1. Maituturing ang pananaliksik na susi sa
kaunlaran. Sa halos lahat ng larangan ng
buhay walang magiging pagsulong o
pagunlad kung hindi gagamit ng
pananaliksiksik maging sa pamamalaan, sa
edukasyon, sa pangangalakal at komersyo,
at sa lahat ng uri ng industriya.
2. Ang Pananaliksik ayon kay Aban (1996):
-Isang makaagham na proseso o pamamaraan ng
pagsisiyasat o pagaaral upang humanap ng mga
impirical na datos na magbibigay ng kalutasan sa
isang umiiral na suliranin.
Ayon kay Aquino (1974):
-Ang pananaliksik ay isang sistematikong
pagsasaliksik ng mga mahalagang impormasyon
tungkol sa tiyak na paksa o problema.
INVESTIGATION
MULA SA
OBSERBASYON
3. Pagkatapos ng isang maingat, sistematikong
pagsasaliksik ng mahahalagang impormasyon o
datos tunkol sa isang tiyak na paksa o problema,
at pagkatapos na masuri at maipaliwanag ang
datos ng mananaliksik muli niyang haharapin ang
isang mahalagang gawain- ang paghahanda ng
ulat-pananaliksik.
Ayon nina Manuel at Medel (1976)
-Ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom
ng mga datos o impormasyon para malutas ang
isang partikular o tiyak na suliranin sa isang
siyentipikong paraan.
COLLECTING
4. Sumang-ayon naman dito ang pahayag nina Trece
at Trece ng sinabi nilang:
Ang pananaliksik sa isang malawak na hinagap ay
isang pagtatangkang makakakuha ng kalutasan sa
mga suliranin. Sa katiyakan, ito’y paglilikom ng
mga datos, sa isang mahigpit at kontroladong
kalagayan at layuning makapaghinuha o
makapagpaliwanag.
Ayon nina Good at Scates (1972)
Layunin ng pananaliksik ang mapaglingkuran ang
sangkatauhan, at tunguhin naman nito ang
mabuting buhay.
5. Ang Plano ng Pananaliksik
(Aban, 1996)
1. Pamagat o Paksa ng iminumungkahing Pag-aaral.
-Dapat na maiksi ngunit naglalarawan at masaklaw ang pamagat.
2. Pagpapahayag ng suliranin.
-dapat na magkaroon ng pagpapahayag ng panlahat na suliranin at sa
ilalim nito ay may mga tiyak na tanong na nasusulat sa isang
tiyak na pamamaraan at maaaring masukat ang mga kasagutan.
6. 3. Saklaw at limitasyon ng pag-aaral.
-tinutukoy ng saklaw ang tiyak na mapagkukunan ng mga
impormasyon at ang panahong sasakupin ng pag-aaral.
4. Kahalagahan ng Pag-aaral
a. ang kahalagahan ng inaasahang mapatutunayan sa
pagaaral para sa isang tiyak na disiplina kung saan
nararapat ang pagaaral na ginanap.
b. ang kabutihang maidudulot nito sa mga tao.
7. 5. Depinisyon ng mga katawagan at panteoryang
Balangkas
-sa bahaging ito isinasaad ang mga asumpsyon ng pagaaral; dito rin
ipinapahayag ang mga depinisyon ng mga mahalagang
katawagang ginamit sa pagaaral.
6. Pamamaraan at paraan
-tatlong pamamaraan ang mapagpipiliang gamitin:
a. ang pangkasaysayan
b. ang paglalarawan
c. ang eksperimental
8. 7. Muling pagtingin sa mga kaugnay na literatura at pag-
aaral
-Ipinalagay na bago simulan ang pag buo ng balangkas o plano ng
pananaliksik, nakapagbasa na ang mananaliksik ng halos lahat ng
mga mahahalagang literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa
mungkahing pag-aaral.
a. upang maipakita ng mananaliksik na pamilyar siya sa mga
pangunahing kaisipan kaugnay sa larangan ng pag-aaral.
b. upang maipakita na ang mga nakaimbak ng kaalaman sa
larangang ito ay hindi palubos na buo at hindi pa gaanong
maaasahan.
9. 8. Ang bibliyograpiya
-Ito ang maayos na pagtatala sa lahat ng maaring gamiting
sangguniang makukuha sa mga aklatan, mga koleksyon at iba
pang mapagkukunan ng impormasyon.
c. upang maipakita na ang mga mapatutunayan sa mungkahing
pag-aaral ay makadaragdag, makatutulong at makapagwasto sa
kasalukuyang kaalaman.
10. Mga Pamamaraan ng Pananaliksik
1)Pamamaraang Pangkasaysayan
2)Pamamaraang Palarawan
3)Pamamaraang Eksperimental
12. 2.) Palararawan
Pinag-aaralan ang mga pangkasalukuyang
ginagawa, pamantayan at kalagayan.
Halimbawa:
Pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-
aaral na naninirahan sa mga boarding houses
at ang nagiging epekto nito sa kanilang pag-
aaral.
13. 3.) Eksperimental
Pinag-uukulan dito ng pansin ang hinaharap at
kung ano ang mangyayari.
Halimbawa:
Eksperimentong gagawin ng isang guro upang
malaman niya kung aling paraan ng pagtuturo ang
gagamitin upang madaling matuto ang kanyang mga
mag-aaral. Susubok siya ng iba’t ibang paraan ng
pagtuturo.
14. Ang Planong Eksperimental
1. Pagtitiyak sa suliraning eksperimental o
paksa.
2. Pagsasagawa ng sarbey ng mga
magkaugnay na literatura at pag-aaral.
3. Pagbabalangkas ng hipotesis.
4. Pagkikilala sa mga eksperimental na
baryabol
15. Haimbawa ng Isang Palarawang Pananaliksik
Isang Pagsusuri bilang Pamamaraan sa
Pagsisiyasat sa Nilalaman ng Isang Pelikula