Maaring sasang-ayon ka sa aking inay
Kung ako'y kanyang pagalitan at bulyawan,
Masasambit mong bigla "oo nga no"
Kung malaman mong gabi ko pala'y umaga.
Sa pusikit na daan, di ako takot tumahak,
Sa kantong basura ang tanging dekorasyon,
Mga paa ko'y di nangingiming yumapak,
Anupat ano'y sa Dilim pala'y may liwanag.
Maraming bagay na sa umaga'y di mo makita,
Na tanging sa gabi'y lubos na nalalantad,
Hubad na katotohanan sa umaga'y mailap,
Sa pagsapit ng dilim kusang nagpapahalata.
Nakakita ka na ba ng mga marurungis na pulubi,
Na sa mabahong basurahan, at bulok na tinapay,
Kanyang kakikitaan ng masarap na gabihan at agahan,
At sa putikang daan, katumbas pa ang marangyang kama.
Nakalanghap
We’ve updated our privacy policy so that we are compliant with changing global privacy regulations and to provide you with insight into the limited ways in which we use your data.
You can read the details below. By accepting, you agree to the updated privacy policy.