2. Tugma
Pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng
dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong
ng tula.
Pag-uulit ang namamayaning prinsipyo sa
pagtutugma. Nauulit ang dulong tunog ng
panghuling salita ng sinundang taludtod.
3. Mga uri ng Tugmang Pantig
Walang Impit magkayugma ang
anumang dalawa o higit pang salita
nagtatapos sa iisang patinig na walang
impit o glotal na pasara.
May Impit - magkayugma ang anumang
dalawa o higit pang salita nagtatapos sa
iisang patinig na may impit o glotal na
pasara.
4. Mga uri ng Tugmang Katinig
Mahina magkatugma ang anumang dalawa o higit
pang salitang magkatulad ang patinig ng huling
pantig at ang pinakadulong ponemang katinig ay
alinman sa l, m, n, ng, r,w,y.
Malakas- magkatugma ang anumang dalawa o higit
pang salitang magkatulad ang patinig ng huling
pantig at ang pinakadulong ponemang katinig ay
alinman sa b, k, d, g, o, s, t.
5. Mga antas ng tugma
Payak o karaniwan pag-uulit ng dulong-tunog ng salita,
malumanay man o mabilis o malumi man o maragsa ang bigkas
ng mga salita.
Tudlikan isinasaalang-alang ang bigkas ng salita.
Pantigan bigkas at pagkakapareho ng dulong patinig-katinig
o katinig-patinig ng mga pinagtutugmang salita ang
isinasangalang-alang dito.
Dalisay pagkakapareho ng bigkas at dulong PK o KP at patinig
bago ang huling pantig ng mga pinagtutugmang salita.
6. Sukat
Pagkakapare-pareho ng bilang ng
pantig ng dalawa o higit pang
taludtod sa isang saknong ng tula.
Pag-uulit ang namamayaning
prinsipyo sa pagsusukat. Bilang ng
pantig ang inuulit.