際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
1
Grado 7 Mga Saksi ng Kasaysayang Pilipino
Markahan 1 Sinanunang panahon hanggang sa pagtatag ng kolonyang
Espanyol
Modyul 1 Pagpapakilala sa primaryang sanggunian
Gawain 1. Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian
2. Limitasyon ng mga sanggunian
3. Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian
Oras Lima (5)
MODYUL SA PAGKATUTO
Pangkalahatang Ideya
Paano natin nalalaman ang mga nangyari at nangyayari? Sa sarili nating
buhay, umaasa tayo sa iba-ibang pinagmulan ng impormasyon katulad ng
personal na liham, email o text sa cell phone, litrato, at kwento ng kaklase o
kaibigan. Tungkol naman sa nagaganap o naganap sa bansa, umaasa tayo sa
dyaryo, telebisyon at radyo para sa balita, o kaya sa kwento ng ating mga
magulang at guro. Lahat ng mga ito ay sanggunian ng impormasyon na ating
ginagamit upang maunawaan ang isang isyu o pangyayari, magdesisyon tungkol
sa isang bagay, at lumahok sa ibat ibang gawain sa bahay, paaralan, at lipunan.
Tatalakayin nitong modyul ang mga uri, anyo, limitasyon at kahalagahan ng mga
sanggunian sa araw-araw na buhay at sa kasaysayan.
Anuman ang natitira mula sa nakaraan, katulad ng sulat o larawan, ay
itinuturing na primaryang sanggunian, maging sa personal na buhay o sa buhay
ng bansa. Bilang bakas ng nakaraan, ang primaryang sanggunian ay katibayan na
may nangyari. Kung wala ang sangguniang ito, hindi natin matitiyak na may
naganap, saan at kailan ito naganap, kung ano ang nangyari at kung sino ang
naroroon.
Dahil ang primaryang sanggunian ay gawa ng aktuwal na saksi ng
pangyayari, nagbibigay ito ng buhay at kulay sa kasaysayan. Halimbawa, sa
liham, talaan sa araw-araw (diary), larawan, awit o dyaryo, nararanasan,
nararamdaman o nakikita ang damdamin at kaisipan ng mga gumanap at ang
kapaligiran ng kanilang panahon. Kung gayon, ang pag-aaral ng kasaysayan
gamit ang primaryang sanggunian ay nagdudulot ng sariwa, bago o naiibang
pagkakaunawa ng nakaraan na hindi kadalasang nakukuha sa teksbuk at ibang
libro.
Sa taong ito, pag-aaralan mo ang ibat ibang primaryang sanggunian upang
lalong maunawaan ang kasaysayan ng Pilipinas.
Gawain 1. Kahulugan ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian
1. Paano mo nalalaman ang nangyari o nangyayari sa buhay? Isipin
ang lahat ng paraan at ibahagi ito sa klase. Halimbawa, paano mo nalaman na
may ikinasal na kamag-anak, o nanalo si Manny Pacquiao sa laban sa Las Vegas,
o itinatag ang Katipunan? Isulat ang sagot sa patlang.
2
2. Tingnan ang lahat ng mga sagot. Maaari bang ikategorya ang mga
ito ayon sa kung ang pangyayari ay direktang nasaksihan o nabalitaan sa iba?
Gamitin ang organizer sa ibaba.
3. Ang nakasaksing pinagmulan ng impormasyon ay tinatawag na
primaryang sanggunian, samantalang ang pinagmulan ng impormasyong galing
sa iba ay sekundaryang sanggunian.
4. Alin sa mga sanggunian sa ibaba ang primarya at sekundarya?
Lagyan ng tsek ang nararapat na kolom.
Sanggunian Primarya Sekundarya
Bandila
History of the Filipino People, aklat ni Teodoro
Agoncillo
Pahayagan
Litrato
Artikulo ni Ambeth Ocampo tungkol kay Rizal
5. Makikita sa mga halimbawa sa itaas na iba-iba ang anyo ng mga
primaryang sanggunian, kung ito ay pasulat, pasalita, nakalarawan at iba pa.
Tingnan ang mga anyo at halimbawa sa ibaba at magdagdag ng iyong halimbawa.
Nasaksihan	
 
Nalaman sa
iba
Uri ng Sanggunian
Primarya
Salaysay ng taong nakasaksi ng
pangyayari
Sekundarya
Salaysay ng isang di nakasaksi ng
pangyayari ngunit nalaman ito mula sa
isang saksi o sa sekundaryang
sanggunian
3
Anyo ng Sanggunian Halimbawa Iba pang Halimbawa
Nakasulat dyaryo
Pasalita teyp ng talumpati
Biswal litrato
Awdyo-biswal pelikula
Digital email
Kumbinasyon ng mga
ito
talaang may
larawan
6. Para sa historyador, pinakamahalaga ang impormasyong galing sa
isang saksi dahil direkta nitong nakita o naranasan ang naganap.
Gawain 2. Limitasyon ng mga Sanggunian
1. Bagamat ang isang sanggunian ay pinagmulan ng impormasyon, ito
ay may limitasyon. Isipin, halimbawa, na manunuod ang klase ng isang konsyerto,
laro ng basketbol, o pista ng bayankung gayon, lahat ng estudyante ay
primaryang sanggunian. Talakayin sa iyong pangkat ang mga sumusunod na
tanong.
a. Pare-pareho kaya ang isasalaysay ng lahat tungkol sa pangyayari?
b. Anu-ano ang mga salik na makaaapekto sa pagbuo ng salaysay ng
bawat isa? Ilista ang mga salik na ito.
2. Iulat ang sagot sa klase. Base sa mga sagot, anu-ano ang nakikita
mong limitasyon ng primaryang sanggunian?
Mga Limitasyon ng Primaryang Sanggunian
 Hindi gaanong naalala ng saksi ang mga detalye ng pangyayari

Primaryang Sanggunian
≒ Katibayan ito na may naganap
dahil nandoon o naranasan
mismo ng saksi (may-akda) ang
nangyari.
Sekundaryang Sanggunian
≒ Kwento ito base sa sinulat o
sinabi ng iba at hindi ng nakasaksi
mismo.
 kung saan ako nakapwesto (sa bandang harapan, malayo, sa likod
ng malaking sound system, poste o matangkad na tao).
4


3. Ngayon isipin naman na hindi ka nakapanuod ng konsyerto, laro o
pista at nakibalita ka lamang sa isang nakapanuodsamakatwid, ikaw ay
sekundaryang sanggunian. Ipalagay na isa lang sa klase ang nakapanuod ng
naganap. Isusulat niya ang kanyang salaysay at malalaman mo ang nangyari sa
isa sa dalawang paraan:
a. Mula sa kwento ng kaklaseng nakapanuod (primaryang sanggunian)
b. Mula sa salaysay ng kaklaseng nakuwentuhan (sekundaryang
sanggunian)
4. Sumama ka sa grupong iaatas ng iyong guro.
a. Pangkat Agrupong mananatili sa silid: Pakinggan ang kwento ng
nakapanuod ng pangyayari.
b. Pangkat Bgrupong lalabas ng silid habang nakikinig ang pangkat
A sa kwento ng saksi.
5. Pagkatapos marining ng Pangkat A ang salaysay ng saksi, bumalik
ang Pangkat B sa klase. Pakinggan ng lahat ang salaysay mula sa Pangkat A.
6. Ngayon pakinggan naman ang salaysay ng saksi at ikumpara mo ito
sa salaysay ng Pangkat A. Pareho ba ang kwento ng saksi at ng Pangkat A? Bakit
pareho (o magkaiba)?
7. Kung gayon, anu-ano ang limitasyon ng sekundaryang sanggunian?
Ilista ang mga ito sa ibaba.
Mga Limitasyon ng Sekundaryang Sanggunian
 Lahat ng mga limitasyon ng mga primaryang sanggunian +
 Maaaring binago ng may-akda ng sekundaryang sanggunian ang detalye ng
pangyayari


8. Bukod sa nabanggit na limitasyon ng primarya at sekundaryang
sanggunian, mayroon ding mga limitasyon na may kinalaman sa pangangalaga at
pagpapanatili ng mga sanggunian. Tingnan ang mga limitasyon sa ibaba at
magbigay ng halimbawa ng sanggunian sa bawat limitasyon.
Hindi tumatagal, madaling masira o mapunit:
Nabubura:
5
9. Paano makaaapekto ang mga limitasyong ito sa pag-aaral ng
nakaraan? Magbigay ng isang epekto.
Dahil ito, mahalagang pangalagaan ang primaryang sanggunian.
Gawain 3. Kaugnayan at Kahalagahan ng Primaryang Sanggunian
1. Isipin ang sumusunod na scenario.1
Nais malaman ng historyador sa darating na siglo
ang buhay ng kabataang Pilipino ngayon: kung anu-ano
ang hilig at lifestyle (uri ng pananamit, paboritong
pagkain, libangan), ang karanasan sa pamilya, paaralan,
mga kaibigan, pagtingin sa relasyon o ugnayang
panlipunan, mga paniniwala at pangarap sa buhay, mga
personal na problema, at ang pagtingin sa pag-aaral,
trabaho, at ibang aspeto ng buhay.
2. Bagamat babasahin ng historyador ang mga nasulat na ng ibang
mga historyador tungkol sa kabataang Pilipino, ang pag-aaral ng kasaysayan ay
base sa mga primaryang sanggunian.
1
Halaw ito sa Seeing Myself in the Futures Past ni Ruth W. Sandwell, Using Primary
Documents in Social Studies and History, p. 299 <http://www.learnalberta.ca/
content/sspp/html/pdf/using_primary_documents_in_social_studies_and_history.pdf> Accessed
November 2011.
Kadalasang tinatapon:
Nawawala:
Nasunog, nabasa:
Kumukupas ang kulay:
Kinain ng insekto:
Nasa ibang bansa o malayong lugar:
6
3. Maglista ng primaryang rekord o sanggunian tungkol sa kabataan.
 Text message




4. Sumali sa isang pangkat upang gawin ang mga sumusunod.
a. Basahin ang mga sagot ng iyong kagrupo at pumili ng sangguniang
nagbibigay ng pinakamahalaga o pinakamaraming impormasyon sa
historyador tungkol sa buhay ng kabataan.
b. Sagutin ang tsart sa ibaba.
Sanggunian Ano ang
matututunan ng
historyador
tungkol sa akin?
Ano ang
mahihinuha ng
historyador tungkol
sa buhay ng mga
kabataan?
Ano ang
limitasyon ng
sanggunian?
c. Alalahanin ang kaibahan ng pagkuha at paghinuha ng impormasyon.
Halimbawa, isinulat mo sa iyong diary na buwan-buwan kang nanunuod ng
sine, samantalang wala kang halos binanggit na ibang libangan. Mahihinuha ng
mambabasa na libangan mo ang panonood ng sine kahit hindi mo ito direktang
sinabi.
Anu-ano ang mga sinusulat o nililikha ninyo, o ibang rekord tungkol
sa inyo, na maaaring gamitin ng historyador ng siglo-22 bilang
primaryang sanggunin tungkol sa kabataang Pilipino ngayon?
Pagkuha ng impormasyon
≒ Kapag direkta itong isinasaad ng
sanggunian
Paghinuha ng impormasyon
≒ Kapag hindi ito direktang
isinasaad, kung kaya kailangang
bumuo ng konklusyon hango sa
impormasyon
7
d. Pagbalik-aralan ang mga limitasyon ng primaryang sanggunian na
tinalakay sa Gawain 2 upang masagot ang huling kolum ng tsart.
5. Matapos buuin ng pangkat ang tsart, ibahagi ito at talakayin ang
kahalagahan ng mga primaryang sanggunian sa sariling buhay.
6. Kung iba-iba ang mga primaryang pinagmulan ng impormasyon
tungkol sa buhay ng tao, ganoon din ang mga primaryang sanggunian ng
kasaysayan. Isulat sa graphic organizer ang primaryang sanggunian na
mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa Pilipinas.
7. Bilang takdang-aralin, sumulat ng isang pahinang salaysay tungkol
sa sarili. Gumamit ng tatlong primaryang sanggunian at tukuyin ang mga ito.
Pagtukoy ng Sanggunian
Pangalan ng may-akda, pamagat, detalye ng publikasyon kung
nilimbag ang sanggunian (saan nilimbag, sino ang naglimbag at
kailan)
8. Tingnan ang rubric ng pagmamarka bilang gabay sa pagsulat ng
iyong salaysay.
≒ Istatistiko, datos tungkol sa ekonomiya
≒ Bilang ng populasyon
≒ Patakaran at tuntunin ng pamahalaan
≒ Lokasyon ng mga lugar
≒ Ang nagaganap araw-araw
≒ Pamumuhay ng tao at ugnayan sa lipunan

More Related Content

1 1a modyul-final_ok

  • 1. 1 Grado 7 Mga Saksi ng Kasaysayang Pilipino Markahan 1 Sinanunang panahon hanggang sa pagtatag ng kolonyang Espanyol Modyul 1 Pagpapakilala sa primaryang sanggunian Gawain 1. Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian 2. Limitasyon ng mga sanggunian 3. Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian Oras Lima (5) MODYUL SA PAGKATUTO Pangkalahatang Ideya Paano natin nalalaman ang mga nangyari at nangyayari? Sa sarili nating buhay, umaasa tayo sa iba-ibang pinagmulan ng impormasyon katulad ng personal na liham, email o text sa cell phone, litrato, at kwento ng kaklase o kaibigan. Tungkol naman sa nagaganap o naganap sa bansa, umaasa tayo sa dyaryo, telebisyon at radyo para sa balita, o kaya sa kwento ng ating mga magulang at guro. Lahat ng mga ito ay sanggunian ng impormasyon na ating ginagamit upang maunawaan ang isang isyu o pangyayari, magdesisyon tungkol sa isang bagay, at lumahok sa ibat ibang gawain sa bahay, paaralan, at lipunan. Tatalakayin nitong modyul ang mga uri, anyo, limitasyon at kahalagahan ng mga sanggunian sa araw-araw na buhay at sa kasaysayan. Anuman ang natitira mula sa nakaraan, katulad ng sulat o larawan, ay itinuturing na primaryang sanggunian, maging sa personal na buhay o sa buhay ng bansa. Bilang bakas ng nakaraan, ang primaryang sanggunian ay katibayan na may nangyari. Kung wala ang sangguniang ito, hindi natin matitiyak na may naganap, saan at kailan ito naganap, kung ano ang nangyari at kung sino ang naroroon. Dahil ang primaryang sanggunian ay gawa ng aktuwal na saksi ng pangyayari, nagbibigay ito ng buhay at kulay sa kasaysayan. Halimbawa, sa liham, talaan sa araw-araw (diary), larawan, awit o dyaryo, nararanasan, nararamdaman o nakikita ang damdamin at kaisipan ng mga gumanap at ang kapaligiran ng kanilang panahon. Kung gayon, ang pag-aaral ng kasaysayan gamit ang primaryang sanggunian ay nagdudulot ng sariwa, bago o naiibang pagkakaunawa ng nakaraan na hindi kadalasang nakukuha sa teksbuk at ibang libro. Sa taong ito, pag-aaralan mo ang ibat ibang primaryang sanggunian upang lalong maunawaan ang kasaysayan ng Pilipinas. Gawain 1. Kahulugan ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian 1. Paano mo nalalaman ang nangyari o nangyayari sa buhay? Isipin ang lahat ng paraan at ibahagi ito sa klase. Halimbawa, paano mo nalaman na may ikinasal na kamag-anak, o nanalo si Manny Pacquiao sa laban sa Las Vegas, o itinatag ang Katipunan? Isulat ang sagot sa patlang.
  • 2. 2 2. Tingnan ang lahat ng mga sagot. Maaari bang ikategorya ang mga ito ayon sa kung ang pangyayari ay direktang nasaksihan o nabalitaan sa iba? Gamitin ang organizer sa ibaba. 3. Ang nakasaksing pinagmulan ng impormasyon ay tinatawag na primaryang sanggunian, samantalang ang pinagmulan ng impormasyong galing sa iba ay sekundaryang sanggunian. 4. Alin sa mga sanggunian sa ibaba ang primarya at sekundarya? Lagyan ng tsek ang nararapat na kolom. Sanggunian Primarya Sekundarya Bandila History of the Filipino People, aklat ni Teodoro Agoncillo Pahayagan Litrato Artikulo ni Ambeth Ocampo tungkol kay Rizal 5. Makikita sa mga halimbawa sa itaas na iba-iba ang anyo ng mga primaryang sanggunian, kung ito ay pasulat, pasalita, nakalarawan at iba pa. Tingnan ang mga anyo at halimbawa sa ibaba at magdagdag ng iyong halimbawa. Nasaksihan Nalaman sa iba Uri ng Sanggunian Primarya Salaysay ng taong nakasaksi ng pangyayari Sekundarya Salaysay ng isang di nakasaksi ng pangyayari ngunit nalaman ito mula sa isang saksi o sa sekundaryang sanggunian
  • 3. 3 Anyo ng Sanggunian Halimbawa Iba pang Halimbawa Nakasulat dyaryo Pasalita teyp ng talumpati Biswal litrato Awdyo-biswal pelikula Digital email Kumbinasyon ng mga ito talaang may larawan 6. Para sa historyador, pinakamahalaga ang impormasyong galing sa isang saksi dahil direkta nitong nakita o naranasan ang naganap. Gawain 2. Limitasyon ng mga Sanggunian 1. Bagamat ang isang sanggunian ay pinagmulan ng impormasyon, ito ay may limitasyon. Isipin, halimbawa, na manunuod ang klase ng isang konsyerto, laro ng basketbol, o pista ng bayankung gayon, lahat ng estudyante ay primaryang sanggunian. Talakayin sa iyong pangkat ang mga sumusunod na tanong. a. Pare-pareho kaya ang isasalaysay ng lahat tungkol sa pangyayari? b. Anu-ano ang mga salik na makaaapekto sa pagbuo ng salaysay ng bawat isa? Ilista ang mga salik na ito. 2. Iulat ang sagot sa klase. Base sa mga sagot, anu-ano ang nakikita mong limitasyon ng primaryang sanggunian? Mga Limitasyon ng Primaryang Sanggunian Hindi gaanong naalala ng saksi ang mga detalye ng pangyayari Primaryang Sanggunian ≒ Katibayan ito na may naganap dahil nandoon o naranasan mismo ng saksi (may-akda) ang nangyari. Sekundaryang Sanggunian ≒ Kwento ito base sa sinulat o sinabi ng iba at hindi ng nakasaksi mismo. kung saan ako nakapwesto (sa bandang harapan, malayo, sa likod ng malaking sound system, poste o matangkad na tao).
  • 4. 4 3. Ngayon isipin naman na hindi ka nakapanuod ng konsyerto, laro o pista at nakibalita ka lamang sa isang nakapanuodsamakatwid, ikaw ay sekundaryang sanggunian. Ipalagay na isa lang sa klase ang nakapanuod ng naganap. Isusulat niya ang kanyang salaysay at malalaman mo ang nangyari sa isa sa dalawang paraan: a. Mula sa kwento ng kaklaseng nakapanuod (primaryang sanggunian) b. Mula sa salaysay ng kaklaseng nakuwentuhan (sekundaryang sanggunian) 4. Sumama ka sa grupong iaatas ng iyong guro. a. Pangkat Agrupong mananatili sa silid: Pakinggan ang kwento ng nakapanuod ng pangyayari. b. Pangkat Bgrupong lalabas ng silid habang nakikinig ang pangkat A sa kwento ng saksi. 5. Pagkatapos marining ng Pangkat A ang salaysay ng saksi, bumalik ang Pangkat B sa klase. Pakinggan ng lahat ang salaysay mula sa Pangkat A. 6. Ngayon pakinggan naman ang salaysay ng saksi at ikumpara mo ito sa salaysay ng Pangkat A. Pareho ba ang kwento ng saksi at ng Pangkat A? Bakit pareho (o magkaiba)? 7. Kung gayon, anu-ano ang limitasyon ng sekundaryang sanggunian? Ilista ang mga ito sa ibaba. Mga Limitasyon ng Sekundaryang Sanggunian Lahat ng mga limitasyon ng mga primaryang sanggunian + Maaaring binago ng may-akda ng sekundaryang sanggunian ang detalye ng pangyayari 8. Bukod sa nabanggit na limitasyon ng primarya at sekundaryang sanggunian, mayroon ding mga limitasyon na may kinalaman sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga sanggunian. Tingnan ang mga limitasyon sa ibaba at magbigay ng halimbawa ng sanggunian sa bawat limitasyon. Hindi tumatagal, madaling masira o mapunit: Nabubura:
  • 5. 5 9. Paano makaaapekto ang mga limitasyong ito sa pag-aaral ng nakaraan? Magbigay ng isang epekto. Dahil ito, mahalagang pangalagaan ang primaryang sanggunian. Gawain 3. Kaugnayan at Kahalagahan ng Primaryang Sanggunian 1. Isipin ang sumusunod na scenario.1 Nais malaman ng historyador sa darating na siglo ang buhay ng kabataang Pilipino ngayon: kung anu-ano ang hilig at lifestyle (uri ng pananamit, paboritong pagkain, libangan), ang karanasan sa pamilya, paaralan, mga kaibigan, pagtingin sa relasyon o ugnayang panlipunan, mga paniniwala at pangarap sa buhay, mga personal na problema, at ang pagtingin sa pag-aaral, trabaho, at ibang aspeto ng buhay. 2. Bagamat babasahin ng historyador ang mga nasulat na ng ibang mga historyador tungkol sa kabataang Pilipino, ang pag-aaral ng kasaysayan ay base sa mga primaryang sanggunian. 1 Halaw ito sa Seeing Myself in the Futures Past ni Ruth W. Sandwell, Using Primary Documents in Social Studies and History, p. 299 <http://www.learnalberta.ca/ content/sspp/html/pdf/using_primary_documents_in_social_studies_and_history.pdf> Accessed November 2011. Kadalasang tinatapon: Nawawala: Nasunog, nabasa: Kumukupas ang kulay: Kinain ng insekto: Nasa ibang bansa o malayong lugar:
  • 6. 6 3. Maglista ng primaryang rekord o sanggunian tungkol sa kabataan. Text message 4. Sumali sa isang pangkat upang gawin ang mga sumusunod. a. Basahin ang mga sagot ng iyong kagrupo at pumili ng sangguniang nagbibigay ng pinakamahalaga o pinakamaraming impormasyon sa historyador tungkol sa buhay ng kabataan. b. Sagutin ang tsart sa ibaba. Sanggunian Ano ang matututunan ng historyador tungkol sa akin? Ano ang mahihinuha ng historyador tungkol sa buhay ng mga kabataan? Ano ang limitasyon ng sanggunian? c. Alalahanin ang kaibahan ng pagkuha at paghinuha ng impormasyon. Halimbawa, isinulat mo sa iyong diary na buwan-buwan kang nanunuod ng sine, samantalang wala kang halos binanggit na ibang libangan. Mahihinuha ng mambabasa na libangan mo ang panonood ng sine kahit hindi mo ito direktang sinabi. Anu-ano ang mga sinusulat o nililikha ninyo, o ibang rekord tungkol sa inyo, na maaaring gamitin ng historyador ng siglo-22 bilang primaryang sanggunin tungkol sa kabataang Pilipino ngayon? Pagkuha ng impormasyon ≒ Kapag direkta itong isinasaad ng sanggunian Paghinuha ng impormasyon ≒ Kapag hindi ito direktang isinasaad, kung kaya kailangang bumuo ng konklusyon hango sa impormasyon
  • 7. 7 d. Pagbalik-aralan ang mga limitasyon ng primaryang sanggunian na tinalakay sa Gawain 2 upang masagot ang huling kolum ng tsart. 5. Matapos buuin ng pangkat ang tsart, ibahagi ito at talakayin ang kahalagahan ng mga primaryang sanggunian sa sariling buhay. 6. Kung iba-iba ang mga primaryang pinagmulan ng impormasyon tungkol sa buhay ng tao, ganoon din ang mga primaryang sanggunian ng kasaysayan. Isulat sa graphic organizer ang primaryang sanggunian na mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa Pilipinas. 7. Bilang takdang-aralin, sumulat ng isang pahinang salaysay tungkol sa sarili. Gumamit ng tatlong primaryang sanggunian at tukuyin ang mga ito. Pagtukoy ng Sanggunian Pangalan ng may-akda, pamagat, detalye ng publikasyon kung nilimbag ang sanggunian (saan nilimbag, sino ang naglimbag at kailan) 8. Tingnan ang rubric ng pagmamarka bilang gabay sa pagsulat ng iyong salaysay. ≒ Istatistiko, datos tungkol sa ekonomiya ≒ Bilang ng populasyon ≒ Patakaran at tuntunin ng pamahalaan ≒ Lokasyon ng mga lugar ≒ Ang nagaganap araw-araw ≒ Pamumuhay ng tao at ugnayan sa lipunan