4. Wika - Arabic, English, French,
Kurdish, Circassia at Arabic
Relihiyon- Sunni Muslim, Muslim, at
Kristiyano
Kultura at Tradisyon ng Syria
10. 1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, May
taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong
sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2)
Kayat ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, Ano ba
itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin. 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, Ano
ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na
ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay
may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
11. 5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa
kaniyang amo. Tinanong niya ang una, Magkano ang utang
mo sa aking amo? 6) Sumagot ito, Isandaang
tapayang langis po. Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang. Dali! Maupo kat palitan mo, gawin mong
limampu, sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang
isa, Ikaw, gaano ang utang mo? Sumagot ito, Isandaang
kabang trigo po. Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang, sabi niya. Isulat mo, walumpu. 8) Pinuri ng
amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas
nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay
gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng
mga bagay ng mundong ito.
12. 9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, Kayat
sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa
upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa
maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking
bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin
sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito,
sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At
kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba,
sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
13. 13) Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa
dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at
iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at
hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng
sabay sa Diyos at sa kayamanan. 14) Nang marinig ito ng
mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa
salapi. 15) Kayat sinabi niya sa kanila, Nagpapanggap
kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos
ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing
na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng
Diyos.