1. ARALING PANLIPUNAN VIII
MGA LIKAS NG YAMAN NG
TIMOG SILANGANG ASYA
G. Paul Eric Bacong
Guro sa A.P Jay-an Mae Castillon
Grade-VIII St. Bernadette
2. YAMANG LUPA
Nakabatay sa agrikultura ang ekonomiya ng maraming bansang Asyano. Mahigit
kalahating porsyento ng lupaing sa Asya ang ginagawang sakahan sa ngayon upang
makatugon sa pangangailangan ng lumalaking populasyon nito.
Saganan ang Timog Silangang Asya sa mga yamang lupa tulad nh kapatagan, mga
bundok, bulkan, burol (tulad ng Chocolate Hills sa Pilipinas), lambak, talampas,
baybayin, bulubundukin, pulo, yungib, tangway, at tangos dahil karamihan/halos
lahat ng bansa dito ay mga arkipelago.
Karaniwang ding inaalagang mga hayop sa rehiyon ang kalabaw, baka, baboy,
kabayo, kambing, at manok.
Matatagpuan sa Pilipinas ang tamaraw. Sagana rin ang bansa sa ibat ibang uri ng
reptilya at ibon.
4. YAMANG KAGUBATAN
Malawak ang kagubatan ng Timog Silangang Asya dahil sa klima nitong tropikal.
Dito madalas naninirahan ang mga halamang ligaw at mga mailap na hayop.
Nakikitaan rin ng mga mangroves ang mga rehiyong baybayin ng Timog Silangang
Asya.
Nakilala ang Malaysia sa produksyon nito ng goma mula sa rubber tree.
Malaking bahagi ng lupain ng Myanmar at Brunei ay kagubatan. Sa Brunei, sa halos
84% ng kagubatan naninirahan ang ibat ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile.
Matatagpuan sa kagubatan ng Myanmar ang pinakamaraming punong teak sa
buong mundo.
Iba pang mahahalagang puno tulad ng goma, cinchona, acacia, at niyog.
6. YAMANG TUBIG
Lahat ng uri ng anyong tubig sa daigdig ay tinataglay ng Asya. Itinuturing na yaman
ng Asya ang kanyang mga katubigan dahil sa mga kapakipakinabang na industriyal
nito. Mahalang rehiyong pangisdaan ang Timog Silangang Asya dahil dito makikita
ang karamihan ang mga industriya ng isda.
Mahalang industriya sa Japan ang pangingisda. Kilala ito sa pagluluwas ng mga de-
latang isda at pagprodyus ng mga cultured pearl.
Sa Pilipinas nagmumula ang malaking suplay ng tuna.
Kilala naman ang Kuala Rompin ng Malaysia bilang isa sa mga pinakamagandang
lugar sa paghuli ng isda sa Asya.
8. YAMANG MINERAL
Mayaman ang Asya sa lahat ng uri ng mineral,metal man o di-metal. Mula sa Asya
ang malaking porsyento ng mga mineral ng kailangan ng mga bansa sa daigdig
upang maisagawa ang kanilang mga gawaing industriyal.
Sagana ang rehiyong ito sa ibat ibang mineral tulad ng zircon, sapphire, ruby, asin,
manganese, marmol, tin, bauxite, tanso, at nickel. Sagana rin ito sa karbon, pilak,
ginto, diyamante, batong apog, gypsum, bakal, antimony, zinc, tungsten, tingga, jade,
chromium, cobalt, luwad,pati na rin sa phosphate.
Mayaman sa tungsten at malaki rin ang porsyento ng antimony sa China.
Malaki ang mga deposito ng langis at natural gas sa Indonesia. Karamihan nito ay
nasa silangang baybayin-dagat ng Sumatra at sa Kalimantan.