8. KABIHASNAN -
Tumutukoy sa isang pamayanan o paraan ng
pamumuhay ng tao na kinakikitaan ng mataas
na antas ng kalinangang kultural at maunlad
na lipunang may organisadong pamahalaan,
ekonomiya, sining at Sistema ng pagsulat.
9. Batayan ng Pagkakabuo ng Kabihasan
Lambak at Ilog
Pamahalaan
Relihiyon
Pagsulat
Ibat-ibang gawain
-tulad ng paghahabi ng tela, paggawa
ng palayok at iba pa.
10. LAMBAK at ILOG
Ang ilog ang nagbibigay ng pataba sa
lupa sa tuwing ito ay umaapaw sa
kalupaan.
Nagsisilbi din ang ilog bilang
transportasyon.
Ang pagkakaroon ng matabang lupa sa
mga lambak ang naghikayat sa mga tao
para manirahan at manatili na lamang sa
iisang lugar na naging dahilan ng
pagkakabuo ng mga pamayanan sa tabi
ng ilog.
11. PAMAHALAAN
Ang pagsasama ng mga pangkat
ng mga tao ay nagsisilbing isang
samahan o organisasyon, sa
pagkakaroon ng samahan o
organisasyon ito ay
nangangailangan ng lider, ito ang
naging dahilan para mabuo ang
konsepto ng pamahalaan.
Ito ang nagbibigay ng mga
patakaran, alituntunin at batas
para manatili ang kaayusan ng
isang samahaan o organisasyon.
12. RELIHIYON
Ang pagkakaroon ng relihiyon
ang nagsilbing dahilan para
magkaisa ang pangkat ng tao sa
iisang paniniwala.
Nagsilbi din itong gabay ng mga
pangkat ng mga tao tungo sa
maayos na pamumuhay.
Nagkaroon ng pagkakasundo at
pagkakaunawaan ang mga tao.
13. PAGSULAT
Ang pagkakaroon ng sistema ng
pagsusulat ay malaking bagay sa
pagkabuo ng isang pamayanan at
kabihasnan dahil ito ang naging
dahilan ng pag-unlad ng
komunikasyon.
Naging dahilan din ito para maitala
ang mga patakaran at batas ng
pinapatupad sa pamayanan.
Pinaunlad din nito ang edukasyon at
kaalaman ng mga tao.
14. IBAT-IBANG GAWAIN (PAGHAHABI NG TELA, PAGGAWA
NG PALAYOK AT IBA PA)
Ito ang naging dahilan para
umunlad ang mga pamayanan, dahil
sa pamamagitan ng mga gawaing
ito ay nagkaroon ng kalakalan.
Nagsilbi din itong libangan ng mga
tao habng naghihintay sa kanilang
pag-aani ng mga panananim.
Ito rin ang naging unang mga
industriyang naitayo.