"Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang (ng writer) pahintuin ang dyip... pabuhusin ang ulan... ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan." Ricky Lee, Para Kay B.
Ako po si Romel Leal Santiago na kilala ninyong lahat bilang si LEM. Minsan na akong tinawag na Melong, Choc at Third.
Itinuturing kong pormal na umpisa ng aking buhay ang tutuntong ako sa edad na beinte y singko. Twenty five years old. Dalawampu't limang taong gulang.
Napakarami ko nang naranasan na humubog sa aking utak at aking puso. Oo. Alam ko't naniniwala akong nagma-mature na ako.
Mahilig ako sa kape. Di baleng hindi kumain, basta may umuusok na kape sa aking harapan ay solb na s