際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
ARALING PANLIPUNAN 6
IKALAWANG MARKAHAN
WEEK 2 DAY 1
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa
sa pamamahala at mga pagbabago sa lipunang
Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at
ng pananakop ng mga Hapon at ang pagpupunyagi
ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa
pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at
pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
B. Pamantayang Pagganap
Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at
pagpapahalaga sa konteksto,dahilan, epekto at
pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano
at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagmamalaki
sa kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino
namakamit ang ganap na kalayaan tungo sa
pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at
pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may
kinalaman sa unti-unting pagsasalin ng
kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa
pagsasarili.
-Komisyong Schurman
AP6KDP-IId-3 3.1
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
Pagsisismula ng bagong
aralin
KOMISYONG-SCHURMAN-AP6-WEEK3
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
.
Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may
kinalaman sa unti-unting pagsasalin ng
kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili.
-Komisyong Schurman
Sabihin: Mga bata, tutukuyin ninyo kung sino
ang nasa larawan sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga titik na hawak ninyo.
JACOB SCHURMAN
WILLIAM MCKINLEY
C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin
Gawain: Pag - usapan Natin!
1. Sino ang nasa larawan mga bata?
2. Ano kaya ang kanilang kinalaman
sa ating aralin ngayon?
Sabihin: Upang pag-aralan ang kalagayan ng
kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas at
magbigay ng mungkahi sa gobernador tungkol
sa pagbubuo ng mga patakaran, nagpadala si
Pangulong William McKinley ng dalawang
komisyon sa Pilipinas. Isa dito ang Komisyong
Schurman na pinamunuan ni Dr. Jacob G.
Schurman.
ALAMIN!
Komisyong Schurman
Ito ay komisyong gustong siyasatin at
alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang
maging batayan ng mga planong
pagbabago na gagawin ng United States, at
magmungkahi ng mga patakarang paiiralin
sa bansa.
Kilala rin ito bilang Unang Komisyon ng
Pilipinas o First Philippine Commission.
Nagpasiya si McKinley na magkaroon ng
patakaran ukol sa Pamamahala ng
Pilipinas. Kayat ginawa niya ang
Komisyong Schurman noong Enero 20,
1899.
Ang Nahalal na pangulo ay si Dr.Jacob
Schurman at ang mga kasapi nito ay sina
Admiral George Dewey , Major Elwell S.
Otis , Charles Denby , at Dr. Dean c.
Worcester.
Dumating ang Komisyong Schurman sa Maynila
noong Marso 4, 1899. Layunin ng komisyong ito na:
A. Maghatid ng mensahe ng kagandahang-loob sa
mga Pilipino
B. Magsiyasat sa kalagayan ng kapayapaan at
kaayusan ng bansa
C. Magmungkahi sa pangulo ng Estados Unidos
tungkol sa uri ng pamahalaang dapat itatag sa
bansa.
Nang bumalik sa Estados Unidos ang
komisyon, nag-ulat it kay Pangulong
William McKinley noong ika-31 ng Enero
1900 na ang bumalik sa Estados Unidos
ang komisyon, nag-ulat it kay Pangulong
William McKinley noong ika-31 ng Enero
1900 na ang mga Pilipino ay hindi pa handa
sa pagsasarili.
Ang mula sa mga pagsisiyasat ng
Komisyong Schurman ay nakabuo ito ng
mga sumusunod na mungkahi.
1. Pag-aalis ng pamahalaang militar sa mga
lugar na payapa at tahimik na.
2. Ang Pamahalaang Sibil ang maaari nang itatag
sa Pilipinas kapalit ng Pamahalaang Militar.
3. Pagbuo ng tagapagbatas bilang sangay ng
pamahalaan.
4. Pagtatatag ng mga pamahalaang lokal.
5. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa
lahat.
6. Pangangalaga sa likas na yaman.
7. Pagbibigay ng walang bayad na edukasyon sa
elementarya.
8. Paghirang ng mga taong may mabuting
kalooban sa mahahalagang tungkulin sa
pamahalaan.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1
Talakayin ang paksang pinagusapan.
Sagutin ang mga tanong sa tulong ng
mga gabay na tanong.(gawin sa loob ng 8
minuto) (Reflective Approach)
Ano ang kauna-unahang komisyon ang
ipinadala sa Pilipinas ng Estados
Unidos?
Sino ang namuno sa Komisyong
Schurman?
Kailan ito dumating sa Pilipinas?
Sino-sino ang mga kasama ni Dr. Jacob
Schurman sa komisyong ito?
Ano ang layunin ng Komisyong
Schurman?
Anu-ano ang mga naging mungkahi ng
Komisyong Schurman matapos ang
pagsisiyasat nito sa Pilipinas?
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment)
Sagutan ang sumusunod. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Sino ang pangulo ng Estados Unidos ang
nagpadala ng mga komisyon sa Pilipinas
upang siyasatin ang kalagayan nito?
A. William McKinley
B. Jacob Schurman
C. Wesley Merritt
D. George Dewey
2. Ang sumusunod ay layunin ng
pagpapadala ng komisyong schurman sa
Pilipinas, maliban sa isa. Alin ito?
A. Maghatid ng mensahe ng
kagandahang-loob sa mga Pilipino
B. Magsiyasat sa kalagayan ng
kapayapaan at kaayusan ng bansa
C. Magmungkahi sa pangulo ng Estados
Unidos tungkol sa uri ng pamahalaang
dapat itatag sa bansa.
D. Magsiyasat sa yaman ng Pilipinas.
3. Kailan dumating sa Pilipinas ang kauna-
unahang komisyong pinamunuan ni
Jacob Schurman?
A. Marso 4, 1899
B. Enero 31, 1900
C. Enero 20, 1899
D. Marso 4, 1900
4. Anong uri ng pamahalaan ang ipapalit sa
pamahalaang militar?
A. Pamahalaang Demokratiko
B. Pamahalaang Sibil
C. Pamahalaang Militar
D. Pamahalaang Lokal
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
mungkahing nabuo ng Komisyong Schurman?
A. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa
lahat.
B. Pangangalaga sa likas na yaman.
C. Pagbibigay ng walang bayad na edukasyon sa
elementarya.
D. Paghirang ng mga taong may matatalino at
magaling mamuno sa mahahalagang tungkulin
sa pamahalaan.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
Sa kasalukuyang panahon, kung ikaw ang
magpapadala ng isang komisyon, ano ang
magiging layunin mo sa pagpapadala nito?
Bakit? Ipaliwanag. Isulat ito sa (gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective
Approach/Constructivist Approach)
H. Paglalahat ng aralin
Komisyong Schurman
Ito ay komisyong gustong siyasatin at
alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang
maging batayan ng mga planong pagbabago
na gagawin ng United States, at
magmungkahi ng mga patakarang paiiralin
sa bansa.
Kilala rin ito bilang Unang Komisyon ng
Pilipinas o First Philippine Commission.
Nagpasiya si McKinley na magkaroon ng
patakaran ukol sa Pamamahala ng
Pilipinas. Kayat ginawa niya ang
Komisyong Schurman noong Enero 20,
1899.
Ang Nahalal na pangulo ay si Dr.Jacob
Schurman at ang mga kasapi nito ay sina
Admiral George Dewey , Major Elwell S.
Otis , Charles Denby , at Dr.Dean c.
Worcester.
Ang mula sa mga pagsisiyasat ng
Komisyong Schurman ay nakabuo ito ng
mga sumusunod na mungkahi.
1. Pag-aalis ng pamahalaang militar sa mga
lugar na payapa at tahimik na.
2. Ang Pamahalaang Sibil ang maaari nang itatag
sa Pilipinas kapalit ng Pamahalaang Militar.
3. Pagbuo ng tagapagbatas bilang sangay ng
pamahalaan.
4. Pagtatatag ng mga pamahalaang lokal.
5. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa
lahat.
6. Pangangalaga sa likas na yaman.
7. Pagbibigay ng walang bayad na edukasyon sa
elementarya.
8. Paghirang ng mga taong may mabuting
kalooban sa mahahalagang tungkulin sa
pamahalaan.
I. Pagtataya ng aralin
Isulat sa patlang ang SCHURMAN kung
wasto ang pangungusap. Kung mali ang
nakasaad sa pangungusap, guhitan ang
salitang nagpamali dito at isulat sa
patlang.. (gawin sa loob ng 3 minuto)
(Reflective Approach)
_____1. Ang Komisyong Schurman ang
kauna-unahang komisyong
ipinadala sa Pilipinas ng Estados
Unidos.
_____2. Si Pangulong William Mckinley ang
namuno sa Komisyong Schurman.
_____3. Noong ika-4 ng Marso, 1899
dumating sa Pilipinas ang
Komisyong Schurman.
_____4. Isa sa mga mungkahi ng
komisyong schurman ang
pagtatatag ng pamahalaang sibil
kapalit ng pamahalaang militar.
_____5. Magiging libre ang pag-aaral sa
sekundarya, ayon sa mungkahi ng
komisyong schurman.

More Related Content

KOMISYONG-SCHURMAN-AP6-WEEK3

  • 1. ARALING PANLIPUNAN 6 IKALAWANG MARKAHAN WEEK 2 DAY 1
  • 2. A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pagbabago sa lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
  • 3. B. Pamantayang Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto,dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagmamalaki sa kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino namakamit ang ganap na kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
  • 4. C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili. -Komisyong Schurman AP6KDP-IId-3 3.1
  • 5. III. PAMAMARAAN A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Pagsisismula ng bagong aralin
  • 7. B. Paghahabi sa layunin ng aralin . Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili. -Komisyong Schurman
  • 8. Sabihin: Mga bata, tutukuyin ninyo kung sino ang nasa larawan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik na hawak ninyo.
  • 11. C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin Gawain: Pag - usapan Natin! 1. Sino ang nasa larawan mga bata? 2. Ano kaya ang kanilang kinalaman sa ating aralin ngayon?
  • 12. Sabihin: Upang pag-aralan ang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas at magbigay ng mungkahi sa gobernador tungkol sa pagbubuo ng mga patakaran, nagpadala si Pangulong William McKinley ng dalawang komisyon sa Pilipinas. Isa dito ang Komisyong Schurman na pinamunuan ni Dr. Jacob G. Schurman.
  • 13. ALAMIN! Komisyong Schurman Ito ay komisyong gustong siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng United States, at magmungkahi ng mga patakarang paiiralin sa bansa.
  • 14. Kilala rin ito bilang Unang Komisyon ng Pilipinas o First Philippine Commission. Nagpasiya si McKinley na magkaroon ng patakaran ukol sa Pamamahala ng Pilipinas. Kayat ginawa niya ang Komisyong Schurman noong Enero 20, 1899.
  • 15. Ang Nahalal na pangulo ay si Dr.Jacob Schurman at ang mga kasapi nito ay sina Admiral George Dewey , Major Elwell S. Otis , Charles Denby , at Dr. Dean c. Worcester.
  • 16. Dumating ang Komisyong Schurman sa Maynila noong Marso 4, 1899. Layunin ng komisyong ito na: A. Maghatid ng mensahe ng kagandahang-loob sa mga Pilipino B. Magsiyasat sa kalagayan ng kapayapaan at kaayusan ng bansa C. Magmungkahi sa pangulo ng Estados Unidos tungkol sa uri ng pamahalaang dapat itatag sa bansa.
  • 17. Nang bumalik sa Estados Unidos ang komisyon, nag-ulat it kay Pangulong William McKinley noong ika-31 ng Enero 1900 na ang bumalik sa Estados Unidos ang komisyon, nag-ulat it kay Pangulong William McKinley noong ika-31 ng Enero 1900 na ang mga Pilipino ay hindi pa handa sa pagsasarili.
  • 18. Ang mula sa mga pagsisiyasat ng Komisyong Schurman ay nakabuo ito ng mga sumusunod na mungkahi.
  • 19. 1. Pag-aalis ng pamahalaang militar sa mga lugar na payapa at tahimik na. 2. Ang Pamahalaang Sibil ang maaari nang itatag sa Pilipinas kapalit ng Pamahalaang Militar. 3. Pagbuo ng tagapagbatas bilang sangay ng pamahalaan.
  • 20. 4. Pagtatatag ng mga pamahalaang lokal. 5. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa lahat. 6. Pangangalaga sa likas na yaman. 7. Pagbibigay ng walang bayad na edukasyon sa elementarya. 8. Paghirang ng mga taong may mabuting kalooban sa mahahalagang tungkulin sa pamahalaan.
  • 21. D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Talakayin ang paksang pinagusapan. Sagutin ang mga tanong sa tulong ng mga gabay na tanong.(gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)
  • 22. Ano ang kauna-unahang komisyon ang ipinadala sa Pilipinas ng Estados Unidos? Sino ang namuno sa Komisyong Schurman? Kailan ito dumating sa Pilipinas?
  • 23. Sino-sino ang mga kasama ni Dr. Jacob Schurman sa komisyong ito? Ano ang layunin ng Komisyong Schurman? Anu-ano ang mga naging mungkahi ng Komisyong Schurman matapos ang pagsisiyasat nito sa Pilipinas?
  • 24. F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) Sagutan ang sumusunod. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Sino ang pangulo ng Estados Unidos ang nagpadala ng mga komisyon sa Pilipinas upang siyasatin ang kalagayan nito?
  • 25. A. William McKinley B. Jacob Schurman C. Wesley Merritt D. George Dewey
  • 26. 2. Ang sumusunod ay layunin ng pagpapadala ng komisyong schurman sa Pilipinas, maliban sa isa. Alin ito? A. Maghatid ng mensahe ng kagandahang-loob sa mga Pilipino B. Magsiyasat sa kalagayan ng kapayapaan at kaayusan ng bansa
  • 27. C. Magmungkahi sa pangulo ng Estados Unidos tungkol sa uri ng pamahalaang dapat itatag sa bansa. D. Magsiyasat sa yaman ng Pilipinas.
  • 28. 3. Kailan dumating sa Pilipinas ang kauna- unahang komisyong pinamunuan ni Jacob Schurman? A. Marso 4, 1899 B. Enero 31, 1900 C. Enero 20, 1899 D. Marso 4, 1900
  • 29. 4. Anong uri ng pamahalaan ang ipapalit sa pamahalaang militar? A. Pamahalaang Demokratiko B. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Militar D. Pamahalaang Lokal
  • 30. 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga mungkahing nabuo ng Komisyong Schurman? A. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa lahat. B. Pangangalaga sa likas na yaman. C. Pagbibigay ng walang bayad na edukasyon sa elementarya. D. Paghirang ng mga taong may matatalino at magaling mamuno sa mahahalagang tungkulin sa pamahalaan.
  • 31. G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay Sa kasalukuyang panahon, kung ikaw ang magpapadala ng isang komisyon, ano ang magiging layunin mo sa pagpapadala nito? Bakit? Ipaliwanag. Isulat ito sa (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach/Constructivist Approach)
  • 32. H. Paglalahat ng aralin Komisyong Schurman Ito ay komisyong gustong siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng United States, at magmungkahi ng mga patakarang paiiralin sa bansa.
  • 33. Kilala rin ito bilang Unang Komisyon ng Pilipinas o First Philippine Commission. Nagpasiya si McKinley na magkaroon ng patakaran ukol sa Pamamahala ng Pilipinas. Kayat ginawa niya ang Komisyong Schurman noong Enero 20, 1899.
  • 34. Ang Nahalal na pangulo ay si Dr.Jacob Schurman at ang mga kasapi nito ay sina Admiral George Dewey , Major Elwell S. Otis , Charles Denby , at Dr.Dean c. Worcester.
  • 35. Ang mula sa mga pagsisiyasat ng Komisyong Schurman ay nakabuo ito ng mga sumusunod na mungkahi.
  • 36. 1. Pag-aalis ng pamahalaang militar sa mga lugar na payapa at tahimik na. 2. Ang Pamahalaang Sibil ang maaari nang itatag sa Pilipinas kapalit ng Pamahalaang Militar. 3. Pagbuo ng tagapagbatas bilang sangay ng pamahalaan.
  • 37. 4. Pagtatatag ng mga pamahalaang lokal. 5. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa lahat. 6. Pangangalaga sa likas na yaman. 7. Pagbibigay ng walang bayad na edukasyon sa elementarya. 8. Paghirang ng mga taong may mabuting kalooban sa mahahalagang tungkulin sa pamahalaan.
  • 38. I. Pagtataya ng aralin Isulat sa patlang ang SCHURMAN kung wasto ang pangungusap. Kung mali ang nakasaad sa pangungusap, guhitan ang salitang nagpamali dito at isulat sa patlang.. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
  • 39. _____1. Ang Komisyong Schurman ang kauna-unahang komisyong ipinadala sa Pilipinas ng Estados Unidos. _____2. Si Pangulong William Mckinley ang namuno sa Komisyong Schurman.
  • 40. _____3. Noong ika-4 ng Marso, 1899 dumating sa Pilipinas ang Komisyong Schurman. _____4. Isa sa mga mungkahi ng komisyong schurman ang pagtatatag ng pamahalaang sibil kapalit ng pamahalaang militar.
  • 41. _____5. Magiging libre ang pag-aaral sa sekundarya, ayon sa mungkahi ng komisyong schurman.