Simpleng babae lang ako. Madaling i-please, madali ring ma-dissapoint. Pero mas nangingibabaw ang pagiging masayahin. Sa halos lahat ng oras. Laging sinasabi ng mga kaybigan ko na mababaw nga daw ang kaligayahan ko. Anong magagawa ko? Mayron akong masayang pamilya, mga kaibigan na medyo luka-luka pero ubod ng sarap kasama, nakakapag-aral ako, may bahay, damit, nakakakain more than 3x a day at higit sa lahat, may God na laging andyan para sa akin............anong dahilan pero hindi ako maging masaya, diba??
Kung hobbies ang pag-uusapan, hindi ko na iisa-isahin yan. Ako kasi ang tipo ng taong hindi nawawalan ng bagay na gustong gawin. Kaya lahat ng maisipan kong gawin, habbit ko na yun.
We’ve updated our privacy policy so that we are compliant with changing global privacy regulations and to provide you with insight into the limited ways in which we use your data.
You can read the details below. By accepting, you agree to the updated privacy policy.