際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Batayang Kaalaman sa
Mapanuring Pagbasa
Aralin 1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan
 Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa
 Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at ekstensibong Pagbasa
 Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at skimming sa
pagbasa
 Matukoy ang antas ng pagbasa
Daloy ng Talakayan
 Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa
 Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
 Scanning at Skimming sa Pagbasa
 Antas ng Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Huwag kang magbasa,
gaya ng mga bata, upang
libangin ang sarili, o gaya
ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang
mabuhay.
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a
Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang
kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon
ng ibat iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong New Directions in
Statewide Reading Assessment ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
 Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa
kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo
 Kinapapalooban ng malalimang
pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay,
estruktura, at uri ng diskurso sa loob
ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang
bokabularyong ginamit ng manunulat,
at paulit-ulit at maingat na paghahanap
ng kahulugan.
 Sa ganitong uri ng pagbasa,
nakatutulong ang pagbabalangkas o
paggawa ng larawang konseptuwal
upang lubos na maunawaan ng mag-
aaral ang isang teksto.
Ekstensibo
 Ayon kina Long at Richards (1987),
nagaganap ang ekstensibong pagbabasa
kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa
ng maramihang babasahin na ayon sa
kaniyang interes, mga babasahing
kadalasang hindi kahingian sa loob ng
klase o itinatakda sa anomang asignatura.
 Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha
lamang ang gist o pinaka-esensya at
kahulugan ng binasa na hindi
pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang
malabo o hindi alam ang kahulugan.
Scanning at Skimming sa Pagbasa
Scanning
 Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang
pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinatakda bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa
paghahanap hanggang sa makita ng
mambabasa ang tiyak na kinakailangang
impormasyon.
 Kung ang kahingian ay alalahanin ang
pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na
sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang
angkop na paraan ng pagbasa na dapat
gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o
pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon
at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito
na makikita sa mga libro o iba pang
sanggunian.
Skimming
 Mabilisang pagbasa na ang layunin ay
alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto,
kung paano inorganisa ang mga ideya o
kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
ang pananaw at layunin ng manunulat.
 Mas kompleks ang skimming kaysa
scanning dahil nangangailangan ito ng
mabilisang paraan ng organisasyon at pag-
alaala sa panig ng mambabasa upang
maunawaan ang kabuuang teksto at hindi
lamang upang matagpuan ang isang tiyak
na impormasyon sa loob nito.
Antas ng Pagbasa
Primarya
Mapagsiyasat
Analitikal
Sintopikal
 Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa
at pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar,
o mga tauhan sa isang teksto.
 Itinuturing na magkakahiwalay ang mga
impormasyong ito, na mahirap para sa
bagong mambabasa upang makabuo ng
kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto.
 Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na
impormasyon sa literal na antas at hindi
nakabubuo ng interpretasyon mula sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
Antas ng Pagbasa
Primarya
Mapagsiyasat
Analitikal
Sintopikal
 Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa
ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga
hinuha o impresyon tungkol dito.
 Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng
mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu
sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy
kung kakailanganin niya ito at kung maaari
itong basahin nang mas malaliman.
 Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito
sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan
nang malalim para magbigay ng interpretasyon
o pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging
hindi maunawaan sa teksto.
Antas ng Pagbasa
Primarya
Mapagsiyasat
Analitikal
Sintopikal
 Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang
mapanuri o kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawan ang kahulugan ng
teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat.
 Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa
katumpakan, kaangkupan, at kung
katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto.
 Malalim at mapanuri na ang antas na ito,
ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng
pagbasa.
Antas ng Pagbasa
Primarya
Mapagsiyasat
Analitikal
Sintopikal
 Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling
perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula
sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
 Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang
mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang
pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa
mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat
na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang
maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na ng
mga naunang iskolar.
 Sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo
ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga
sariling karanasan at kaalaman upang makabuo ng
ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig
sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinuturing mo na
rin ang sarili bilang isa sa mga eksperto ng iyong
binasa.

More Related Content

1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa

  • 1. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa Aralin 1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Crizel Sicat-De Laza May-akda
  • 2. Layunin ng Talakayan Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at ekstensibong Pagbasa Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at skimming sa pagbasa Matukoy ang antas ng pagbasa
  • 3. Daloy ng Talakayan Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Scanning at Skimming sa Pagbasa Antas ng Pagbasa
  • 4. Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay. Gustave Flaubert
  • 5. Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng ibat iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
  • 6. Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong New Directions in Statewide Reading Assessment ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng: 1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa; 2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at 3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
  • 7. Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
  • 8. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Intensibo Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan. Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas o paggawa ng larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan ng mag- aaral ang isang teksto. Ekstensibo Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura. Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha lamang ang gist o pinaka-esensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan.
  • 9. Scanning at Skimming sa Pagbasa Scanning Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian. Skimming Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag- alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito.
  • 10. Antas ng Pagbasa Primarya Mapagsiyasat Analitikal Sintopikal Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa isang teksto. Itinuturing na magkakahiwalay ang mga impormasyong ito, na mahirap para sa bagong mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto. Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
  • 11. Antas ng Pagbasa Primarya Mapagsiyasat Analitikal Sintopikal Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas malaliman. Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan nang malalim para magbigay ng interpretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging hindi maunawaan sa teksto.
  • 12. Antas ng Pagbasa Primarya Mapagsiyasat Analitikal Sintopikal Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto. Malalim at mapanuri na ang antas na ito, ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng pagbasa.
  • 13. Antas ng Pagbasa Primarya Mapagsiyasat Analitikal Sintopikal Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa. Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang iskolar. Sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling karanasan at kaalaman upang makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinuturing mo na rin ang sarili bilang isa sa mga eksperto ng iyong binasa.