1. *Bilugan ang tamang pandiwa sa loob ng panaklong.
1. Si nanay ay ( nagluluto, nagluto, magluluto) ng aming pagkain araw-araw.
2. (Nagsayaw, Nagsasayaw, Magsasayaw) si Maris habang umaawit si Ben.
3. Mamaya na raw siya (kumain, kumakain, kakain) ng almusal.
4. Napalundag sa tuwa si Lorna dahil (nanalo, nananalo, mananalo) siya sa lotto.
5. Bukas na sila (umalis, umaalis, aalis) patungong Italy.
6. Sina Mila at Mar ay (nag-aaral, nag-aral, mag-aaral) ng kanilang leksyon araw-araw.
7. Sama-samang (nagdasal, nagdarasal, magdarasal) ang mag-anak tuwing gabi.
8. Hindi pa ako (kumain, kumakain, kakain) simula kaninang umaga.
*Isulat sa mga sumusunod na hanay ng pandiwa ang mga salitang ito.
Salita Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
kain kumain kumakain kakain
gawa nagawa nagagawa magagawa
bigay nagbigay nagbibigay magbibigay
basa nagbasa nagbabasa magbabasa
dasal nagdasal nagdarasal magdarasal
simba nagsimba nagsisimba magsisimba
tulong nagtulong nagtutulong magtutulong
awit umawit umaawit aawit
alaga nag-alaga nag-aalaga mag-aalaga
laro naglaro naglalaro maglalaro
sayaw nagsayaw nagsasayaw magsasayaw
tayo nagtayo nagtatayo magtatayo
inom uminom umiinom iinom
aral nag-aral nag-aaral mag-aaral
luto nagluto nagluluto magluluto
tanim nagtanim nagtatanim magtatanim
2. dating nagdating nagdadating magdadating
lakad naglakad naglalakad maglalakad
iyak umiyak umiiyak iiyak
tawag tumawag tumatawag tatawag
*Isulat sa patlang ang titik na may tamang kahulugan.
_________1. sagisag a. pangasiwaan o ingatan
_________2. matatag b. monumento
_________3. tangkilikin c. bagay na kumakatawan o
simbolo
_________4. bantayog d. matibay
_________5. inaasikaso e. ipagmalaki
_________6. kasapi f. itaguyod
_________7. pangalagaan g. inaalagaan o kinakalinga
_________8. ipagkapuri h. kaanib o miyembro