2. A. ABSTRAK
• Ay isang uri ng lagom na
karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng mga
akademikong papel tulad
ng tesis, papel na
siyentipiko at teknikal,
lektyur, at mga report.
3. • Ito ay kadalasang bahagi ng
isang tesis o disertasyon na
makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng
title page o pahina ng
pamagat.
• Naglalaman ng pinakabuod
ng buong akdang akademiko
o ulat.
4. • Ayon kay Philip Koopman
(1997), bagamat ang
abstrak ay maikli lamang,
tinataglay ang mahalagang
elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng
introduksyon, mga kaugnay
na literatura, metodolohiya,
resulta at konklusyon.
5. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG ABSTRAK
1. Lahat ng mga detalye o o
kaisipang ilalagay rito ay dapat
na makikita sa kabuoan ng
papel; ibig sabihin , hindi
maaaring maglagay ng mga
kaisipan o datos na hindi
binanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.
6. 2. Iwasan ang paglalagay
ng statistical figures o
table sa abstrak sapagkat
hindi ito nangangailangan
ng deyalyadong
pagpapaliwanag na
magiging dahilan para
humaba ito.
7. 3. Gumamit ng mga
simple, malinaw, at
direktang mga
pangungusap. Huwag
maging maligoy sa
pagsulat nito.
8. 4. Maging obhetibo sa
pagsulat. Ilahad lamang
ang mga pangunahing
kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
9. 5. Higit sa lahat ay gawin
itong maikli ngunit
komprehensibo kung
saan mauunawaan ng
babasa ang
pangkalahatang
nilalaman at nilalayon ng
pag-aaral na ginawa.
11. MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NG ABSTRAK
1. Basahing Mabuti at pag-
aralan ang papel o
akademikong sulatin na
gagawan ng abstrak.
12. 2. Hanapin at isulat ang
mga pangunahing kaisipan
o ideya ng bawat bahagi
ng sulatin mula sa
introduksyon, kaugnay na
literature, metodolohiya,
resulta at konklusyon.
13. 3. Buoin gamit ang mga
talata, ang mga
pangunahing kaisipang
taglay ng bawat bahagi ng
sulatin. Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng
mga bahaging ito s
kabuoan ng mga papel.
14. 4. Iwasang maglagay
ng mga ilustrasyon,
graph, table, at iba pa
maliban na lamang
kung sadyang
kinakailangan.
15. 5. Basahing muli ang
ginawang abstrak. Suriin
kung may nakaligtaang
mahahalagang kaisipang
dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi
nito.
16. B. SINOPSIS/BUOD
• Ay isang uri ng lagom na
kalimitang ginagamit sa
mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento,
salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati, at iba
pang anyo ng panitikan.
17. • Ay maaaring buoin ng isa o
higit o maging ng ilang
pangungusap lamang.
• Sa pagbuo ng sinopsis,
mahalagang maibuod ang
nilalaman ng binasang
akda gamit ang sariling
salita.
20. 3. Kailangang mailahad
o maisama rito ang mga
pangunahing tauhan
maging ang kanilang
mga gampanin at mga
suliraning kanilang
hinaharap.
21. 4. Gumamit ng mga
angkop na pang-ugnay sa
paghabi ng mga
pangyayari sa kuwentong
binubuod lalo na kung ang
sinopsis na ginawa ay
binubuo ng dalawa o higit
pang talata.
22. 5. Tiyaking wasto ang
gramatika,
pagbabaybay, at mga
bantas na ginamit sa
pagsulat.
23. 6. Huwag kalimutang
isulat ang
sangguniang ginamit
kung saan hinango o
kinuha ang orihinal na
sipi ng akda.
25. 1. Basahin ang buong
seleksiyon o akda at
unwaing mabuti hanggang
makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa
nito.
2. Suriin at hanapin ang
panginahin at di
pangunahing kaisipan.
26. 3. Habang nagbabasa,
magtala at kung maaari ay
magbalangkas.
4. Isulat sa sariling
pangungusap at huwag
lagyan ng sariling opinyon
o kuro-kuro ang isinusulat.
27. 5. Ihanay ang ideya ayon sa
orihinal.
6. Basahin ang unang
ginawa, suriin, at kung
mapaikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan
ay lalong magiging mabisa
ang isinulat na buod.
28. C. BIONOTE
• Ay maituturing ding isang
uri ng lagom na ginagamit
sa pagsulat ng personal
profile ng isang tao.
29. • Ayon kay Duenas at Suanz
(2012), ito ay tala sa buhay
ng isang tao na naglalaman
ng buod ng kanyang
academic career na
madalas ay makikita sa
mga journal, aklat, abstrak
ng mga sulating papel, web
sites atbp.
30. MGA BAGAY NA DAPAT
ISAALNG-ALANG SA
PAGSULAT NG BIONOTE
31. 1.Sikaping nakasulat
lamang ito ng maikli.
2.Magsimula sa
pagbanggit ng personal
na impormasyon o
detalye tungkol sa
iyong buhay.
32. 3. Isulat ito gamit ang
ikatlong panauhan upang
maging litaw na obhetibo
ang papagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang
pagkakasulat nito. Gumamit
ng mga payak na salita
upang mabilis na
maunawaan.
33. 5. Basahing ulit at muling
isulat ang pinal na sipi ng
inyong bionote. Maaaring
ipabasa muna ito sa iba
bago tuluyan itong
gamitin upang matiyak
ang katumpakan at
kaayusan nito.