8. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba
sayo.
Explanation:
Kapag nakasasama sa iyo,nakakasama rin ito sa iba.Kapag
nakakabuti sa iyo,nakakabuti rin ito sa iba.Bakit?dahil sila ay
iyong kapwa tao.
Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao.Ito ang tunay
na mensahe ng gintong aral o Golden Rule.Nilikha ng diyos
ang lahat ng tao ayong sa kanyang wangis.Amg dignidad ng
tao ay mula sa diyos;kaya ito ay likas sa tao.Hindi ito nilikha
ng lipunan at ito ay pangkalahatan.Lahat ng tao ay mayroong
dignidad.
9. DIGNIDAD
Ang dignidad ay gaing sa salitang Latin na
dignitas,mula sa dignus,na ang ibig-sabihin ay
karapat-dapat.Ang dignidad ay nangangahulugang
pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kaniyang kapwa.
Lahat ng tao,anu man ang kanyang
gulang,anyo,antas,ng kainangan at kakayahan.ay
may dignidad.
10. Dahil sa Dignidad,lahat ay
nagkakaroon ng karapatan na
umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makakasama sa
ibang tao.Nangingibabaw ang
paggalang at respeto sa kapwa
tao o kahit kanino.
11. Saan ngayon nagkakapantay
pantay ang tao?
Ang pagkakapantay pantay
ng tao ay nakatuon sa
dignidad bilang tao at
karapatan na dumadaloy
mula rito.
12. KATANGIAN NG TAO NA NAKAKAPAG
BUKOD TANGI:
Isip na nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa ng
konsepto
Mangatwiran
Magmunimuni
Pumili ng Malaya
May likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang
kaniyang sarili gamit ito.Hindi man nagagamit ito na ilang
tao katulad ng mga bata,pagiging bukod-tangi ang mabigat
na dahilan ng kaniyang dignidad.
13. Ayon kay Propesor Patrick Lee,ang dignidad ang
pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao
ang sumusunod:
1.Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
2.Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago
kumilos.
3.Pakitunguhan ang kapwa ayon sa nais mong gawin
nilang pakikitungo sa iyo.
14. Paano mo maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa
dignidad ng isang tao?
Pahalagahan mo ang tao bilang tao.
Ang paggalang at Pagpapahalaga sa dignidad ng tao
ay ib inibigay hanggat siya ay nabubuhay.
15. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao
habang siya ay nabubuhay
Dapat ay patuloy mong isinasaalang alang ang
hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong
kapwa.
Halimbawa:
Ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat
walang hinihintay na kapalit(unconditional).Hindi
nararapat na mabawasan ang paggalang ng anak sa
magulang kapag sila ay tumanda na at naging
mahina.
Hindi siya isang bagay upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari.Lalong hindi dahil siya ay nagtatagalay ng mga katangiang mapakikinabangan.May mga taong nagiging makasarili na ang tingin sa isang tunay na saysay o halaga ng kaniyang kapwa ay batay sa pakinabng na maaari nilang makuha mula rito.Hindi nawawala ang pagiging tao at ang aniyang dangal dahil sa pagtanda.Hindi sila isang bagay na itatapon o isasantabi na lamang kung luma na at walang pakinabang.
Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao habang siya ay nabubuhay
Dapat ay patuloy mong isinasaalang alang ang hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa.