際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Batas sa Pakikipagrelasyon ng Kabataan

1. Siguraduhin sa sarili kung ano ang desisyon sa pakikipagrelasyon, dapat itanong sa
   sarili kung dapat ba talaga o di-dapat na magrelasyon at kung anuman ang naging
   desisyon tiyaking ikaw ay responsable ukol dito nang walang pagsisihan sa huli.
2. Kung ikaw ay may kasintahan, maging responsable at matutong ibalanse ang
   edukasyon at pati na rin ang pakikipagrelasyon nang hindi bumagsak sa markahan.
3. Bilang isang kabataan, ikaw ay dapat na gumawa at magkaroon ng mga limitasyon
   sa pakikipagrelasyon tulad ng paghalik sa labi sapagkat ikaw ay wala pa sa tamang
   edad.
4. Sa pakikipag-usap sa kasintahan, iwasang magtanong o magsalita na may
   kinalaman sa pagtatalik nang sa gayon ay maiwasan din ang pakikipagtalik at
   maagang pagbubuntis.
5. Matutong mamahala ng oras sa pag-aaral at oras sa kasintahan upang mas maging
   maayos at makabuluhan ang iyong panahon na gagamitin.
6. Iwasan ang sobrang pagmamahal o kabaliwan sa pag-ibig sa karelasyon sapagkat
   sa oras ng inyong klase ay maaaring maging tulala at siya na lamang ang iyong
   iniisip;kung kaya dapat siya`y magsilbing inspirasyon muna sa iyong pag-aaral.
7. Makipag-usap o sumangguni rin nang may katapatan sa magulang tungkol sa iyong
   pakikipagrelasyon, pumayag man sila o hindi; kung sakaling sila ay
   tumanggi,matutong tanggapin at isagawa ang kanilang desisyon dahil sila ang
   gumagabay at nakakaalam ng tama para sa kabataang wala pa sa tamang edad.
8. Kapag ang iyong mga magulang ay hindi pumayag sa iyong pakikipagrelasyon
   dahil dapat mong unahin ang pag-aaral, ito`y iyong tanggapin sapagkat sila ang
   nakakaalam ng tama; at kung mahal ka talaga ng iyong kasintahan, ito`y kaya rin
   niyang tanggapin at kaya ka niyang hintayin gaano man katagal.
9. Kung sa tingin mo ang desisyong pakikipagrelasyon sa kapwa ay may masamang
   epekto at nakasasagabal sa iyong pag-aaral, mas mabuting kausapin ang kasintahan
   na itigil na ito at pagtuunang-pansin ang pag-aaraln nang sa gayo`y magtagumpay
   balang-araw.
10. Pakatandaan lamang na dapat ay napapanatili mo pa rin ang iyong mga marka
   sa pag-aaral habang ikaw ay may karelasyon nang sa gayo`y hindi ito pagsisihan sa
   huli.
                                                  Arsel John M.Dela Cruz III-Star

More Related Content

10 batas sa pakikipagrelasyon ng kabataan

  • 1. Batas sa Pakikipagrelasyon ng Kabataan 1. Siguraduhin sa sarili kung ano ang desisyon sa pakikipagrelasyon, dapat itanong sa sarili kung dapat ba talaga o di-dapat na magrelasyon at kung anuman ang naging desisyon tiyaking ikaw ay responsable ukol dito nang walang pagsisihan sa huli. 2. Kung ikaw ay may kasintahan, maging responsable at matutong ibalanse ang edukasyon at pati na rin ang pakikipagrelasyon nang hindi bumagsak sa markahan. 3. Bilang isang kabataan, ikaw ay dapat na gumawa at magkaroon ng mga limitasyon sa pakikipagrelasyon tulad ng paghalik sa labi sapagkat ikaw ay wala pa sa tamang edad. 4. Sa pakikipag-usap sa kasintahan, iwasang magtanong o magsalita na may kinalaman sa pagtatalik nang sa gayon ay maiwasan din ang pakikipagtalik at maagang pagbubuntis. 5. Matutong mamahala ng oras sa pag-aaral at oras sa kasintahan upang mas maging maayos at makabuluhan ang iyong panahon na gagamitin. 6. Iwasan ang sobrang pagmamahal o kabaliwan sa pag-ibig sa karelasyon sapagkat sa oras ng inyong klase ay maaaring maging tulala at siya na lamang ang iyong iniisip;kung kaya dapat siya`y magsilbing inspirasyon muna sa iyong pag-aaral. 7. Makipag-usap o sumangguni rin nang may katapatan sa magulang tungkol sa iyong pakikipagrelasyon, pumayag man sila o hindi; kung sakaling sila ay tumanggi,matutong tanggapin at isagawa ang kanilang desisyon dahil sila ang gumagabay at nakakaalam ng tama para sa kabataang wala pa sa tamang edad. 8. Kapag ang iyong mga magulang ay hindi pumayag sa iyong pakikipagrelasyon dahil dapat mong unahin ang pag-aaral, ito`y iyong tanggapin sapagkat sila ang nakakaalam ng tama; at kung mahal ka talaga ng iyong kasintahan, ito`y kaya rin niyang tanggapin at kaya ka niyang hintayin gaano man katagal. 9. Kung sa tingin mo ang desisyong pakikipagrelasyon sa kapwa ay may masamang epekto at nakasasagabal sa iyong pag-aaral, mas mabuting kausapin ang kasintahan na itigil na ito at pagtuunang-pansin ang pag-aaraln nang sa gayo`y magtagumpay balang-araw. 10. Pakatandaan lamang na dapat ay napapanatili mo pa rin ang iyong mga marka sa pag-aaral habang ikaw ay may karelasyon nang sa gayo`y hindi ito pagsisihan sa huli. Arsel John M.Dela Cruz III-Star