritwal na dimensiyon
                    1.3 Naipakikita ang pagkakaiba ng tao sa ibang nilalang
                    1.4 Nakikilala ang pagkakaiba ng intellect sa will
                    1.5 Naipapahayag ang kalikasan at uri ng konsensiya
                    1.6 Naiuugnay ang paggamit ng konsensiya sa makatwirang pagkilos
                    1.7 Napatutunayan na ang tao ay nilikhang may dignidad
                    1.8 Naipahahayag nang maliwanag ang layunin ng tao sa kanyang
                        buhay
                    1.9 Naipamamalas sa kilos at gawa ang pagkakaroon ng dangal
                    1.10 Naitatalaga ang sarili sa mga gawaing nagtataguyod sa
                           kaganapan ng kanyang pagkatao

      Ikalawang Markahan

II.   PAGKILALA SA SARILING PAGKATAO

            2. Natutuklasan ang sariling pagkatao

                 2.1 Nasusuri ang katangian ng isang kabataan
                 2.2 Nakililala ang kanyang mga kakayahan at hilig
                 2.3 Nakikilala ang pagkakaiba ng self-image, reputasyon, actual self at
                     real o true self
                 2.4 Nakapagmumuni-muni tungkol sa kanyang self-image
                 2.5 Nailalahad nang may paninidigan ang kanyang actual self
2.6 Nakikilala ang kanyang mga kahinaan bilang isang kabataan
               2.7 Nakababalangkas ng pamantayan sa pagpapaunlad ng sarili
               2.8 Nakatutugon sa mga hamon at suliraning pansarili sa
                   pamamagitan ng wastong pamamahala ng emosyon

               2.9 Napahahalagahan ang sekswalidad sa pamamagitan ng
                   pagpapaunlad ng itinakdang kasarian
                2.10 Nakabubuo ng pananaw sa kanyang real o true self


       Ikatlong Markahan

III.   ANG MGA PAGPAPAHALAGA AT MGA BIRTUD

            3. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga pagpapahalaga at mga birtud
               sa pagpapaunlad sa sarili

               3.1   Naipahahayag kung paano nalilinang ang pagpapahalaga
               3.2   Nakapagbibigay ng katibayan ng pagkakaroon ng pagpapahalaga
               3.3   Nailalarawan ang kalikasan ng pagpapahalaga
               3.4   Nahihinuha ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa birtud
               3.5   Nakikilala ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa paniniwala
                     (belief), ideals, saloobin (attitude)
               3.6   Naibibigay ang pagkakaiba ng mga pangunahing birtud
               3.7   Nailalarawan ang proseso ng pagpapahalaga (valuing process)
               3.8   Naipaliliwanag ang sistema ng pagpapahalaga (value system)
               3.9   Napatutunayan ang impluwensiya ng pagpapahalaga sa
                     pagpapaunlad ng sarili

       Ikaapat na Markahan

IV.    ANG PAGPAPASYA AT ANG PAGTATAKDA NG MITHIIN

            4. Nakagagawa ng makatotohanang pasya tungkol sa sariling
               mithiin sa buhay

               4.1 Napatutunayan na ang matalinong pagpapasya ay likas sa tao
               4.2 Natutukoy ang pamantayan sa paggawa ng matalinong pasya
               4.3 Nahihinuha na ang positibong pananaw ay nakatutulong sa
                   pagpapasya
               4.4 Nakikilala ang kahalagahan ng kaalaman sa real o true self sa
                   paggamit ng mithiin
               4.5 Nakapagtatakda ng makatotohanang mithiing pansarili sa
                   pamamagitan ng pagggamit ng matalinong pagpapasya
               4.6 Nakabubuo ng mga tiyak na hakbangin tungo sa pagkamit ng mga
                   itinakdang mithiin
4.7 Nahihinuha na ang pananampalataya sa Diyos ay mahalagang
             salik sa pagkamit ng mithiin
         4.8 Napahahalagahan ang sipag at tiyaga sa pagpapaunlad sa sarili
         4.9 Nakapagpapakita ng disiplina na makatutulong sa sariling pag-
             unlad




IKALAWANG TAON (Tema: Ang tao bilang panlipunang nilalang)

Unang Markahan

I.    ANG MAKABUKUHANG PAKIKIPAGKAPWA

      1. Naiuugnay ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang kabataan sa
         kakayahan sa pakikipagkapwa tao

         I.1 Nakikilala ang kahulugan at lawak ng kapwa
         I.2 Naipapaliwanag ang kahulugan ng ibat ibang antas ng
             pakikipagkapwa
         I.3 Nasusuri ang kahalagahan ng pakikipagkapwa
         I.4 Nailalahad ang mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng
             pakikipagkapwa
         I.5 Natutukoy ang ibat ibang uri ng komunikasyon kaugnay sa
             Pakikipagkapwa
         I.6 Nasusuri ang kahalagahan ng mabisang komunikasyon sa
             pakikipagkapwa
         I.7 Napahahalagahan ang mapanagutang pakikipagkapwa sa
             pamamagitan ng wastong pamamahala ng emosyon
         I.8 Nailalahad ang mga bunga ng di-wastong pamamahala ng
             emosyon
         I.9 Natutukou ang mga moral na batayan ng pakikipag-ugnayan sa
             katapat na kasarain


Ikalawang Markahan

II.   ANG PAMILYA BILANG UGAT NG PAKIKIPAGKAPWA

      2. Nakikibahagi sa pagpapaunlad ng katatagan ng pamilya

         II.1 Naipapaliwanag ang kalikasan at layunin ng pamilya
         II.2 Nakikilala ang impluwensiya ng pamilya sa paghubog ng pagkatao
         II.3 Natutukoy ang gampanin ng bawat kasapi sa pagpapaunlad ng
katatagan ng pamilya
         II.4 Naigagalang ang mga karapatan ng bawat kasapi ng pamilya
         II.5 Nakikilala ang tungkulin ng pamilya sa mapanagutang pagpili at
              paggamit ng media at information technology
         II.6 Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng dayalogo sa
              pagpapanatili ng kaaya-aya at mapayapang pagsasamahan sa
              pamilya
         II.7 Nakababalangkas ng mga konkretong paraan na
              makapagpapatibay sa katatagan ng sariling pamilya
         II.8 Nabibigyang-halaga ang sama-samang pagsisikap tungo sa pag-
              unlad ng pamilya
         II.9 Napatutunayan na ang pananampalataya sa Diyos ay matibay na
              sandigan ng Pamilyang Pilipino
         II.10 Nakikilala na ang katatagan ng pamilya ang sandigan ng isang
                 matatag na lipunan
Ikatlong Markahan

III.   MGA BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA SA PAKIKIPAGKAPWA

       3. Nakikilala ang pagpapahalagang paiiralin sa pakikipagkapwa sa
          angkop na pagkakataon

          III.1        Nakapagbibigay-kahulugan sa mga birtud at pagpapahalagang
                 kaugnay sa pakikipagkapwa
          III.2        Napatutunayan na ang katapatan ay mahalagang salik sa
                pakikipag-ugnayan sa kapwa
          III.3        Naipamamalas ang pang-unawa sa kapwa at sa ibat iabng
                pagkakataon
          3.4 Nakikita ang kalikasan ng Diyos sa pamamagitan ng
                 pagpapatawad sa nagkasala
          3.5 Napahahalagahan ang kapwa sa pamamagitan ng paggalang sa
                kanyang pagkatao
          3.6 Nahihinuha na sa makatwirang pagmamalasakit makikita ang
                tunay na diwa ng pakikipagkapwa
          3.7 Naipapakita ang awa (compassion) sa mga nangangailangan
          3.8 Napatutunayan na ang paglilingkod sa kapwa ay paglilingkod sa
                Diyos
          3.9 Nakikilala ang mga pagpapahalagang pil sa pakikipagkapwa na
                kailangang bigyan ng panibagong direksyon (Hal. utang na loob)
          3.10 Napatutunayang napakatatag ang pakikipagkapwa sa
                   pagsasabuhay ng birtud at pagpapahalaga


Ikaapat na Markahan

IV.    MGA ISYU AT SULIRANING KAUGNAY NG PAKIKIPAGKAPWA
4. Nakapagpapasya ng mga angkop na hakbangin sa paglutas ng mga isyu at
        suliraning kaugnay ng pakikipagkapwa

        IV.1        Nasusuri ang mga isyu at suliraning kinahaharap ng Pamilyang
            Pilipino
        4.2 Naipaliliwanag ang maaaring ibunga ng pagsasama nang di-kasal
        4.3 Nasusuri ang mga dahilan ng paghihiwalay ng ama at ina
        4.4 Natutukoy ang mga limitasyon sa pakikisama sa kapwa
        4.5 Nailalahad ang masamang bunga ng walang batayang usap-
            Usapan
        4.6 Napatutunayan na ang diskreminasyon ay kawalan ng
            pakikipagkapwa
        4.7 Nasusuri ang epekto ng panggigipit sa kapwa (Harassment)
        4.8 Naipapakita ang paggalang sa awtoridad sa pamamagitan ng
            wastong pagkilos at pananalita sa tamang pagkakataon
        4.9 Nakababalangkas ng makatwirang hakbangin sa paglutas ng mga
            isyung tungkol sa pakikipagkapwa
        4.10 Napauunlad ang kakayahang lutasin ang mga suliraning
              kaugnay sa pakikipagkapwa


IKATLONG TAON (Tema: Ang Tao sa Kanyang Gawain sa Mundo)


Unang Markahan

I.   ANG LIPUNAN: PARA SA TAO

     1. Natatanggap ang katotohanang ang lipunan ay nilikha para sa tao

        1.1 Nahihinuha na sa pamamagitan ng lipunan ang tao ay nagkakaroon ng
            kaganapan
        1.2 Nakikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga karapatan bilang
            mamamayan
        1.3 Nakikilala na ang bawat karapatan ay may kaakibat na pananagutan
        1.4 Nakababahagi sa mga gawaing nagtataguyod ng karapatang pantao
        1.5 Naipahahayag ang kaibahan ng moral at legal na kilos
        1.6 Nasusuri ang batas bilang batayan ng kaayusan sa lipunan
        1.7 Napatutunayan na nag pagsunod sa mga alituntunin ng lipunan ay
            pagpapakita ng disiplina at pagmamalasakit
        1.8 Naipapaliwanag na ang tunay na layunin ng lipunan ay para sa
            kabutihang panlahat
        1.9 Nagbubunsod ng mga hakbangin para sa pagpapaunlad ng lipunang
            kinabibilangan
Ikalawang Markahan

II.    ANG TAO BILANG MANGGAGAWA

       2. Napatutunayan na ang kaganapan ng tao ay makakamit sa pamamagitan ng
          makabuluhang paggawa

          2.1   Nasusuri ang kahulugan at moral na batayan ng paggawa
          2.2   Naipapahayag ang layunin ng paggawa
          2.3   Napatutunayan na mayroong dignidad sa paggawa
          2.4   Napahahalagahan ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity bilang
                pagkilala sa dignidad ng tao
          2.5   Napatutunayan na ang paggawa ay paglilingkod sa kapwa at sa Diyos
          2.6   Naipaliliwanag ang katuturan ng likas-kayang pag-uunlad (sustainable
                development)
          2.7   Nasusuri ang mga pamamaraan tungo sa likas-kayang pag-unlad
          2.8   Napahahalagahan ang mapanagutang paggawa sa pamamagitan ng
                wastong paggamit ng likas na yaman
          2.9   Nagagamit nang mapanagutan sa kanyang gawain ang mga
                pinagkukunang-yaman




Ikatlong Markahan

III.   MGA BIRTUD AT PAGPAPAHALAGANG KAUGNAY NG PAGGAWA

       3. Napauunlad ang mga birtud at mga pagpapahalagang may kaugnayan sa
          paggawa

          3.1 Natutukoy ang mga birtud at pagpapahalagang may kaugnayan sa
              paggawa
          3.2 Napahahalagahan ang positibong pananaw sa paggawa tungo sa
              katuparan ng magandang kinabukasan
          3.3 Napatutunayan na ang pagkamasigasig na may kalakip na adhikain ay
              salik sa pag-unlad
          3.4 Napangangatwiranan na ang katapatan sa paggawa ay magbibigay-daan
              sa isang mapayapang pamumuhay
          3.5 Nasusuri ang mga pagpapahalagang Pilipinong dapat panatilihin sa kabila
              ng modernisasyon
          3.6 Nakikilala ang mga pagpapahalagang Pilipino na kailangang bigyan ng
              panibagong direksyon bilang salik sa pagkakaisa at kaunlaran ng bansa
          3.7 Napahahalagahan ang wastong paggamit ng oras
3.8 Napauunlad ang pagiging malikhain sa ibat ibang gawain
         3.9 Naipakikita ang katatagan sa kabila ng mga balakid sa paggawa
         3.10 Natatanggap na ang mapanagutang paggawa ay isang handog
               sa Diyos


Ikaapat na Markahan

IV.   ANG PAGGAWA AT PAGPAPASYA

      4. Naipamamalas ang tamang pagpapasya kaugnay sa paggawa

         4.1 Naisasaalang-alang ang mahahalagang salik sa pagpili ng hanapbuhay o
             kurso sa kolehiyo
         4.2 Natutukoy ang sariling interes at natatanging potensyal kaugnay sa
             pagpili ng hanapbuhay o kurso sa kolehiya
         4.3 Nakikilala ang mga kasanayan na kinakailangan sa ibat ibang kurso sa
             kolehiyo at sa hanapbuhay
         4.4 Nakababalangkas ng mga paraan ng pagpapaunlad ng talino at
             kakayahan tungo sa kagalingan sa paggawa
         4.5 Napahahalagahan ang kahusayan (excellence) sa pamamagitan ng
             pagpapakita ng mabuting kalidad ng gawa
         4.6 Naipamamalas ang paghanga sa mga taong naging matagumpay bunga
             ng mabuting paggawa
         4.7 Napahalagahan ang mga gawaing magbibigay-daan sa pagkakamit ng
             mabuting hinaharap




IKAAPAT NA TAON (Tema: Ang Moral na Pagkatao)


Unang Markahan

I.    ANG MORAL AT ISPIRITWAL NA DIMENSIYON NG TAO

      1. Napahahalagahan ang buhay na kaloob ng Diyos

         1.1 Nakikilala ang kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos
         1.2 Natatanggap na ang buhay ang pinakadakilang kaloob ng Diyos
             sa tao
         1.3 Nakikilala na ang tao ay isang moral at ispiritwal na nilalang
         1.4 Nasusuri ang mga kapangyarihang ipinagkaloob ng Diyos sa Tao
             (intellect at will)
         1.5 Napatutunayan na ang Natural Law at Divine Moral Law ay
pamantayang gabay sa maayos na pamumuhay
          1.6 Nasusuri ang mga paraan ng ibat ibang relihiyon tungo sa
              pagpapabuti ng ugnayan ng tao sa Diyos
          1.7 Naisasabalikat ang pananagutan sa relihiyong kinabibilangan
          1.8 Napatutunayan na ang pananampalataya ay susi sa pag-unawa
              ng tao sa tunay na kahulugan ng buhay
          1.9 Natatanggap na nasa pagsasabuhay ang tunay na diwa ng
              ispiritwalidad
          1.10 Naipakikita ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa mga
               gawaing nakatutulong sa kapwa at kapaligiran


Ikalawang Markahan

II.    ANG MORAL NA KILOS
II
       2. Naipamamalas na ang kilos at pasya ng tao ay mapauunlad ng
          kanyang kaalaman ng moral na pundasyon nito

          II.1 Naipaliliwanag ang kahulugan ng anim na pangunahing
               pagpapahalaga (core moral values)
          II.2 Nakikilala ang pamantayan ng moral na kilos
          II.3 Naisasaalang-alang ang prinsipyo ng pakikibahagi sa paggawa ng
               masama (cooperation in evil) sa moral na pagkilos at pagpapasya
          II.4 Nakapagpapamalas ng mapanuring pag-iisip sa mga ikinikilos ng
               mga tao sa kanyang paligid batay sa pamantayang moral
          II.5 Nasusuri ang kawastuhan ng intensiyon, kilos, at pasya ayon sa
               panloob na salik nito (conscience)
          II.6 Nakikilala ang kahalagahan ng kapanatagan ng loob (inner peace)
               sa gitna ng suliranin, pagsubok at alalahanin
          II.7 Nakapagpapakita ng mataas na pamantayang moral sa pagiging
               mapanagutan sa kilos at pasya (accountability to ones actions)
          II.8 Naitatalaga ang sarili sa pagsunod sa mga pamantayang moral na
               nakapagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa


Ikatlong Markahan

III.   MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NA MAKAPAG-AANGAT SA ANTAS
       NG MORALIDAD

       3. Nalilinang ang mga pagpapahalaga at birtud na makapag-aangat
          sa antas ng moralidad

          3.1 Natutukoy ang mga pagpapahalaga at birtud na makapag-aangat
              sa antas ng moralidad
3.2 Nakapagtataguyod sa kalinisan ng puri (Chastity) bilang paggalang
             sa dangal ng tao
         3.3 Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagiging
             tapat sa salita at gawa
         3.4 Napatutunayan na ang katatagan ng kalooban (Fortitude) ay
             nasusubok sa pagharap sa hamon ng buhay
         3.5 Nakikilala na ang matalinong paghusga (Prudence) ay
             mahalagang salik ng pagkakasundo
         3.6 Nahihinuha ang kahalagahan ng pagtitimpi o pagpipigil sa lahat ng
             pagkakataon (Temperance)
         3.7 Naipakikita ang kahalagahan ng kaayusang pansarili (personal
             ecology) sa pagkakaroon ng organisadong kapaligiran
         3.8 Napatutunayan na ang tunay na kaligayahan ay nababatay sa
             simpleng pamumuhay
         3.9 Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng pagsunod sa batas at
             kaayusan (Obedience to law and order)
         3.10 Napahahalagahan ang pandaigdigang pagkakaisa (Global
               Solidarity) sa pamamagitan ng paggalang sa dignidad at
               karapatan ng kapwa


Ikaapat na Markahan

IV.   MGA ISYUNG MORAL SA MAKABAGONG PANAHON

      4. Nakagagawa ng matalino at tamang pagpapasya sa mga isyung moral
III      sa kasalukuyang panahon

        4.1 Nasusuri ang mga isyung moral sa kasalukuyang panahon
        4.2 Naisasa-alang-alang ang kasagraduhan ng buhay laban sa mga
            isyu katulad ng aborsiyon, genetic engineering, atbp.
        4.3 Naigagalang ang seswalidad (human sexuality) bilang banal na
            instrumento ng Diyos sa pakikiisa ng tao sa paglalang (Pro-
            creation, Pre-marital sex, Live-in, Homosexual union,
            Prostitusyon)
        4.4 Nakapagmumungkahi ng solusyon sa mga isyung may kinalaman
            sa paggamit ng kapangyarihan (graft and Corruption)
        4.5 Nakababahagi ng konkretong solusyon sa mga isyu ukol sa
             kapaligiran
        4.6 Naisasaayos ang mga material na biyayang handog sa tao
            (Hedonism, Consumerism)

         4.7 Naigagalang ang karapatan at dignidad ng tao sa mga isyung
             tulad ng Child labor, Slavery , atbp.
         4.8 Nakabubunsod ng mga proyektong magbibigay-solusyon sa mga
             isyu sa pagmamay-aring intelektuwal
Edukasyon sa pagpapahalaga i

More Related Content

Edukasyon sa pagpapahalaga i

  • 1. SAKLAW AT PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA ARALIN SA BAWAT LINGGO (10 LINGGO) NG BAWAT MARKAHAN UNANG TAON (Tema: Ang Tao Bilang Nilalang) Unang Markahan I.1.1.1.1.1 Ang Kalikasan ng Tao 1.1 Mga Paniniwala sa Paglikha sa tao 1.2 Ang Material at Ispiritwal na Dimensiyon ng Tao 1.3 Ang Kaibahan ng Tao sa Ibang Nilalang 1.4 Ang Intellect at Will 1.5 Ang Konsiyensya: Kahulugan, Kalikasan at Uri 1.6 Paggamit ng Konsiyensiya sa Makatwirang Pagkilos 1.7 Ang Tao Bilang Nilikhang may Dignidad. 1.8 Ang Layunin ng Tao sa Buhay a. Pagpapaunlad ng Sarili b. Pag-iingat ng Kapaligiran c. Paglilingkod sa Kapwa at Diyos 1.9 Mga Kilos at Gawi ng Taong may Dangal 1.10 Mga Gawaing Nagtataguyod ng Kaganapan ng Pagkatao Ikalawang Markahan II. Pagkilala sa Sariling Pagkatao II.1 Katangian ng Kabataan II.2 Pagkilala ng Mga Kakayahan at Hilig II.3 Ang Self-image, Reputasyon, Actual Self, at Real o True Self II.4 Pagbuo ng Sariling Self-image II.5 Pagkilala ng Actual Self II.6 Pagkilala ng mga Kahinaan Bilang kabataan II.7 Pamantayan sa Pagpapaunlad ng Sarili II.8 Wastong Pamamahala ng Emosyon II.9 Pagpapaunlad ng Itinakdang Kasarian II.10 Pananaw sa Real o True Self
  • 2. Ikatlong Markahan III. Ang Mga Pagpapahalaga at Mga Birtud III.1 Paano Nalilinang ang Pagpapahalaga III.2 Mga Katibayan ng Pagkakaroon ng Pagpapahalaga III.3 Ang Kalikasan ng Pagpapahalaga III.4 Ang Pagkakaiba ng Pagpapahalaga sa Birtud III.5 Ang Pagpapahalaga, Paniniwala (Belief), Ideals, Saloobin (Attitude) III.6 Ang mga Pangunahing Birtud III.7 Ang Proseso ng Pagpapahalaga III.8 Ang Sistema ng Pagpapahalaga III.9 Ang Impluwensiya ng Pagpapahalaga sa Pagpapaunlad ng Sarili Ikaapat na Markahan IV. Ang Pagpapasya at Ang Pagtatakda ng Mithiin IV.1 Matalinong Pagpapasya: Likas sa Tao IV.2 Mga Pamantayan sa Paggawa ng Matalinong Pasya IV.3 Ang Kahalagahan ng Positibong Pananaw sa Pagpapasya IV.4 Ang kahalagahan ng Kaalaman sa Real o True Self sa Pagkamit ng Mithiin IV.5 Pagtatakda ng Makatotohanang Mithiing Pansarili IV.6 Pagbuo ng Hakbangin sa Pagkamit ng Mithiin IV.7 Pananampalataya sa Diyos: Mahalagang salik sa Pagkamit ng Mithiin IV.8 Ang Kahalagahan ng Sipag at Tiyaga sa Pagpapaunlad sa Sarili IV.9 Ang Disiplina at Sariling Pag-unlad IKALAWANG TAON : (Tema: Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang) Unang Markahan I. Ang Makabuluhang Pakikipagkapwa 1.1 Kapwa: Kahulugan at Lawak 1.2 Mga Antas ng Pakikipagkapwa 1.3 Ang Kahalagahan ng Pakikipagkapwa 1.4 Ang Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng Pakikipagkapwa 1.5 Ang Mga Uri ng Komunikasyon sa Pakikipagkapwa 1.6 Ang Kahalagahan ng Mabisang Komunikasyon 1.7 Mga Bunga ng Di-Wastong Pamamahala ng Emosyon
  • 3. 1.8 Wastong Pamamahala ng Emosyon 1.9 Batayan ng Pakikipag-ugnayan sa Katapat na Kasarian Ikalawang Markahan II. Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa 2.1 Ang Kalikasan at Layunin ng Pamilya 2.2 Ang Impluwensiya ng Pamilya sa Paglinang ng Pakikipagkapwa 2.3 Ang Gampanin ng Kasapi ng Pamilya 2.4 Paggalang sa Karapatan ng Bawat Kasapi ng Pamilya 2.5 Mapanagutang Pagpili at Paggamit ng Media at Information Technology: Tungkulin ng Pamilya 2.6 Kahalagahan ng Dayalogo sa Pamilya 2.7 Mga Paraan sa Pagpapatibay sa Katatagan ng Pamilya 2.8 Sama-samang Pagsisikap Tungo sa Katatagan ng Pamilya 2.9 Pananampalataya sa Diyos: Sandigan ng Pamilyang Pilipino Matatag na Pamilya: Sandigan ng Matatag na Lipunan Ikatlong Markahan III. Mga Birtud at Pagpapahalaga sa Pakikipagkapwa 3.1 Kahulugan ng mga Birtud at Pagpapahalaga sa Pakikipagkapwa 3.2 Katapatan: Mahalagang Salik sa Pakikipagkapwa 3.3 Pang-unawa sa Kapwa 3.4 Pagpapatawad sa Nagkasala 3.5 Paggalang sa Pagkatao ng Kapwa 3.6 Pagmamalasakit sa Kapwa 3.7 Pagpapakita ng Awa (Compassion) sa Kapwa 3.8 Paglilingkod sa Kapwa 3.9 Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Pakikipagkapwa 3.10 Pagpapatatag ng Pakikipagkapwa Ikaapat na Markahan IV. Mga Isyu at Suliraning Kaugnay ng Pakikipagkapwa 4.1 Mga Isyu at Suliranin Tungkol sa Pamilyang Pilipino 4.2 Ang Pagsasama ng Di-Kasal 4.3 Mga Dahilan ng Paghihiwalay ng Ama at Ina
  • 4. 4.4 Mga Limitasyon sa Pakikisama sa Kapwa a. Peer Pressure b. Fraternity c. Barkadahan d. Gang, atbp. 4.5 Mga Bunga ng Walang Batayang Usap-usapan 4.6 Diskriminasyon sa Pakikipagkapwa 4.7 Ang Epekto ng Pangigipit (Harassment) sa Kapwa 4.8 Paggalang sa Awtoridad 4.9 Mga hakbangin sa Paglutas sa mga Isyu Tungkol sa Pakikipagkapwa IKATLONG TAON : (Tema: Ang Tao sa Kanyang Gawain sa Mundo) Unang Markahan I. Ang Lipunan; Para sa Tao 1.1 Lipunan: Katuturan at Kahalagahan 1.2 Kahalagahan ng Mga Karapatan ng Mamamayan 1.3 May Pananagutang Kaakibat ang mga Karapatan 1.4 Gawaing Nagtataguyod sa Karapatang Pantao 1.5 Ang Moral at Legal na Kilos 1.6 Ang Batas: Batayan ng Kaayusan ng Lipunan 1.7 Kahalagahan Pagsunod sa mga Alituntunin at Batas 1.8 Lipunan : Para sa kabutihang Panlahat 1.9 Mga Hakbangin para sa Pagpapaunlad ng Lipunan Ikalawang Markahan II. Ang Tao Bilang Manggagawa 2.1 Paggawa: Kahulugan at Moral na Batayan 2.2 Layunin ng paggawa 2.3 Dignidad sa Paggawa 2.4 Prinsipyo ng Solidarity at Subsidiarity 2.5 Paggawa bilang paglilingkod sa kapwa at sa Diyos 2.6 Likas-kayang pag-unlad - Katuturan - Kahalagahan 2.7 Mga Pamamaraan Tungo sa Likas-kayang Pag-unlad 2.8 Ang Wastong Paggamit ng Likas na Yaman 2.9 Mapanagutang Paggamit ng Pinagkukunang-yaman
  • 5. Ikatlong Markahan III. Mga Birtud at Pagpapahalagang Kaugnay ng Paggawa 3.1 Mga Birtud at Pagpapahalagang may Kaugnayan sa Paggawa 3.2 Positibong Pananaw sa Paggawa 3.3 Pagmasigasig: Salik sa pag-unlad 3.4 Bunga ng Katapatan sa Paggawa 3.5 Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Paggawa na Dapat Panatilihin 3.6 Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Paggawa na Dapat Bigyan ng Panibagong Direksiyon 3.7 Wastong Paggamit ng Oras 3.8 Pagkamalikhain sa Gawain 3.9 Katatagan sa Paggawa 3.10 Mapanagutang Paggawa: Handog sa Diyos Ikaapat na Markahan III. Ang Paggawa at Pagpapasya 4.1 Mga Salik sa Pagpili ng Hanapbuhay o Kurso sa Kolehiyo 4.2 Imbentaryo ng sariling interes at potensiyal 4.3 Mga kasanayang kinakailangan sa Ibat-ibang kurso sa kolehiyo o Hanapbuhay 4.4 Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng Talino at Kakayahan 4.5 Kahalagahan ng Kahusayan (Excellence) sa Paggawa 4.6 Mga Taong Nagtagumpay Bunga ng Mabuting Paggawa 4.7 Mga Gawaing Magbibigay daan sa Pagkakamit ng Mabuting Hinaharap IKAAPAT NA TAON: (Tema: Ang Moral na Pagkatao) Unang Markahan I. Ang Moral at Ispiritwal na Dimensiyon ng Tao I.1 Ang Kapangyarihan ng Diyos I.2 Buhay: Kaloob ng Diyos I.3 Tao: Moral at Ispiritwal na Nilalang I.4 Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Intellect at Will I.5 Ang Natural Law at Divine Moral Law: Batayan ng Pagpapakatao I.6 Ibat Ibang Paraan ng Pagsamba at Paglilingkod sa Diyos I.7 Pagsasabalikat ng Alituntunin at Aral ng Ibat Ibang Relihiyon I.8 Ang Pananampalataya Bilang Susi ng Kahulugan ng Buhay
  • 6. I.9 Pagsasabuhay ng Pananampalataya I.10 Ang Tao Bilang Katiwala ng Kapwa at Kapaligiran Ikalawang Markahan II. Ang Moral na Kilos II.1 Ang Anim na Pangunahing Pagpapahalaga II.2 Pamantayan ng Moral na Kilos II.3 Prinsipyo ng Pakikibahagi sa Paggawa ng Masama II.4 Kilos: Kailan Tama, Kailan Mali II.5 Ang Panloob na Salik ng Kilos: Konsiyensiya II.6 Kapanatagan ng Loob sa Gitna ng Pagsubok II.7 Pananagutan sa Kilos at Pasya II.8 Mga Pamantayang Moral sa Pakikipagkapwa Ikatlong Markahan III. Mga Pagpapahalaga at Birtud na Makapag-aangat sa Antas ng Moralidad III.1 Ang Mga Pagpapahalaga at Birtud na Makapag-aangat sa Antas ng Moralidad III.2 Ang Pinagmulan ng Birtud: Mga Mabubuting gawi III.3 Katotohanan III.4 Katatagan ng Kalooban (Fortitude) III.5 Matalinong Paghusga (Prudence) III.6 Pagtitimpi (Temperance) III.7 Kaayusang Pansarili III.8 Simpleng Pamumuhay (Simple Living) III.9 Pagsunod sa Batas at Kaayusan (Obedience to Law and Order) III.10 Pandaigdigang Pagkakaisa (Global Solidarity) Ikaapat na Markahan IV. Mga Isyung Moral sa Kasalukuyang Panahon IV.1 Mga Isyung Kinakaharap sa Kasalukuyang Panahon IV.2 Mga Isyung May Kinalaman sa Kasagraduhan ng Buhay a. Aborsyon b. Euthanasia c. Genetic Engineering d. Terorismo IV.3 Mga Isyung May Kaugnayan sa Sekswalidad
  • 7. a. Pre-marital Sex b. Live-in c. Homosexual union d. Prostitusyon e. Child Abuse IV.4 Mga Isyung May Kinalaman sa Paggamit ng Kapangyarihan a. Graft at Corruption b. Nepotism IV.5 Mga Isyung May Kinalaman sa Kapaligiran a. Ecological Balance b. Illegal Logging IV.6 Isyu sa Pagmamay-aring Intelektuwal a. Intellectual Piracy IV.7 Mga Isyu Ukol sa Karapatan at Dignidad ng Tao a. Child Labor b. Slavery
  • 8. MGA PANLAHAT AT TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO UNANG TAON (Tema: Ang Tao Bilang Nilalang) Sa pagtatapos ng bawat markahan, inaasahang malilinang sa bawat mag- aaral ang mga sumusunod na mga panlahat at tiyak na kasanayang pampagkatuto: Unang Markahan I. ANG KALIKASAN NG TAO 1. Naiuugnay ang kaalaman sa kalikasan ng tao sa kanyang mithiin sa buhay 1.1 Naipaliliwanag ang mga paniniwala sa paglikha ng tao 1.2 Nakikilala na ang tao ay pinag-isang nilalang na may materyal at ispiritwal na dimensiyon 1.3 Naipakikita ang pagkakaiba ng tao sa ibang nilalang 1.4 Nakikilala ang pagkakaiba ng intellect sa will 1.5 Naipapahayag ang kalikasan at uri ng konsensiya 1.6 Naiuugnay ang paggamit ng konsensiya sa makatwirang pagkilos 1.7 Napatutunayan na ang tao ay nilikhang may dignidad 1.8 Naipahahayag nang maliwanag ang layunin ng tao sa kanyang buhay 1.9 Naipamamalas sa kilos at gawa ang pagkakaroon ng dangal 1.10 Naitatalaga ang sarili sa mga gawaing nagtataguyod sa kaganapan ng kanyang pagkatao Ikalawang Markahan II. PAGKILALA SA SARILING PAGKATAO 2. Natutuklasan ang sariling pagkatao 2.1 Nasusuri ang katangian ng isang kabataan 2.2 Nakililala ang kanyang mga kakayahan at hilig 2.3 Nakikilala ang pagkakaiba ng self-image, reputasyon, actual self at real o true self 2.4 Nakapagmumuni-muni tungkol sa kanyang self-image 2.5 Nailalahad nang may paninidigan ang kanyang actual self
  • 9. 2.6 Nakikilala ang kanyang mga kahinaan bilang isang kabataan 2.7 Nakababalangkas ng pamantayan sa pagpapaunlad ng sarili 2.8 Nakatutugon sa mga hamon at suliraning pansarili sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng emosyon 2.9 Napahahalagahan ang sekswalidad sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng itinakdang kasarian 2.10 Nakabubuo ng pananaw sa kanyang real o true self Ikatlong Markahan III. ANG MGA PAGPAPAHALAGA AT MGA BIRTUD 3. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga pagpapahalaga at mga birtud sa pagpapaunlad sa sarili 3.1 Naipahahayag kung paano nalilinang ang pagpapahalaga 3.2 Nakapagbibigay ng katibayan ng pagkakaroon ng pagpapahalaga 3.3 Nailalarawan ang kalikasan ng pagpapahalaga 3.4 Nahihinuha ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa birtud 3.5 Nakikilala ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa paniniwala (belief), ideals, saloobin (attitude) 3.6 Naibibigay ang pagkakaiba ng mga pangunahing birtud 3.7 Nailalarawan ang proseso ng pagpapahalaga (valuing process) 3.8 Naipaliliwanag ang sistema ng pagpapahalaga (value system) 3.9 Napatutunayan ang impluwensiya ng pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng sarili Ikaapat na Markahan IV. ANG PAGPAPASYA AT ANG PAGTATAKDA NG MITHIIN 4. Nakagagawa ng makatotohanang pasya tungkol sa sariling mithiin sa buhay 4.1 Napatutunayan na ang matalinong pagpapasya ay likas sa tao 4.2 Natutukoy ang pamantayan sa paggawa ng matalinong pasya 4.3 Nahihinuha na ang positibong pananaw ay nakatutulong sa pagpapasya 4.4 Nakikilala ang kahalagahan ng kaalaman sa real o true self sa paggamit ng mithiin 4.5 Nakapagtatakda ng makatotohanang mithiing pansarili sa pamamagitan ng pagggamit ng matalinong pagpapasya 4.6 Nakabubuo ng mga tiyak na hakbangin tungo sa pagkamit ng mga itinakdang mithiin
  • 10. 4.7 Nahihinuha na ang pananampalataya sa Diyos ay mahalagang salik sa pagkamit ng mithiin 4.8 Napahahalagahan ang sipag at tiyaga sa pagpapaunlad sa sarili 4.9 Nakapagpapakita ng disiplina na makatutulong sa sariling pag- unlad IKALAWANG TAON (Tema: Ang tao bilang panlipunang nilalang) Unang Markahan I. ANG MAKABUKUHANG PAKIKIPAGKAPWA 1. Naiuugnay ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang kabataan sa kakayahan sa pakikipagkapwa tao I.1 Nakikilala ang kahulugan at lawak ng kapwa I.2 Naipapaliwanag ang kahulugan ng ibat ibang antas ng pakikipagkapwa I.3 Nasusuri ang kahalagahan ng pakikipagkapwa I.4 Nailalahad ang mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa I.5 Natutukoy ang ibat ibang uri ng komunikasyon kaugnay sa Pakikipagkapwa I.6 Nasusuri ang kahalagahan ng mabisang komunikasyon sa pakikipagkapwa I.7 Napahahalagahan ang mapanagutang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng emosyon I.8 Nailalahad ang mga bunga ng di-wastong pamamahala ng emosyon I.9 Natutukou ang mga moral na batayan ng pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarain Ikalawang Markahan II. ANG PAMILYA BILANG UGAT NG PAKIKIPAGKAPWA 2. Nakikibahagi sa pagpapaunlad ng katatagan ng pamilya II.1 Naipapaliwanag ang kalikasan at layunin ng pamilya II.2 Nakikilala ang impluwensiya ng pamilya sa paghubog ng pagkatao II.3 Natutukoy ang gampanin ng bawat kasapi sa pagpapaunlad ng
  • 11. katatagan ng pamilya II.4 Naigagalang ang mga karapatan ng bawat kasapi ng pamilya II.5 Nakikilala ang tungkulin ng pamilya sa mapanagutang pagpili at paggamit ng media at information technology II.6 Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng dayalogo sa pagpapanatili ng kaaya-aya at mapayapang pagsasamahan sa pamilya II.7 Nakababalangkas ng mga konkretong paraan na makapagpapatibay sa katatagan ng sariling pamilya II.8 Nabibigyang-halaga ang sama-samang pagsisikap tungo sa pag- unlad ng pamilya II.9 Napatutunayan na ang pananampalataya sa Diyos ay matibay na sandigan ng Pamilyang Pilipino II.10 Nakikilala na ang katatagan ng pamilya ang sandigan ng isang matatag na lipunan Ikatlong Markahan III. MGA BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA SA PAKIKIPAGKAPWA 3. Nakikilala ang pagpapahalagang paiiralin sa pakikipagkapwa sa angkop na pagkakataon III.1 Nakapagbibigay-kahulugan sa mga birtud at pagpapahalagang kaugnay sa pakikipagkapwa III.2 Napatutunayan na ang katapatan ay mahalagang salik sa pakikipag-ugnayan sa kapwa III.3 Naipamamalas ang pang-unawa sa kapwa at sa ibat iabng pagkakataon 3.4 Nakikita ang kalikasan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapatawad sa nagkasala 3.5 Napahahalagahan ang kapwa sa pamamagitan ng paggalang sa kanyang pagkatao 3.6 Nahihinuha na sa makatwirang pagmamalasakit makikita ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa 3.7 Naipapakita ang awa (compassion) sa mga nangangailangan 3.8 Napatutunayan na ang paglilingkod sa kapwa ay paglilingkod sa Diyos 3.9 Nakikilala ang mga pagpapahalagang pil sa pakikipagkapwa na kailangang bigyan ng panibagong direksyon (Hal. utang na loob) 3.10 Napatutunayang napakatatag ang pakikipagkapwa sa pagsasabuhay ng birtud at pagpapahalaga Ikaapat na Markahan IV. MGA ISYU AT SULIRANING KAUGNAY NG PAKIKIPAGKAPWA
  • 12. 4. Nakapagpapasya ng mga angkop na hakbangin sa paglutas ng mga isyu at suliraning kaugnay ng pakikipagkapwa IV.1 Nasusuri ang mga isyu at suliraning kinahaharap ng Pamilyang Pilipino 4.2 Naipaliliwanag ang maaaring ibunga ng pagsasama nang di-kasal 4.3 Nasusuri ang mga dahilan ng paghihiwalay ng ama at ina 4.4 Natutukoy ang mga limitasyon sa pakikisama sa kapwa 4.5 Nailalahad ang masamang bunga ng walang batayang usap- Usapan 4.6 Napatutunayan na ang diskreminasyon ay kawalan ng pakikipagkapwa 4.7 Nasusuri ang epekto ng panggigipit sa kapwa (Harassment) 4.8 Naipapakita ang paggalang sa awtoridad sa pamamagitan ng wastong pagkilos at pananalita sa tamang pagkakataon 4.9 Nakababalangkas ng makatwirang hakbangin sa paglutas ng mga isyung tungkol sa pakikipagkapwa 4.10 Napauunlad ang kakayahang lutasin ang mga suliraning kaugnay sa pakikipagkapwa IKATLONG TAON (Tema: Ang Tao sa Kanyang Gawain sa Mundo) Unang Markahan I. ANG LIPUNAN: PARA SA TAO 1. Natatanggap ang katotohanang ang lipunan ay nilikha para sa tao 1.1 Nahihinuha na sa pamamagitan ng lipunan ang tao ay nagkakaroon ng kaganapan 1.2 Nakikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga karapatan bilang mamamayan 1.3 Nakikilala na ang bawat karapatan ay may kaakibat na pananagutan 1.4 Nakababahagi sa mga gawaing nagtataguyod ng karapatang pantao 1.5 Naipahahayag ang kaibahan ng moral at legal na kilos 1.6 Nasusuri ang batas bilang batayan ng kaayusan sa lipunan 1.7 Napatutunayan na nag pagsunod sa mga alituntunin ng lipunan ay pagpapakita ng disiplina at pagmamalasakit 1.8 Naipapaliwanag na ang tunay na layunin ng lipunan ay para sa kabutihang panlahat 1.9 Nagbubunsod ng mga hakbangin para sa pagpapaunlad ng lipunang kinabibilangan
  • 13. Ikalawang Markahan II. ANG TAO BILANG MANGGAGAWA 2. Napatutunayan na ang kaganapan ng tao ay makakamit sa pamamagitan ng makabuluhang paggawa 2.1 Nasusuri ang kahulugan at moral na batayan ng paggawa 2.2 Naipapahayag ang layunin ng paggawa 2.3 Napatutunayan na mayroong dignidad sa paggawa 2.4 Napahahalagahan ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity bilang pagkilala sa dignidad ng tao 2.5 Napatutunayan na ang paggawa ay paglilingkod sa kapwa at sa Diyos 2.6 Naipaliliwanag ang katuturan ng likas-kayang pag-uunlad (sustainable development) 2.7 Nasusuri ang mga pamamaraan tungo sa likas-kayang pag-unlad 2.8 Napahahalagahan ang mapanagutang paggawa sa pamamagitan ng wastong paggamit ng likas na yaman 2.9 Nagagamit nang mapanagutan sa kanyang gawain ang mga pinagkukunang-yaman Ikatlong Markahan III. MGA BIRTUD AT PAGPAPAHALAGANG KAUGNAY NG PAGGAWA 3. Napauunlad ang mga birtud at mga pagpapahalagang may kaugnayan sa paggawa 3.1 Natutukoy ang mga birtud at pagpapahalagang may kaugnayan sa paggawa 3.2 Napahahalagahan ang positibong pananaw sa paggawa tungo sa katuparan ng magandang kinabukasan 3.3 Napatutunayan na ang pagkamasigasig na may kalakip na adhikain ay salik sa pag-unlad 3.4 Napangangatwiranan na ang katapatan sa paggawa ay magbibigay-daan sa isang mapayapang pamumuhay 3.5 Nasusuri ang mga pagpapahalagang Pilipinong dapat panatilihin sa kabila ng modernisasyon 3.6 Nakikilala ang mga pagpapahalagang Pilipino na kailangang bigyan ng panibagong direksyon bilang salik sa pagkakaisa at kaunlaran ng bansa 3.7 Napahahalagahan ang wastong paggamit ng oras
  • 14. 3.8 Napauunlad ang pagiging malikhain sa ibat ibang gawain 3.9 Naipakikita ang katatagan sa kabila ng mga balakid sa paggawa 3.10 Natatanggap na ang mapanagutang paggawa ay isang handog sa Diyos Ikaapat na Markahan IV. ANG PAGGAWA AT PAGPAPASYA 4. Naipamamalas ang tamang pagpapasya kaugnay sa paggawa 4.1 Naisasaalang-alang ang mahahalagang salik sa pagpili ng hanapbuhay o kurso sa kolehiyo 4.2 Natutukoy ang sariling interes at natatanging potensyal kaugnay sa pagpili ng hanapbuhay o kurso sa kolehiya 4.3 Nakikilala ang mga kasanayan na kinakailangan sa ibat ibang kurso sa kolehiyo at sa hanapbuhay 4.4 Nakababalangkas ng mga paraan ng pagpapaunlad ng talino at kakayahan tungo sa kagalingan sa paggawa 4.5 Napahahalagahan ang kahusayan (excellence) sa pamamagitan ng pagpapakita ng mabuting kalidad ng gawa 4.6 Naipamamalas ang paghanga sa mga taong naging matagumpay bunga ng mabuting paggawa 4.7 Napahalagahan ang mga gawaing magbibigay-daan sa pagkakamit ng mabuting hinaharap IKAAPAT NA TAON (Tema: Ang Moral na Pagkatao) Unang Markahan I. ANG MORAL AT ISPIRITWAL NA DIMENSIYON NG TAO 1. Napahahalagahan ang buhay na kaloob ng Diyos 1.1 Nakikilala ang kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos 1.2 Natatanggap na ang buhay ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao 1.3 Nakikilala na ang tao ay isang moral at ispiritwal na nilalang 1.4 Nasusuri ang mga kapangyarihang ipinagkaloob ng Diyos sa Tao (intellect at will) 1.5 Napatutunayan na ang Natural Law at Divine Moral Law ay
  • 15. pamantayang gabay sa maayos na pamumuhay 1.6 Nasusuri ang mga paraan ng ibat ibang relihiyon tungo sa pagpapabuti ng ugnayan ng tao sa Diyos 1.7 Naisasabalikat ang pananagutan sa relihiyong kinabibilangan 1.8 Napatutunayan na ang pananampalataya ay susi sa pag-unawa ng tao sa tunay na kahulugan ng buhay 1.9 Natatanggap na nasa pagsasabuhay ang tunay na diwa ng ispiritwalidad 1.10 Naipakikita ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa mga gawaing nakatutulong sa kapwa at kapaligiran Ikalawang Markahan II. ANG MORAL NA KILOS II 2. Naipamamalas na ang kilos at pasya ng tao ay mapauunlad ng kanyang kaalaman ng moral na pundasyon nito II.1 Naipaliliwanag ang kahulugan ng anim na pangunahing pagpapahalaga (core moral values) II.2 Nakikilala ang pamantayan ng moral na kilos II.3 Naisasaalang-alang ang prinsipyo ng pakikibahagi sa paggawa ng masama (cooperation in evil) sa moral na pagkilos at pagpapasya II.4 Nakapagpapamalas ng mapanuring pag-iisip sa mga ikinikilos ng mga tao sa kanyang paligid batay sa pamantayang moral II.5 Nasusuri ang kawastuhan ng intensiyon, kilos, at pasya ayon sa panloob na salik nito (conscience) II.6 Nakikilala ang kahalagahan ng kapanatagan ng loob (inner peace) sa gitna ng suliranin, pagsubok at alalahanin II.7 Nakapagpapakita ng mataas na pamantayang moral sa pagiging mapanagutan sa kilos at pasya (accountability to ones actions) II.8 Naitatalaga ang sarili sa pagsunod sa mga pamantayang moral na nakapagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa Ikatlong Markahan III. MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NA MAKAPAG-AANGAT SA ANTAS NG MORALIDAD 3. Nalilinang ang mga pagpapahalaga at birtud na makapag-aangat sa antas ng moralidad 3.1 Natutukoy ang mga pagpapahalaga at birtud na makapag-aangat sa antas ng moralidad
  • 16. 3.2 Nakapagtataguyod sa kalinisan ng puri (Chastity) bilang paggalang sa dangal ng tao 3.3 Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagiging tapat sa salita at gawa 3.4 Napatutunayan na ang katatagan ng kalooban (Fortitude) ay nasusubok sa pagharap sa hamon ng buhay 3.5 Nakikilala na ang matalinong paghusga (Prudence) ay mahalagang salik ng pagkakasundo 3.6 Nahihinuha ang kahalagahan ng pagtitimpi o pagpipigil sa lahat ng pagkakataon (Temperance) 3.7 Naipakikita ang kahalagahan ng kaayusang pansarili (personal ecology) sa pagkakaroon ng organisadong kapaligiran 3.8 Napatutunayan na ang tunay na kaligayahan ay nababatay sa simpleng pamumuhay 3.9 Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng pagsunod sa batas at kaayusan (Obedience to law and order) 3.10 Napahahalagahan ang pandaigdigang pagkakaisa (Global Solidarity) sa pamamagitan ng paggalang sa dignidad at karapatan ng kapwa Ikaapat na Markahan IV. MGA ISYUNG MORAL SA MAKABAGONG PANAHON 4. Nakagagawa ng matalino at tamang pagpapasya sa mga isyung moral III sa kasalukuyang panahon 4.1 Nasusuri ang mga isyung moral sa kasalukuyang panahon 4.2 Naisasa-alang-alang ang kasagraduhan ng buhay laban sa mga isyu katulad ng aborsiyon, genetic engineering, atbp. 4.3 Naigagalang ang seswalidad (human sexuality) bilang banal na instrumento ng Diyos sa pakikiisa ng tao sa paglalang (Pro- creation, Pre-marital sex, Live-in, Homosexual union, Prostitusyon) 4.4 Nakapagmumungkahi ng solusyon sa mga isyung may kinalaman sa paggamit ng kapangyarihan (graft and Corruption) 4.5 Nakababahagi ng konkretong solusyon sa mga isyu ukol sa kapaligiran 4.6 Naisasaayos ang mga material na biyayang handog sa tao (Hedonism, Consumerism) 4.7 Naigagalang ang karapatan at dignidad ng tao sa mga isyung tulad ng Child labor, Slavery , atbp. 4.8 Nakabubunsod ng mga proyektong magbibigay-solusyon sa mga isyu sa pagmamay-aring intelektuwal